#62
8:36 PM
Nick:
Kumusta ang gala with your friend, Obrie?Obrie:
Hindi okay.Nick:
Why?Obrie:
Sumama si Mark. Ang kulit niya, ilan beses na siyang sinasabihan ni Camille na umuwi na lang pero nag-iinsist talaga siyang sumama.Obrie:
Hindi ko tuloy na-enjoy iyong gala namin. Nakakabuwiset, ang awkward.Obrie:
Sandali lang gala namin ni Camille kasi alam niyang natutuliro ako dahil kay Mark. Umuwi na lang kami nang maaga para hindi na namin siya mas makasama pa. Mas lulalim pa kasi 'yong tensyon namin para sa lokong iyon.Obrie:
Nakakainis.Nick:
Pero nagkausap na kayo ni Mark?Obrie:
Alam kong gusto niya akong kausapin kanina pero hindi ko siya pinapansin. Hindi pa ako handa. At kahit anong dahilan pa iyon, hindi na mababagong sinabihan niya akong pokpok.Nick:
May chance pa ba na magkabalikan pa kayo?Obrie:
Ewan.Nick:
Ewan means, 50% na oo at 50% na hindi. May chance pa rin naman pala, eh.
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...