#21
3:58 AM
Nick:
Good Morning!!!!Nick:
Almost 48 hours na akong hindi natutulog. Hahaha.Nick:
Okay lang naman sa akin kahit hindi na ako matulog kasi gusto kong lubusin 'yong nalalabing araw ni Lola na kasama ko pa siya at nakikita ko pa siya. Hindi ako magsasawang titigin siya. Hindi ko siya makakalimutan. Treasured in my heart, she'll stay.Nick:
Nakakalungkot lang isipin na hindi siya binigyan ng pagkakataon para mamaalam sa akin. Ang daya niya, bigla na lang siyang nang-iwan. Ayaw kong maramdam na ma-mimiss ko siya, gusto ko siya palaging kasama, kaso wala na akong magagawa.Nick:
Alam kong kasama na niya si Lolo ngayon, at alam kong magtutulungan sila para gabayan ako.Nick:
May kuwento nga pala ako sa iyo bago ko makalimutan.Nick:
Katulad ng hinihiling ko kagabi, may isang taong nakaalala ng birthday ko. Ang saya ko. Sa isang taong hindi ko inaakala na babatiin niya ako nang harap-harapan.Nick:
Kaninang 11:30, dumating si Nanay galing abroad.Nick:
Sabi niya sa akin, matagal na raw siyang nakauwi at sa mismong kaarawan ko balak niyang magpapakita sa amin bilang surpresa sa akin.Nick:
But sadly, namatay nga si Lola. Sayang lang kasi hindi naabutan ni Nanay na buhay pa si Lola.Nick:
Pagkakita ko sa kanya ay binati agad niya ako ng 'Happy Birthday', agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Na-miss ko siya nang sobra. May dala-dala pa siyang cake.Nick:
Natupad 'yong hinihiling ko kagabi, may nakaalala ng birthday ko kahit 30 minutes na lang ay patapos na. I'm glad :))))
Nick:
Obrie, alam mo ba kung anong wish ko para sa kaarawan ko?Nick:
Sana makita at mapansin mo na ako.Nick:
Even, medyo nahihiya na ako sa iyo kasi halos lahat ng nangyayari sa akin at mga nararamdam ko, lagi kong ikinukwento sa iyo kahit wala ka pang response.Nick:
Alam ko naman na kapag na-seen mo itong message ko, hindi mo pag-tya-tiyagaan para basahin iyong mga kinuwento ko. Alam kong wala kang pakialam sa akin. Hehe.Nick:
Matutulog na ako. Lusog na ng eye bags ko, eh. Haha. Babyeeeeee!!

BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...