#42
5:09 PM
Slaine:
Okay ka na ba, Nick? :)Slaine:
Sana, ayos ka na. Nawawala na rin naman 'yong issue, makakalimutan din iyon ng mga tao, eventually. Wala ka na dapat ikabahala pa.
Nick:
Oo naman. Okay na okay na ako! Huwag na kayong mag-aalala para sa akin.Slaine:
Good to know! :)))))Nick:
:)))))))Slaine:
Nick, sa susunod kapag may problema ka, sabihin mo na agad sa aming mga kaibigan mo, ha? Para matulungan ka namin agad.Nick:
Pangako po. Ipapaalam ko na agad sa inyo. Hindi ko lang sinabi sa inyo 'yon noon kasi kabarkada rin naman natin si Dwanye, ayaw kong masira 'yong barkada natin dahil sa amin.Slaine:
Naiintindihan ko naman. Sa totoo lang, galit talaga kami kay Dwanye pero nagiging ayos na rin nang kinausap namin siya. Kinausap mo na ba siya?Nick:
Hindi pa. Ayaw ko pa siyang makita.Slaine:
Naiitindihan ko. Pero Nick, nandito lang kami palagi para sa iyo, ha. Huwag kang mahihiyang lumapit sa amin kapag may probelama ka. :)Nick:
Ang drama. Hahaha.Slaine:
Bawal pang maging seryoso? Ayaw na kasi namin maulit 'yong nangyari sa iyo. Nag-aalala kami, eh. Biruin, pinag-uusapan ka sa buong Pilipinas.Nick:
Hindi na iyon mangyayari, basta ang mahalaga, ayos na ako.Slaine:
Tuloy-tuloy na sana iyan!!!Nick:
Oo naman.Nick:
Thankful talaga ako sa inyo, palagi kayo nand'yan para palakasin ang loob ko.Slaine:
Siyempre naman, kaibigan mo kami, eh.Nick:
Alam mo bang sobrang saya ko ngayon??? Tanungin mo ako kung bakit. Haha.Slaine:
Bakit? Hahahahahha.Nick:
Nag-reply na sa akin si Obrie! Sa wakas! *kinikiligSlaine:
Ah.Nick:
Iyan lang sasabihin mo? Korni mo kausap.Nick:
Bye na. Maliligo pa ako.Slaine:
Sige. Hahaha. Kaya pala masaya ka na, dahil kay Obrie. Mabuti naman. Hahaha. Masaya ako na ayos ka na. :)
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
أدب المراهقين"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...