#95
6:35 PM
Nick:
Slaine?seen
Nick:
Sa NTPU ka papasok ng college, 'di ba?Slaine:
Yep.Nick:
Ibig sabihin, ikaw nga 'yong nakita ko kanina. Nakita mo ba ako o iniiwasan mo lang talaga ako?Slaine:
Hindi kita nakita. Doon ka ba mag-aaral?Nick:
Pero bakit bigla kang tumakbo palayo sa akin?Nick:
Oo.Slaine:
Wala akong natatandaan na tumakbo ako.Nick:
Sus, iniiwasan mo lang ako, eh. Alam mo, palaisipan pa rin sa akin 'yong sinabi mo no'ng huling chat natin. Ano bang ibig sabihin no'n?Slaine:
Don't mind it. It doesn't matter, anyway.Nick:
Weh? Manhid ba ako?Slaine:
Paano mo nasabi? Alam mo na?Nick:
Anong alam ko na? Hindi ko nga alam ibig sabihin no'n pero siguro malalim iyon. Anong sini-sikreto mo sa akin??????Slaine:
Sabi mo kasi, manhid ka.Slaine:
Wala.Nick:
Oo, kasi hindi ko alam meaning no'n. Tama ba 'yong term kong manhid? Hehe.Slaine:
Ewan ko sa iyo.Slaine:
Anyways, bakit ka napadpad sa NTPU? 'Di ba, sa dream school mo ikaw mag-aaral?Nick:
Walang pag-asa, eh. Entrance exam pa lang, hindi nakapasok.Slaine:
Luhh? Legittt? Ang tagal mong pinaghandaan ito, ah.Nick:
Kaya nga, eh. Nanghihinayang ako sa oras ko sa pag-rereview, pagkatapos hindi pala ako makakapasa.Nick:
Kung hindi talaga para sa akin, hindi talaga para sa akin. Sa NTPU talaga ako nakatadhana. Haha.Slaine:
Sayang. Kung ako iyon, hindi ko kakayanin iyo. Depressed ang abot ko.Slaine:
Tama, kung hindi talaga para sa atin, hindi talaga para sa atin kaya huwag na lang ipilit. #RelateNick:
#Hugot. Haha.Slaine:
Lol.Nick:
Pero bakit mo nga ako iniiwasan?seen
Nick:
Hoy!Slaine:
Kulit mo, hindi nga kita iniiwasan.Nick:
Sus. Kapag nalaman kong iniiwasan mo ako.Slaine:
Anong gagawin mo?Nick:
Uhmm...Nick:
Uhm..Nick:
Uhmmm..Slaine:
Ano?Nick:
Uhmm..Nick:
Siguro..Slaine:
Ano nga?Nick:
Uhmm...Nick:
Wala.Nick:
Bakit mo ba ako tinatanong? Iniiwasan mo talaga ako. Alam ko kahit itanggi mo pa.Slaine:
Hindi nga! Bahala ka diyan!

BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...