#05
9:45 AM
Nick:
I just saw your post that you are going to Baguio City with your boyfriend, right? Ingat ka sa biyahe dahil rereplyan mo pa ako ng 'hello'. Magsuot ka ng makapal na jacket, ha? Malamig doon! At baka magkasakit ka.Nick:
Kahit 'yong jowa mo na lang 'yong huwag mag-ingat, basta ang mahalaga ay ikaw ang ligtas at hindi siya. Hayaan mo na siyang manigas sa lamig. Hindi naman kasi kayo bagay.Nick:
Joke lang!!! HAHAHA.Nick:
Asahan ko 'yong travel vlog mo para sa lugar na iyan. Enjoy your vacation!6:00 PM
Nick:
'And'yan ka na ba? Wari ko'y oo. Enjoy ulit!Nick:
Katatapos ko lang mag-review para sa entrance exam.Nick:
Wait.Nick:
Naikuwento ko na ba 'yon sa iyo?Nick
Obrie: Hindi pa.Nick:
Sige, ikukuwento ko na.Nick:
Todo review kasi ako ngayon para sa entrance exam sa dream school ko. Two weeks na lang ay malapit na akong mag-take ng exam doon. Hopefully, makapasa ako para doon.Nick:
What's the definition 'todo review' for me; last year na akong nag-rereview pero ngayong dalawang buwan talaga ako nagseryoso. Tipong nagkukulong na ako sa kuwarto ko para lang mag-review.Nick:
Mag-co-college na ako, btw.Nick:
Dahil todo ako sa pag-rereview ko. Ayown! Iniwanan ng syota!Nick:
Nainis din ako sarili ko kasi hindi ko siya binigyan atensiyon lalo na't two months pa lang kami. Masyado ko kasing itinutok ang isip ko sa pag-aaral. Pero next time ko na lang siya ikukuwento sa iyo, okay? Okay.Nick:
Dream university ko kasi iyon, eh. Simula elementary pa lang ako ay pinapangarap ko na talaga na doon mag-aral ng college. Besides, dream din iyon ni Papa para sa akin na ngayon ay maagang kinuha ni God.Nick:
Kaya siya ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko talagang makapagtapos ng pag-aaral sa paaralan na iyon. At, inspiration ko rin 'yong Girlfriend ko kaso cool off muna kami ngayon. Gusto mo rin bang dumagdag na maging inspiration ko?Nick:
Reply ka muna ng 'hello'.Nick:
Biro lang. Haha.Nick:
Tinatawag na ako ni Lola sa baba, kakain na ako. Kain ka na rin, ha. Magpakasasa ka sa stawberry d'yan.

BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...