[27]

588 40 1
                                    

#27

11:22 PM

Nick:
Hello, Obrie.

Nick:
Hindi ako okay. Hays.

Nick:
Pumunta sina Mama at mga Kaibigan ko rito sa bahay. Pero dito raw magpapalipas ng gabi si Mama. Ipinaliwag ko sa kanila 'yong nangyari, pagkatapos, sila na lang daw bahala na tulungan akong i-shut down 'yong kumakalat na video.

Nick:
Nag-charge lang ako nang sandali pero hindi ko alam na may sumisikat na pala akong video sa internet.

Nick:
Katatapos lang ng problema ko sa pagkamatay ni Lola, may kasunod agad? Hindi pa puwedeng itigil muna ang mga probelama, quota na ako, oh.

Nick:
Hindi ko na alam kung saan ko huhugutin 'yong lakas ko. Hindi ko na talaga alam. Ang malas ko talaga, natatakot akong pagkatapos nito, may darating na naman. Fu*k this life!

Nick:
Bakit ganoon 'yong mga tao? Ang sasakit nilang magsalita, akala mo'y ang daming alam kung anong tunay na nangyari.

Nick:
Ako 'yong unang nasaktan, ako 'yong naloko, ako 'yong unang agrabyado, pero bakit ako 'yong lumalabas na mali? Kung sila 'yong nasa kalagayan ko, hindi pa sila maiinis na 'yong girlfriend mo, nakikipaghalikan sa tropa mo.

Nick:
Ang dami nila dada pero ayaw muna nilang alamin ang buong kuwento bago nila ako sabihan ng mga masasakit na salita at husgahan ang pagkatao ko. Grabe sila.

Nick:
Bawal bang gumawa ng mali? Hindi ko nais saktan si Emery no'n pero no'ng nandoon ako sa sitwasyon ko, hindi ko kayang panindigan iyon. Kailangan ko iyon gawin para mailayo ko siya kay Dwanye. Makaasta itong mga tao na ito, akala mo ang pe-perfect, akala mo'y wala pang maling ginagawa. Imbes na makatulong, nang peperwisyo.

Nick:
Naiinis na ako, maya't maya ang daming message akong natatanggap at notifications.

Nick:
At alam mo 'yong nakakainis, Obrie? Sabihan ba naman nila akong 'mamatay na raw ako'. Tao lang din ako, may puso ako, nasasaktan din ako. Wagas silang magsabi ng masasakit na salita without knowing kung sino ba talaga ako. Durog na durog na 'yong pagkatao ko.

Nick:
Sobrang toxic ng social media, makanood lang ng video, iyon na agad ang paniniwalaan. Why they so being gullible in internet? Puro fake news ang ikinakalat.

Nick:
Kung sino man 'yong owner no'ng video, napaka-famewore niya. Alam kong nandoon siya no'ng nangyari iyon, alam kong alam niya 'yong tunay na dahilan kung bakit ko iyon nagawa kay Emery.

Nick:
Punyeta!!!!!


Nick:
:((

Nick:
Gusto ko munang takasan itong problema ko, I'll be deativate this account for a mean time. Hindi muna kita maii-chat, ha. Sorry. Sawa na kasi akong tumanggap ng masasakit na salita.

Nick:
Sana maging okay ka na sa break-up niyo ni Mark. At sana maging okay na rin ako. Sana maging okay na tayo.

pinalalim: this is not how it should beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon