#44
7:23 PM
Nick:
P're! Napansin na ako ni Obrieeee!Hence:
Ah.Nick:
Ahhhh, sarado.Nick:
Ganyan lang din ang reply mo? Magsama kayo ni Slaine.Hence:
Bago mo kasi sinabi sa akin iyan, alam ko na. Naikuwento na kaya sa akin iyon ni Slaine. Sobrang saya mo nga raw, eh.Nick:
Kaya naman pala.Hence:
Mabuti't napasaya ka ni Obrie kahit sa simpleng reply niya, 'no, p're?Nick:
E di, sinasabi mong mababaw akong tao?Hence:
Wala akong sinasabing ganyan pero parang ganoon na nga.Nick:
Utot mo!Hence:
Joke lang. Hahaha. Natutuwa lang kami para sa iyo, kasi umaayos ka na. Nagpapasalamat kami kay Obrie.Nick:
Ako rin, thankful din ako sa kanya.-
7:26 PM
Ace:
Subukan mo akong i-chat tungkol kay Obrie, lagot ka sa akin.Ace:
Required bang i-chat mo kaming lahat at ipagmalaking nag-reply na siya sa iyo? May groupchat naman tayo, ah, pinahihirapan mo pa ang sarili mong i-chat kami isa-isa.Nick:
Ang serysoso mo, p're. Ayaw kong mag-chat sa group chat, nandoon si Dwanye.Ace:
Okay, I will remove him for you.Nick:
Hindi pa rin ako mag-chachat doon. Lol.Ace:
🤦♂️
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...