#89
7:35 PM
Obrie:
Ayos ka lang ba?Nick:
Hindi.Obrie:
Paano na 'yong pangarap mong makapasok doon? Pinaghirapan mo iyon, 'di ba? Sayang.Nick:
Yes, sayang talaga. Kaso wala akong magagawa, 'yon ang naging resulta, eh. Masakit, siyempre. Parang nabigo ko 'yong pangarap ni Papa para sa akin. Siguro, it's really not meant for me.Obrie:
Nakakalungkot. Ramdam ko 'yong lungkot mo. Sabi mo kasi sa akin, ayun 'yong naging dahilan ng break-up ni Emery. Then eventually, walang nangyari kasi hindi ka nakapasa.Nick:
Huwag kang ganyan. Huwag mo nang sabihin iyan.Obrie:
Ay, sorry. Pero nalulungkot talaga ako para sa iyo.Nick:
Nakakainis.Nick
Saan ba ako nagkulang doon? Gusto kong malaman kung ilan 'yong mali ko? After ko naman mag-take ng exam, sure na sure ako sa mga sagot ko, eh pero bakit hindi ako nakapasa? Tang*na. Totoo ba talaga iyon? Walang bumalik na magandang bagay sa libo-libong oras na nilaan ko para lang mag-review doon.Nick:
Nalulungkot ako. Dream school ko 'yon, eh. Akala ko, ito na 'yong magiging magandang mangyayari sa bakasyon ko, since ang daming problemang dumating pero hindi, dumagdag pa sa problema ko. Ang hirap tanggapin. Gustong-gusto ko talagang makapag-aral doon, eh. Lahat nakahanda na. May uniform na ako. May pera na ako para sa tuition fee. Kaso hindi ako nakapasa.Nick:
Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Lalo na sina Dwanye and Emery? Alam kong lalaitin ako ni Dwanye, sasabihin no'n puro ako review pero hindi naman nakapasa. Nag-aksaya lang ako ng oras. Baka pagtawanan lang ako ng gag*ng iyon. Gusto kong sumapak. Buwiset!Obrie:
Tanungin kaya natin 'yong University, baka mali lang 'yong pag-finalize nila ng mga nakapasa. Baka kasama ka talaga at nakalimutan lang ilagay 'yong pangalan mo. Dali, punta tayo sa school. Hindi kasi talaga puwede ito, eh.Nick:
Huwag na. Kung ano 'yong resulta, iyon na 'yon. Huwag ka nang magreklama pa.Nick:
Basta, ang mahalaga, nakapasa ka. Congrats.Obrie:
☹️Nick:
Bye na. Magluluksa pa ako.Nick:
Joke lang, natatae lang ulit ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/210871200-288-k80429.jpg)
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...