#04
7:09 AM
Nick:
Sobrang saya ko ngayon umaga. As in, sobrang saya ko. HAHAHA.Nick:
Itanong mo kung bakit.Nick:
Sabi ko nga, wala kang pake. Pero sasabihin ko pa rin.Nick:
Kasi nagpalit ka ng profile picture. Punyeta, ang ganda mo! kaso bakit madaling araw ka nagpalit kung kailan hindi ako online? Nahuli tuloy ako sa pag-like.Nick:
'De bali na, basta ang mahalaga nakakabighani ang ganda mo. Nakakahulog ng damdamin.Nick:
Ay, bakit ko sinasabi iyan??????Nick:
May girlfriend nga pala ako. Lagot ako nito. Huhu.Nick:
Nagpalit ka na ng profile picture, meaning nag-online ka na pero bakit hindi mo pa rin ako ni-rereplyan?Nick:
Wala ka bang messenger? Gusto mo, pasahan kita at replyan mo ako ng 'hello'?Nick:
Brb. Nature is calling me. Gusto mo akong mapanood? Puwede naman. Biro lang. Haha.8:09 AM
Nick:
Success!!!Nick:
Mag-rereview lang ako.9:10 PM
Nick:
Good Night! Sleep well.
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...