#84
8:45 AM
Obrie:
Hala! Sorry!!!Obrie:
Naiwan ko kasi 'yong phone ko sa bahay ni Mark. Ginalaw niya yata itong account ko. Sorry.Nick:
Okay lang. Haha.Nick:
Pumunta ka sa bahay niya kahapon?Obrie:
Uu kasi niyaya niya ako. Nanood lang kami ng movies at kumain ng pagkaing niluto niya.Nick:
Anong movie?Obrie:
Movies* rather. Haha.Obrie:
Mga local movies lang naman. Ako ang may sabi sa kanya.Nick:
Saan kayo nanood?Obrie:
Sa bahay nga niya, ulit-ulit?Nick:
Saang parte ng bahay niya?Obrie:
Kuwarto. Hoy! Walang malisya doon, ha.Nick:
Anong oras ka pumunta at umuwi?Obrie:
Bakit kailangan mong malaman?Obrie:
7 AM ako pumunta. 5 PM ako nakauwi. Why?Nick:
Wala na ba kayong ibang ginawa?Obrie:
Wala na. Ang weird mo.Nick:
Ah.Obrie:
Detalyado ba dapat sa iyo dahil sa pagkikita namin ni Mark?Nick:
Hehehe, sorry. Ayaw lang kitang mapahamak.Obrie:
Naiintindihan ko. Thank you sa concern. Alam mo, 'yong pangamba ko dahil sa kanya kahapon, mabilis lang din akong naging kumportable sa kanya ngayon. Ang sarap sa pakiramdam.Obrie:
'Yong taong nanakit sa akin, sinisikap na hindi na niya muli ako sasaktan pa. Ang sayaaa! Promise.Nick:
Halata naman. Haha. Sige. Bye.Obrie:
Bye? Agad-agad?Nick:
Natatae na ako, eh. Sama ka?Obrie:
Yuck!

BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Fiksi Remaja"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...