#30
Obrie Smith
May 03 at 6:09 PM • 🌎Asaan ka na ba lalaki?
Muli akong nagtungo sa Parke.
Gusto ko siyang hanapin.
Ngunit hindi ko siya mahagilap.
Nakita ko ang babaeng hinila niya.
Kumakain ng matamis na pagkain.
May kasamang lalaki.
Pero hindi siya 'yong lalaki.
Kundi, 'yong lalaking umaawat.
Nainis ako.
Nagtatawanan sila.
Nagkukuwentuhan.
Nag-aasaran.
Nagkikilitian.
Naghaharutan.
Nagsusubuan.
Asaan sila?
Walang ginawa upang protektahan si
lalaki.
Narinig ko ang usapan nila.
Hindi ko nais ang naririnig ko.
Lumapit ako sa kanila.
Ningitian sila.
Sinamaan ng tingin.
Kilala nila ako.
Umalis na agad ako.
Pagkakaalam ko.
Siya 'yong dating kasintahan ni
Lalaki.
At 'yong lalaki ay kaniyang Tropa.
Muli, asaan sila?
Wala silang ginawa.2.89k Likes | 2.56k Comments | 999 Shares
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...