#60
1:35 PM
Obrie:
Yehey!Nick:
Anong masasakit na salita na sinabi niya sa iyo?Obrie:
I thought you already watched the video I posted last week about our break up?Nick:
Yep. Pero hindi ko kayang tapusin kasi naaawa ako sa iyo. Kaya hindi ko alam 'yong tungkol doon.Obrie:
Aws. Sinabihan niya kasi akong maharot, malandi, pokpok at bayarang babae.Obrie:
Sobrang sakit. Hindi ko inaakalang sasabihan ako ng taong mahal ko ng ganyang mga salita. Hindi ko kinaya.Obrie:
Sabi niya sa akin, nakita niya raw akong may kasamang mga lalaki. Which wala akong maalala na may kasama talaga akong mga lalaki dahil nasa bahay lang naman ako palagi and umaalis lang kapag kasama siya. Ang sakit talaga. Tumutusok sa puso ko.Obrie:
Ayaw kong maulit pa 'yon kaya nakipaghiwalay na lang ako.Nick:
IFYNick:
Ano 'yong mas masakit? Masabihan ka ng ganyan o makita mo 'yong jowa mong nakikipaghalikan sa tropa mo?Obrie:
Ewan? Balance lang siguro.Obrie:
Pero heto talaga ang pinaka-tanong, bakit kailangan nating masaktan?Nick:
Kasi parte iyon ng pasubok sa isang relasyon? Pero sinukuan lang natin.Obrie:
Hindi. Ibig sabihin no'n, hindi sila 'yong tao na nakatadhana para sa atin.Nick:
'De bali na. Basta ang mahalaga, malapit na kong grumaduate sa pagiging broken-hearted. Haha, malapit na akong makapag-move on.
Obrie:
Weh?? Hahaha O s'ya, congrats!
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Fiksi Remaja"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...