#64
2:09 AM
Obrie:
Nick, doon sa tanong mo kagabi kung may chance na magkabalikan pa kami ni Mark. Ang sagot ko, oo. Puwedeng-puwede pa.Obrie:
Mahal ko pa rin siya, eh. Kahit takot akong masaktan ulit pero kung mahal ko talaga siya, wala akong magagawa kun'di sumugal at lumaban ulit. Kaso, palipasan ko muna ng isang linggo. Bibigyan ko rin siya ng chance para magpaliwanag. Iniisip ko kasi 'yong mga sinabi niya, hindi ko maiwasang mangamba kasi baka maulit na naman.Obrie:
Kapag sinaktan niya pa ulit ako sa pangalawang pagkakataon, buo na talaga 'yong desisyon ko hindi ko na siya pagkakatiwalaan pa. Wala ng third chance na mangyayari dahil kung sa second chance pa lang na ibinigay ko, hindi niya pa pinahalagahan, paano pa kaya kung padami nang padami 'yong chances? Pahirapan na.Obrie:
Nick, kayo ni Emery? May chance na magkabalikan pa kayo?
![](https://img.wattpad.com/cover/210871200-288-k80429.jpg)
BINABASA MO ANG
pinalalim: this is not how it should be
Teen Fiction"Pinalalim namin ang lahat. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ang gagawin ko. Umasa na kasi ako noon at nasaktan kaya hindi ko isisingit pa ang sarili ko sa relasyon ng iba. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Hindi ito magiging patas. Kailangan ko '...