"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...
Ilan araw ko nang pinipigilan umiyak, Slaine. Kasi ayaw mo akong makitang naiyak. Pero ngayon, bumigay na ako. Sorry. Sobrang sakit na kasi talaga, Slaine. Hindi ko na maririnig 'yong maamo mong boses, 'yong malakas mong pagtawa, 'yong nakakatunaw ng puso mong ngiti at 'yong mala-diyosa mong mukha. Kahit hindi na kita makakausap, alam kong mahal na mahal kita. Please, magparamdam ka, ha? Gusto kitang makita ulit. Gusto kong marinig ulit'yong boses mo. Gusto kitang mayakap kita. Gusto kong marinig mo 'yong tibok ng puso ko. Hindi kita kalilimutan, hinding-hindi. Salamat sa lahat. Salamat sa saya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.