#68
3:12 PM
Slaine:
Ace.Ace:
Why?Slaine:
Kating-kati na ako para sabihin sa kanya lahat. Habang hindi pa tumitindi itong nararamdaman ko sa kanya, gusto ko nang sabihin dahil baka sakaling maagapan pa.Ace:
'Di ba, sabi mo sa akin, pipigilan mo na lang?Slaine:
Hindi ko magawa.Ace:
Baka i-reject ka niya?
Ace:
Huwag kang magpadalos-dalos muna.Slaine:
Noon pa palang naman, halata nang rejected na talaga ako sa kanya.Ace:
Huwag mo muna ipaalam sa kanya, baka masaktan ka.Slaine:
Araw-araw akong nasasaktan kapag nakikita ko siyang masaya sa iba. Araw-araw akong nagtitiis kaya hindi na bago sa akin iyon.Slaine:
This time, wala na akong pakialam kung masasaktan man ako o hindi.Slaine:
Basta, ang mahalaga nasabi kong mahal ko siya, higit pa sa kaibigan lang. Masira man 'yong friendship namin, ayos lang iyon. Mas mabuti iyon kasi mas madali akong makakalimutan siya.
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...