"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisngit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Magiging unfair 'to. Kailangan ko 'tong ihinto." - Nick
-
Nick
Masaya akong nagbubuklat ng librong aking binabasa, nag-rereview ako ngayon para sa entrance exam sa University na gusto kong pasukan next school year, next month na ako kukuha ng exam. Actually, college na ako and about sa architecture ang nais kong kunin na course.
Isa sa dahilan kung bakit masaya ako tuwing nag-rereview ay dahil lagi kong kasama si Emery; ang aking Girlfriend. 2 months na kami mula no'ng sinagot niya ako kaya mas pursigido ako sa pag-aaral dahil siya ang nagmimistulang inspirasyon ko. Same university ang papasukan namin and same course lang ang kukunin namin para palagi kaming magkasama, kaya sabay rin kami mag-review. Halos araw-araw.
Napakunot ako ng noo nang isang malakas na pindot sa keyboard ang pinakawalan niya mula sa laptop na hawak niya. Napakunot ang noo ko nang tumingin ako sa kanya at pansin kong hindi siya mapakali, paiba-iba ang puwesto nito ng pagkakaupo. Na para bang isa siyang bulati.
"Anong problema?" nag-aalala kong tanong sa kanya at dahan-dahan ibinaba 'yong librong aking binabasa sa hita ko.
Tumingin siya sa akin, isang malamig na tingin ang ibinigay niya. Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil ang tingin na iyan ay ngayon ko lang nakita mula sa kanya.
"Masaya ka ba sa ganito?" malamig niyang tanong sa akin.
"Ganito? What do you supposed to mean?"
Napabuntong-hininga siya. "Sa relasyon natin d'lawa. Masaya ka ba?" 'Yong ngiti habang nag-rereview ako kanina, gradually replaced by a frown. Diretso lang siyang nakatingin sa mga mata ko.
"Wala naman akong dahilan para hindi maging masaya. Palagi kitang kasama, sabay mag-review at araw-araw kitang nakikita. Siyempre, masaya ako para d'yan." Isang pilit na ngiti ang isinuot ko.
"Ako kasi, hindi." She bit her lower lip. Out of nowhere, bakit siya nagiging ganyan ngayon? Isa iyan sa iniiwasan ng mga tao na marinig sa taong mahal nila.
I saw the tears on each corner of her eyes. Natigilan ako at sunod-sunod na paglunok ng laway ang ginawa ko.
"Huh? B-bakit naman?" halos nauutal kong tanong. Ramdam kong may hinding magandang mangyayari, dalawang buwan pa lang kami pero huwag naman sana kami humantong sa ganoon. Sinubukan kong lumapit para hawakan ang kamay niya pero mabilis naman siyang lumayo.
"Pleas, huwag mo akong hawakan," halos pabulong niyang giit. She took a deep breath before she spoke again. "Ganito na lang ba tayo? Walang pag-uusad? Walang pupuntahan? Walang thrill? Walang improvement? When the first day I said 'yes' to you, akala ko mas magiging sweet ka sa akin at do-doble 'yong effort na ipapakita mo sa akin. But what has happened? Inilunod mo na lang 'yong oras mo—oras natin sa pag-rereview. Oo, almost everyday tayong magkasama pero parang pakiramdam ko ikinukulong ko lang 'yong sarili ko sa kuwartong ito para mag-review. Hindi sapat na magkasama lang tayo kung 'yong atensiyon mo ay wala sa akin. Nakakasawa!"
I froze.
She finally let go the tears from her eyes. Sumikip ang dibdib ko, hindi ko alam kung anong dapat i-rereact ko dahil hindi pa ako handa para sa ganitong pagkakataon.
"Hindi ka ba manlang magsasalita?" humihikbi niyang tanong. Ipinako ko sa kanya 'yong tingin ko pero tuyo pa rin ang lalamunan ko para magsalita. "Atensyon mo 'yong kailangan ko. Dumaan 'yong birthday ko at 'yong monthsary natin pero wala kang effort na ipinakita. Wala ka manlang surprise or even, greetings manlang. Pinili ko na lang manahimik kahit ang sakit-sakit sa loob ko. Next month pa 'yong entrance exam natin pero kung magkapag-review ka, akala mo bukas na." Gulat akong tumingin sa kanya.
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko, ayaw ko siyang nakikitang umiiyak dahil sa akin, ayun 'yong kahinaan ko. Isang realization ang nakuha ko mula sa mga sinabi niya, hindi ko alam na dumaan na pala 'yong birthday niya dahil 'yong utak ko ay naka-focus lang sa pag-aaral. Ang tang* ko.
"Emery.. Sorry..." That's the only word I could say. This time, hinayaan niya na akong lumapit sa kanya. I immediately wiped the tears from her cheeks. Mas lalong bumuhos 'yong luha ko nang makita ko ang pamumula ng mga mata niya.
Akala ko naiintidihan niya ako, akala ko okay lang iyon sa kanya. Hindi ko masisisi ang sarili ko dahil dream school ko 'yong pagkukuhanan ko ng exam. Pero hindi tama na maging bulag ako sa kanya. Nawala 'yong atensiyon ko sa relasyon namin.
Niyakap ko siya for a seconds pero kumawala rin siya agad. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "Mas mabuting huwag muna natin ipagpatuloy ito. Mahal kita pero sarili muna natin ang isipin natin sa ngayon."
Tatayo na sana siya pero hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. "Hindi ako papayag. Ayaw ko."
Tumingin siya sa akin. "Stop. Sorry, Nick. Sorry kung iniisip mo na masyado akong immature kaso hindi ko na talaga matiis na wala 'yong atensiyon mo para sa akin. Pero pangako, babalik ako sa iyo, magpapatuloy tayo kapag alam kong handa ka na upang ibigay ang pagmamahal na gusto ko. Paalam."
Niluwagan ko na 'yong pagkakahawak sa kanya. Pinanood ko lang siyang maglakad patungo sa pintuan ng kuwarto ko. Before she finally get out, humarap muna siya sa akin at ngumiti nang pilit. I still seek the sadness from her smile. Ramdam kong hindi niya rin ito ginusto.
Yumuko ako sa binti ko at hinayaang tumulo 'yong mga luha ko. Wala na akong pakialam kung mabasa man 'yong mga papel na pang-review ko, mailabas ko lang 'tong luha ko. She was my first love, yet she was my first heart break already.
--------
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Fiksi Remaja"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...