#12
7:56 PM
Nick:
Obrieee! Naglalakad na ako pauwi.Nick:
Nagutom na kasi ako kaya gusto ko nang umuwi. Haha.Nick:
Ang lamig dito sa labas. Parang freezer. Kung kasama lang kita, niyakap na kita para uminit. Joke.Nick:
Obrie, 'di ba, hindi naman nakakatumbas ng pagkalalaki ang pag-iyak? 'Di ba??? 'Di ba???Nick:
Halos dalawang oras kasi ako iyak nang iyak sa Parke kanina. Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao, eh, most especially, mga bata. Nakakahiya man pero anong pakialam ko sa kanila?Nick:
Hindi ba sila naiyak kapag nasasaktan? Hindi ba naiyak itong mga batang 'to kapag nasusugatan ang tuhod? Tusukan ko mga mata nila para dugo ang iluha nila, eh.Nick:
Pero alam mo, there's someone approached me. Nakakagulat lang. Hahaha.Nick:
inilahad niya sa akin 'yong hawak niyang panyo. Nakayuko kasi at umiiyak kaya hindi ko nakikita kung sino siya. Tinaggap ko naman 'yong panyo niya. But before she walk away, may paiwan sabi pa siya sa akin.Nick:
Sabi niya, 'tumahan ka na, kalalaki mong tao, umiiyak ka'. Pagkatapos, iniwan na niya ako.Nick:
Wala ako sa mood para makipagsagutan kaya hinayaan ko na siyang umalis pero nakita ko pa rin 'yong likod niya. Mahaba 'yong buhok niya, hindi ganoon malaman ang kaniyang mga balikat, at kutis rosas ang balat. I wonder how beautiful she is if ever I totally saw her face.Nick:
Porket ba, lalaki ako, bawal nang umiyak? I can't blame myself to cried, nasaktan ako, eh.Nick:
Hindi naman lahat ng lalaki, kapag nasaktan, okay lang sa kanila. Dapat pinuputol 'yong ganitong uri ng stigma.Nick:
Palibhasa, iniisip ng iba na kaming mga lalaki ang madalas manakit ng damdamin, which is hindi naman talaga.Nick:
Hindi naman kami pare-pareho ng level of sensitivity.Nick:
Nainis ako sa kanya pero thankful naman ako sa panyo na ibinigay niya sa akin.Nick:
Ang bango ng panyo, eh, sobra!!!!! Amoy rosas.Nick:
Balak ko sanang isauli ito sa kanya but I don't know who she is.Nick:
Kung sino man iyon, salamat sa pagpapagaan ng loob ko kahit sa simpleng paraan.Nick:
JGH.Nick:
Kakain na ako, byeeeee.Nick:
Okay na ako bukas. Sana. Promise.
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...