#113
6:27 PM
Slaine:
Ace, kinakabahan ako mamaya. Huhuhu. Sana masabi ko na nang diretso.Ace:
Kaya mo iyan!Slaine:
Sana.7:25 PM
Ace:
Ano na'ng nangyari?Slaine:
Wala, eh.Slaine:
Hindi pa siya nadating.Ace:
Totoo?Ace:
Asaan na kayo 'yong Mokong na iyon?Slaine:
Ewan. Pero hihintayin ko pa rin siya. Alam kong dadating din iyon mamaya. Siguro, may ginagawa lang na importanteng bagay.7:54 PM
Slaine:
Ace, ang tagal niya. Wala pa rin siya.Ace:
One hour ka nang naghihintay, ah. Umuwi ka na. Delikado. Gabi pa naman.Ace:
Umuwi ka na lang, please.Slaine:
Ayaw ko. Baka bigla lang siyang dumating.Ace:
Ang kulit mo. Bahala ka.8:36 PM
Ace:
Dumating na siya?Slaine:
Hindi pa rin :(Slaine:
Kinakabahan ako, ako na lang 'yong tao rito sa park.Ace:
Ang gag* ni Nick. Baka nakalimutan ka na niya. Pinapaasa ka lang niya.Ace:
Pupuntahan kita! Hintayin mo ako.Slaine:
Huwag na. Uuwi na rin ako maya-maya.Ace:
Ngayon ka na umuwi. Sayang 'yong oras mo kakahintay sa wala, oh. Slaine, please, umuwi ka na.Slaine:
Kapag malapit na mag-9, uuwi na talaga ako.Slaine:
Naiiyak ako. Pakiramdam ko, hindi talaga ako mahalaga sa kanya para hindi niya ako puntahan.Slaine:
Na parang okay lang sa kanya na kalimutan na niya ako.Slaine:
Dapat kasi, sinabihan niya ako kung pupunta ba siya o hindi para hindi ako nag-aksaya ng oras. At hindi ako umaasa.Ace:
Babatukan ko iyon kapag nakita ko iyon! Umuwi ka na.9:10 PM
Slaine:
Wala na akong masakyan pauwi, Ace. Naglalakad na lang ako ngayon. Nakakatakot dito. Tumatayo balahibo ko. Wala pa naman ilaw ng poste rito sa nilalakaran ko.Ace:
Iyan na nga ba ang sinasabi ko, eh. Asaan ka???? Pupuntahan kita!!Slaine:
Huwag na, kaunting lakarin na lang ay malapit na akong makauwi.Ace:
Ingat ka. Pinag-aalala mo ako.9:21 PM
Slaine:
Hinahabol ako ng asoooooo! HalaaaaAce:
Ha? Matatawa ba ako d'yan o mag-aalala?Ace:
Aso lang iyan. Hahahaha. Hindi ka mamamatay d'yan.Slaine:
Tulinggg! Naiiyal ns ajo, ayww nya akong tantanan.Slaine:
Malasss!Ace:
Kaya mo iyan. Mapapabilis pag-uwi mo nan sa bahay niyo dahil sa pagtakbo mo. Hahaha. Balitaan mo ako kapag nakauwi ka na, ha?9:30 PM
Ace:
Nakauwi ka na?Ace:
Asaan ka na?Ace:
Slaine?Ace:
Mag-reply ka naman, oh.Ace:
Siguro, nakauwi ka na at nag-charge ng phone kaya hindi ka nag-rereply.Ace:
Sige, mamaya na lang.9:47 PM
Ace:
Good Night :)
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...