#91
9:56 PM
Nick:
Ang sarap ng gising ko, Obrie. Sobrang saya ko!Nick:
Pagkagising ko, naaamoy kong parang may spaghetti. Nagulat ako kasi mag-isa lang naman ako sa bahay. Then, no'ng pumunta ako ng kusina, nakita ko si Mama ipinagluluto ako ng spaghetti. Unexpected talaga. Haha. Pumunta pa talaga siya ng bahay para lang paglutuan ako.Nick:
Hindi kasi kami nakatira sa iisang bubong. Nakatira ako ngayon sa bahay ni Lola kahit mag-isa lang ako at si Mama naman nasa ibang lugar nakatira dahil sa bago niyang trabaho rito sa Pilipinas.Nick:
I asked her why kasi wala naman okasyon para gawin niya iyon. Sabi niya sa akin, gusto niya lang akong mapasaya. Ang simple lang ng ginawa ni Mama pero hindi naman siya nabigo doon kasi naging masaya nga talaga ako.Nick:
Ang sarap sa pakiramdam. Kahit hindi ako nakapasa sa entrance exam pero ramdam ko 'yong suporta niya sa akin.seen
Nick:
Obrie?seen
Nick:
Hey!Nick:
Busy ka ba? Bakit seen lang?
![](https://img.wattpad.com/cover/210871200-288-k80429.jpg)
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...