#125
Screenshot Picture which Obrie sent to Nick.
April 18 at 8:25
Slaine:
Hi, ate!Slaine:
Paki-accept naman daw po si Nick. Pogi po iyon, medyo baluga nga lang.April 21 at 4:26 PM
Slaine:
Ate, baliw na baliw sa iyo 'yong kaibigan ko. Kaka-cool off niya lang sa jowa niya tapos ayaw niyang suyuin iyon, bagkus ikaw ang kinukulit sa chat.Slaine:
Sorry sa kaibigan ko, may saltik sa utak pero mahal ko iyon.May 09 at 8:21 PM
Slaine:
Sa wakas, napansin niyo na rin po 'yong kaibigan ko po. Nakakainis nga po siya, eh.Slaine:
Ang kulit-kulit. Chinachat niya kaming lahat ng barkada niya para lang ipabalita na nag-rereply ka na sa kanya.Slaine:
Sobrang saya niya po. Salamat po.May 10 at 9:10 PM
Slaine:
Nakakatuwa si Nick, hindi niya alam kung paano ka niya i-aapproach. Nagpatulong pa sa akin. Hahaha. Pati 'yong mga regalo niya para sa iyo, ako ang may idea no'n. Hehehe. Sana, ako rin mabigyan niya ng regalo. Ni-minsan hindi pa niya nagagawa, eh.May 29 at 1:26 PM
Slaine:
Patay na patay sa iyo kaibigan ko. Papatayin ko na talaga iyon. Char. Hehe.
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
أدب المراهقين"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...