#112
6:38 PM
Slaine:
Nick, papunta na ako. :)))Slaine:
See you later.6:57 PM
Slaine:
Nandito na ako. Asaan ka na?Slaine:
Hintayin kita.7:13 PM
Slaine:
Nick?Slaine:
May ginagawa ka ba? Sige, hintayin kita. Tapusin mo muna iyan ginagawa mo bago ka pumunta rito. Willing to wait naman ako sa iyo.7:19 PM
Slaine:
Hey?Slaine:
HuySlaine:
OySlaine:
Asaan ka na?7:35 PM
Slaine:
Nick? Pupunta ka ba?Slaine:
Pero sabi mo naman kahapon, pupunta ka.Hindi muna ako uuwi, kasi baka bigla kang sumulpot.7:49 PM
Slaine:
Nick? :(8:02 PM
Slaine:
Nilalamok na ako rito. Wala nang masyadong tao. Asaan ka na ba? Malapit ka na ba?Slaine:
Please, tumugon ka naman, oh. Para malaman ko kung pupunta ka ba o hindi. Ayaw kong umasa.8:16 PM
Slaine:
Wala nang tao. Nick, natatakot ako.Slaine:
Nakalimutan mo na ba ako?8:47 PM
Slaine:
Hindi ka na yata pupunta. Nakalimutan mo na siguro ako. Sige, uuwi na ako.Slaine:
Ayos lang ako.9:12 PM
Slaine:
Nakakatakot umuwi. Ang dilim ng paligid. Ang lamig. Nakapalda lang ako at t-shirt. Mukhang delikado. Wala nang masyadong tao akong nakakasalubong. Kinakabahan ako.Slaine:
Wala akong masakyan pauwi dahil gabi na. Kaya naglalakad na lang ako ngayon.9:19 PM
Slaine:
Tsjmatabo aki , Nugk. Hinshsbol ajo ng aso. Tulongggggg!Slaine:
Naiiyak na ako sa kaba. Nick!!!!Slaine:
Pero ang mahalaga. Okay lang ako. Okay lang talaga ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/210871200-288-k80429.jpg)
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...