[08]

800 83 2
                                    

#08

Days has passed at tuluyan nang hindi na nai-chat ni Nick si Obrie dahil sa pagtutok nito sa pag-rereview. Isang araw na lang ay malapit na siyang kumuha ng entrance exam sa university na nais niyang mapasukan. Sobra na siyang nape-pressure kaya todo review na ito.

Napahilamos ito ng mukha nang biglang mag-vibrate ang telepono niya, which interupt him. He tried to ignore it pero nag-vibrate ulit ito kaya inis niya iyon kinuha at binasa ang dalawang text na natanggap niya; galing sa kaibigan niya.

4/27/** Wed 8:17 PM

Dwayne:
Bro, can we talk?

Dwayne:
Kung puwede ngayon na? Magkita tayo?

Nick:
Gabi na, ah.

Dwayne:
Importante kasi ito. Dali na, p're. Para sa iyo rin ito.

Nick:
Nag-rereview pa ako.

Dwayne:
Lunod na lunod ka na kaka-review. Punyeta. Pakiusap, ngayon gabi lang, pagbigyan mo na ako. Sobrang importante talaga nitong sasabihin ko.

Nick:
Huwag mo 'kong istorbohin! Huwag mo akong murahin! Gag*.

Dwayne:
Mahalaga nga ito. Kailngan mong malaman!!!! Dali na.

Nick:
Gaano ba kaimportante iyan sasabihin mo?

Dwayne:
Sobra pa sa sobra.

Nick:
Dito mo na lang sabihin sa text. Ugh. Nauubos na 'yong oras ko. Pakibilisan.

Dwayne:
Mahirap ipaliwanag sa text.

Nick:
Kung ayaw mo, sa susunod na lang after kong mag-take ng entance exam. Busy lang talaga ako ngayon.

Dwayne:
Kaya ka iniiwanan ng syota, eh. Puro ka review! Hindi mo binibigyan ng oras si Emery! Suyuin mo na kasi 'yong taong iyon.

Nick:
Kung isusumbat mo sa akin iyan. Ito lang sasabihin ko sa iyo. I will never sacrifice my studies just for my love. If I need to choose between the two, I will choose my study because love can wait.

Nick:
Itikom mo iyang bunganga mo. Hindi ka nakakatulong.

Dwayne:
Makakarating ito kay Emery. Sasabihin ko iyan.

Nick:
E di, sabihin mo. Alam ko naman na maiintindihn niya ako.

Dwanye:
How can you be so sure? Nag-break nga kayo kasi hindi ka niya maintindihan dahil diyan s pag-rereview mo. Dito pa kaya?

Nick:
Dwayne, COOL OFF! HINDI BREAK-UP! SAPAK, GUSTO MO? MAHAL AKO NI EMERY, ALAM KONG MAIINTINDIHAN NIYA RIN AKO.


Dwanye:
Okay. Kung gusto mong panindigan iyan, bahala ka.

Nick:
Huwag mo nga ako istorbohin.

Dwayne:
Tinutulungan kita bilang kaibigan. Kaya kung ako sa iyo, ngayon pa lang ay aaksyon na ako dahil siguradong kapag pinatagal ko pa, pagsisisihan ko na iyon.

Nick:
Hindi tulong ang tawag d'yan, panunumbat. Mas lalo mo lang pinapainit ang ulo ko. Huwag kang mangialam sa amin ni Emery. Kaya namin ayusin kung ano ang meron kami.

Dwayne:
Kailan mo balak ayusin? Kung kailan naagaw na ng iba sa iyo? Nick, huwag kang makampante. May ahas d'yan sa gilid-gilid mo.

Nick:
Anong ibig mong sabihin?

Dwayne:
Basta. Binabalaan na kita, pero kung talagang matigas iyan puso mo at mataas ang pride mo. Huwag mo akong sisisihin sa huli.

Nick:
Bakit naman kita sisisihin?

Dwayne:
Ewan ko sa 'yo. Bahala ka na sa buhay mo!

Nick:
May pangakong iniwan sa akin si Emery bago niya ako iniwan, may tiwala ako sa kanya.

Nick:
Kung ano man iyan tinutukoy mo sa sinasabi mo, huwag mong siraan ang Girlfriend ko.

Dwayne:
Okay.

Dwayne:
But at least, I did my part to inform you about this. Ikaw na lang ang bahalang gumawa ng paraan. Pero kung ayaw mo talaga, huwag mo talaga akong sisisihin.

Nick:
Mahal ako ni Emery. Wala akong dapat ikabahala sa amin dalawa.

Nick:
Manahimik ka, punyeta ka.

pinalalim: this is not how it should beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon