#29
Obrie Smith
May 01 at 12:09 PM • 🌎Napanood ko ang lalaki.
Ang kaniyang bidyong sumisikat.
Siya 'yong lalaking aking palaging
nakikita.
Nanghihila siya ng braso ng babae.
Mahigpit ang pagkakahawak.
Umiiyak ang babae.
Nagpupumiglas.
Tuloy lang ang lalaki sa paglalakad.
Humahabol ang isang pang lalaki.
Umaawat.
Nag-aalala.
Nangangamba
Kasinungalingan.
Saksi ako sa tunay na pangyayari.
Mali ang binibintang.
Ang unang lalaki ang unang
nasaktan.
Mga taong kulang ang pag-iisip.
Pag-iintindi.
Pag-uunawa.
Pag-iimbistiga.
Pinangungunahan ang lahat.
Hindi inaalam ang lahat.
Naaawa ako sa lalaki.
Binabaliktad ang kamalian.
Kinakalat ang kasinungalingan.
Nawawala ang katotohanan.
Gusto ko muli makita ang lalaki.
Tanungin ng 'kumusta ka na?'
'Ayos ka lang ba?'
Asaan ka na ba?1k Likes | 2.09k Comments | 690 Shares
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...