#71
1:46 PM
Slaine:
Ace, lahat ba ng itatanong ko, 'oo' ang isasagot mo?Ace:
Depende? Bakit?Slaine:
Basta, kailangan 'oo' ang sagot mo, ha?Ace:
Okay? Ano ba iyon?Slaine:
Pahinging favor? Please?Ace:
Sige. Ano iyon?Slaine:
Puwedeng silipin mo sina Emery at Nick mamaya sa park? Magkikita sila mamaya, eh.Ace:
Eys. Luh. Ayaw ko nga. Tinatamad ako.Slaine:
Pleaseee? Dali na :(Ace:
B'wiset naman! Sige na. Oo na. Anong oras ba?Slaine:
Yes!Slaine:
4:00 o'clock.Slaine:
I-update mo ako kung ano man ang mangyayari mamaya, ha?Ace:
Opo.Slaine:
Huwag kang uuwi nang maaga hangga't hindi pa sila naghihiwalay, ha?Ace:
Opo.Slaine:
Yehey! Thank you!Ace:
Utang mo ito sa akin, ha. Ililibre mo ako ng meryenda d'yan sa bahay niyo mamaya. Pasalamat ka, wala akong ginagawa ngayon.Slaine:
Sure! Always welcome ka rito.
![](https://img.wattpad.com/cover/210871200-288-k80429.jpg)
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...