#105
9:04 PM
Slaine:
Magkikita kami ni Nick bukas. Excited na 'ko na may halong nerbyos. Huhuhu. Kinakabahan ako sa maaari niyang maging reaction.Ace:
Ngayon mo pa lang siya kakausapin?Slaine:
Oo, lagi kasi siyang busy.Ace:
Good luck. Basta, kung ano man ang mangyayari bukas, sa akin ka unang lalapit, ha? Huwag kang iiyak.Slaine:
Hehehez. Ang OA mo. Hindi ako iiyak.Ace:
Baka kasi ma-reject ka niya, eh.Slaine:
Hello? Hindi naman ako mag-a-ask sa kanya na maging girlfriend niya. Nais ko lang naman sabihin sa kanya 'yong nararamdaman ko, wala akong paki kung anong itutugon niya.Slaine:
Basta. The one thing that I'm afraid about is it can might be ruin our friendship. After noon, sana walang ilangan at iwasan. Though, sinabi ko sa iyo noon na ayos lang kaso, nagdadalawang-isip ako ngayon. Ako na lang siguro 'yong bahalang pigilan itong nararamdaman ko.Slaine:
Ang hirap gustuhin 'yong isang taong bulag.Ace:
Sobrang hirap talaga.Slaine:
Eh? Relate ka? Kanino? Sus, may itinatago ka pala sa akin, ha.Ace:
Wala iyon. Hahaha.Slaine:
Weeehhhh???
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...