#51
9:26 PM
Nick:
Hello ulit. Haha.Obrie:
Hi, ulit?Nick:
Kumusta ka na? I mean, 'di ba kaka-break niyo lang ng boyfriend mo? Okay ka na ba?Obrie:
You really want to ask me about that?Nick:
Sorry. Hehe.Nick:
I just really want to know if you're really okay now.Obrie:
Hindi ko rin alam 'yong sagot, eh. Actually, do you know this feeling na, minsan oo pero minsan hindi ako okay sa kanya? Depende sa oras kung kailan ko ulit siyang maaalala out of nowhere. Depende sa sakit na kapag naalala ko siya at nakikita.Nick:
Same thought.Obrie:
S'ya nga pala, kaka-break mo pa lang din pala sa girlfriend mo, right?Nick:
How did you know?!?!?!?! You stalked me?Obrie:
No. Of course, not.Obrie:
Nabasa ko lang dito sa chat mo.Nick:
Oo nga pala. Nakow. Nakakahiya. 😰Nick:
'Di ba, sabi ko sa iyo kuwag mong babasahin? Nahihiya talaga ako sa lahat ng kinuwento ko.Obrie:
Hey. Don't be.Obrie:
Actually, when I started to read all of your messages, I found it interesting and cute. Kaya kanina, tuluy-tuloy ko lahat iyon binasa kahit ang haba. Haha. Ewan ko ba, pero naging interesado ako sa iyo bigla.Nick:
🙈Obrie:
Hoy! Walang halos echos pero ang cute talaga no'n. Parang pakiramdam ko, isa akong diary na sinasabihan mo ng mga problema. Mo I'm feel overwhlemed with that!Nick:
Hindi ko nga alam kung saan ako nagsimula no'ng ikwento ko na lahat halos nangyayari sa akin sa iyo. Pagpapansin lang naman talaga dapat 'yong pakay ko, eh. Isang 'hello' mo lang, ang kailangan ko.Obrie:
Sorry talaga kung ngayon lang ako nag-reply. Sadyang hindi lang ako nagbubukas ng messenger kasi hindi ko naman hobby magbasa ng mga messages with other stragers. Nagulat lang talaga ako sa iyo because when I try to search your FB account ay i-chachat dapat kita knowing if you are now okay regarding to your issues, pero pagkabukas ko, ang dami mo palang message sa akin na hindi ko inaakala. As in, shock na shock talaga ako. Grabe. Nilipad 'yong bangs ko.Nick:
Thanks for your concern. Kasi 'yong pagiging concern mo sa akin ay may magandang pinatunguhan. Hehe.Obrie:
Mabuti na lang talaga na nalaman ko na agad. Kung hindi, baka taon ang hintayin mo sa reply ko.Obrie:
Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng napakaraming message kahit hindi ko nababasa o napapansin. Thank you for your effort, I appreciated it. Pero hindi ka ba na-ba-bothered, kasi kinukwento mo sa akin 'yong dapat privacy mo lang?Nick:
Hindi naman.Nick:
Actually, mas lalong nakakagaan nga ng loob, eh. Through this chat, parang nailalabas ko lahat ng damdamin ko at medyo umaayos ang pakiramdam ko.Obrie:
Sabagay. Good thing na rin iyon.Obrie:
Condolence pala sa pagkamatay ng lola mo.Obrie:
Nick, unexpected talaga na kilala mo pala ako. No'ng mga nagdaang araw, nakikita lang kitang nagsusumamo sa park, viewer na pala kita no'n. Ang lupet talaga ng kapalaran, full of surprises.Obrie:
Hey? Are you still up there? Tulog ka na ba?
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Ficção Adolescente"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...