#151
7:09 AM
Emery:
Good Morning, Nick!Emery:
Saan ka papasok bukas? NTPU ako papasok, eh. Sorry, hindi ako nakapag-take ng exam sa school na gusto mong pasukan.Emery:
And saka, I'm not sure pa kung ready na ba akong pumasok. On-going pa rin kasi 'yong chemotheraphy ko kahit nandito na ako sa bahay. Tatanungin ko pa si Mama kung in-enroll niya ako sa NTPU.Nick:
Hindi ako nakapasa. Sa NTPU rin ako papasok.Emery:
Ha? Bakit? 'Di ba, dream school mo iyon? Saka, Iyon nga 'yong rason kung bakit ako.. tayo.. Ano... Alam mo na.Nick:
Yep, iyon nga 'yong rason. Ewan. Confident akong kumuha ng exam and sure naman ako sa mga sagot ko roon. Miski ako, nagtataka kung bakit hindi ako nakapasa. Nakakainis nga, eh.Emery:
Sayang. :(Emery:
Naglulungkot ako para sa iyo. Ang talino mo kaya.Nick:
Sus. Sige na. May lakad pa ako.Emery:
Date?Nick:
Hindi.Emery:
Nick, sandali.Emery:
Mamayang gabi, may sasabihin ako sa iyo. Sana makinig ka sa akin.
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...