#107
10:14 PM
Nick:
Obrieeeeee!Obrie:
Nickkkkkkkk! Bakit?Nick:
Nag-friend request sa akin 'yong boyfriend mo.Obrie:
Ha? Bakit kaya? Saglit lang, tatanungin ko siya.Nick:
I-accept ko na ba?10:18 PM
Obrie:
Gusto ka raw niya makilala at maging kaibigan. Accept mo.Nick:
Ayaw ko, baka murahin lang ulit ako no'n. Gusto akong maging kaibigan? Susmaryosep. Hindi ako naniniwala. Pagkatapos niya akong mura-murahin? Aba, halata peke siya.Obrie:
Iyan talaga iniisip mo? Hindi iyan, kahit masakit magsalita iyon, may mabuting puso pa rin naman iyong itinitago.Nick:
Kahit na.Nick:
Wala akong tiwala sa gag* mong BF.Obrie:
Grabe ka naman sa gag*. Hindi mo naman siya kilala.Nick:
Totoo naman, 'di ba? Sinabihan kang 'pokpok at malandi' noon.Obrie:
Pero nagbago na siya!Nick:
Sus. E di, wow.Obrie:
Nick? Ikaw ba iyan? Bakit kailangan mong ipaalala sa akin 'yong sinabihan niya ako ng mga masasakit na salita?
Obrie:
Bawal bang magbago ang isang tao?Nick:
Anong pagbabagong nagawa ng boyfriend mo? Hindi ko mahanap.Obrie:
Bakit bigla kang nagiging ganyan, Nick?Nick:
Ginigising lang kita sa pagiging tang*Obrie:
Wow. Okay?Nick:
Bakit mo pa kasi binalikan iyon?seen
Nick:
Kung ako sa iyo, I would not let my man tell me na 'pokpok' daw ako. At hindi-hinding ko na siya bibigyan pa ng second chance kasi alam kong hindi imposibleng sabihan niya ulit ako ng ganoon. Ayaw kong masaktan ulit. Wala akong tiwala sa boyfriend mo, Obrie. Sabi mo, nagbago na siya? Pero bakit wagas kung murahin niya ako noon? Ang sakit no'n para sa akin, kasi masyado siyang judgemental sa akin. Siguro, kung nagbago man siya, para sa iyo lang. Kaso ang basura ng ugali niya sa ibang tao. Patapon. Walang respeto.seen
Nick:
Mahal mo pa kasi siya, 'di ba? Siguro, kaya ganoon 'yon rason kung bakit mo binalikan. Sa totoo lang, ang daming taong tang* sa pag-ibig at isa ka na doon. Mabuti ako, hindi ako nabiktima. Paiiyakin at sasaktan ka lang ulit niyan sa huli. Maniwala ka sa akin.Nick:
Mahal mo pa o gusto mo lang humakot ng likes and views? Ano ang totoo? Ngayon ko lang napanood 'yong latest video na i-upload mo kanina. 'Yong video'ng nagkabalikan na kayo ni Mark.Nick:
Ang dami na agad ng views and comments. Gusto mo lang siguro makapukaw ng atensyon ng mga tao, ano?Nick:
Kaya siguro binalikan mo kasi para 'yong atensyon ng mga kabataan ay mapunta sa inyo at para mag-trending kayo sa social media. Great. Sikat na ulit ikaw. More subscribers to come. Congrats.Obrie:
Wtf? Binalikan ko siya kasi mahal ko at hindi para humakot ng views. Bakit ka ba naging ganyan? Sinabi ko naman sa iyo 'yong rason kung bakit ko siya binalikan, 'di ba? Nakakabigla ka. Ang ayos-ayos ng pag-uusap natin kanina, tapos out of nowhere, bigla-bigla kang nanunumbat? Nakaka-offend.Obrie:
Lumabas din ang tunay mong ugali.
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...