#13
7:45 AM
Nick:
Goooooood Mooooooorning!Nick:
Ang hirap matulog kagabi, naalala ko 'yong mga nangyari kahapon.Nick:
Punyeta, ang sakit pa rin pala talaga.Nick:
By the way, kasalukuyan akong nag-dedelete ng mga pictures namin ni Dwanye at ni Emery.Nick:
Gulat nga ako kasi umabot ng 1k photos. Mabuti na ito, para wala nang basura ang gallery ng phone ko at dumami 'yong MB ko.Nick:
Mabigat man sa dibdib mag-delete ng mga photos. Kasi napapaisip ako sa sarili ko na parang kailan lang no'ng nag-picture kami nito pero ngayon aalisin ko na. Wala na kasing saysay pa itong mga pictures kahit sabihin ko man na memories namin iyon kaso wala na talagang saysay.Nick:
Parang kailan lang, ang saya-saya pa namin ni Emery sa litrato pero ngayon sa iba na siya masaya.Nick:
Ang hiraaaaaap mag-delete.Nick:
Mahirap pero kailangan kong gawin.Nick:
Napapaisip nga ako, eh what if singilin ko si Emery sa bawat libre at sa mga materials things na ibinigay ko sa kanya no'ng nililigawan ko siya!!! Sayang iyon! Aba, galing iyon sa baon ko no'ng Grade 12 ako.Nick:
Hays, babye na, inaantok pa ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/210871200-288-k80429.jpg)
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...