Nagulat siya nang biglang may tumapik sa kaniyang pisngi. Nang magtaas siya ng tingin, si Abhaya ito. Ngumisi siya at tinaasan ito ng kilay. As far as she know, may nalalaman siya about sa dalaga at sa lalakimg binabantayan nila. Hindi pa man, kinikilig na siya dahil bagay na bagay naman talaga ang mga ito kung siya ang magsasabi.
“Nakausap mo ba si Yx?” tanong nito.
Mabilis siyang umiling at hinarap ang gagawin nang araw na iyon. Secretary siya ni Doc. Hayes but it doesn't mean na hindi niya natutukan ang binatang Doctor. Kunwari lang naman ang pagiging secretary niya. “Wala ka ba ginagawa?” pabalik na tanong niya sa kaibigan nang umupo ito sa harapan na sofa.
Nagkibit ito ng balikat, “Meron, pero I'm bored. And isa pa, hindi sa kaniya umiikot ang mundo ko. We have our own life bago tayo pumasok sa ganitong trabaho but anyways, gotta go. Time to kill some asshole.” At deritsang tumayo na ito.
Napangiti na lang siya sa inasta nito. Abhaya and her were good friends simula nung napadpad siya sa isla. Ito lang yata ang ka-close niya at pinagtitiwalaan. They're tandems. Abhaya is good in martial arts and guns. Habang siya, cyber world lang magaling and digging graves on their enemies. Basic lang alam niya sa martial arts at masasabi niyang tama-tama lang sa paraan na kaya niyang protektahan ang sarili.
Kapagkuwa'y napatitig siya sa sarili niyang repleksyon sa salamin dingding, nakikita niya ang panibagong Jackylyn na dati lang ay tumatakbo papalayo at takot na takot para sa sariling buhay. Imagine how life of her was full of chaos... Kung paano siya napagpad sa isla ni Yx, kung paano siya nakalayo sa mga taong kaniyang tinakasan at paano niya nakilala si Theon na siyang lalaking nagpatibok ng kaniyang puso dahil sa sapphire eyes nito... Bigla siyang bumalik sa nakaraan at nagmistula itong movie na nag-flashback sa isipan niya...
TAKBO! Patuloy siyang tumatakbo. Kailangan niyang makawala sa grupong humahabol sa kaniya dahil oras na madakip siya ng mga ito, wala na, sira na ang kaniyang buhay. Nakasalalay ang kaniyang kaligayahan mabuhay at gumawa nang sariling desisyon once mahuli siya. Kung kaya kinakailangan na magkaroon siya ng pakpak at lumipad ay ginawa niya na kanina pa.
Madilim ang gabi at may nakita siyang isang yacht na papaalis na sa daungan. Pikit matang tumalon siya roon at nagtago sa loob. Alam niyang imposible siyang masundan ng mga kalaban dahil alam niyang nailigaw niya ang mga ito kanina. Hindi rin siya pwedeng sumakay ng eroplano papunta sa kahit anong lugar dahil alam niyang mas mabilis lang siyang mahuhuli kung gano'n. Mas lalong hindi rin pwede sa pampasaherong barko dahil alam niya kung gaano kataas ang kakayahan at kapangyarihan ng taong gusto siyang hulihin.
Marahan siyang nagdasan ng taimtim kahit naliligo siya ng pawis ay hindi niya na inalintana ang bagay na ito. Yakap-yakap niya ang maliit niyang backpack bag na naglalaman ng ilang mahahalagang dokumento at kaonting pera para sa kaniyang pag-alis... kung hindi lang sana siya natunugan.
Napahinga siya nang maluwang nung makita niyang dahan dahang lumalayo na sa daungan ang private yacht na pinagtataguan niya ngayon. Nasa likuran lang siya at nakasiksik sa isang tabi, tamang tama lang na hindi siya basta agad makikita ng kahit sino. Marahan pumatak ang mga luha sa kaniyang mata pero agad din niyang pinahiran. Hindi siya dapat manghina, hindi ngayon. Sa naramdaman pagod, hindi niya namalayan nakatulog siya habang yakap-yakap ang bag.
Nagising lang siya nung may tumapik sa kaniyang pisngi. Nasisilaw siya sa liwanag na sumalubong sa kaniyang mata at hindi niya makita ang mukha ng taong nasa kaniyang harapan ngayon at nakahalukipkip ang kamay. Ilang segundo muna bago nag-sink in sa kaniyang utak na tumakas pala siya at may humahabol sa kaniya. Nang maisip niya ang bagay na iyon, bigla-bigla siyang napatayo para lang mauntog sa bakal na nakaharang. Napabalik siya sa kinauupuan at nasapo ang ulong nauntog.
Ang sakit!
“Here.”
Nagtaas siya ng tingin at nakita niya ang palad nitong naka-offer sa kaniya, nagdadalawang isip siyang tanggapin ito nung una pero parang may sariling isip ang kaniyang kamay at inabot ito. Saka lang niya namalayan na hanggang dibdib lang siya ng taong nasa kaniyang harapan at kinakailangan pa niya magtaas ng tingin para makita ang kabuuan mukha ng taong tumulong sa kaniyang tumayo.
Bigla siyang natigilan nang makita niya ang kabuuan hitsura nito. Ang mga mata nitong kulay dagat na nakatunghay sa kaniya, ang matangos na ilong na kay sarap pisilin at tanungin kung fake ba iyon or hindi, ang mga kilay nitong bumagay lang sa mga mata nitong asul na binagayan ng pilik mata nito. Ang mga labi nitong manipis at mamula-mula kasabay pa ang divided chin nitong nagpadagdag sa angkin nitong kagwapuhan. Diyos ba ito? Bakit subrang gwapo ang nasa kaniyang harapan?
Napalunok siya ng laway at biglang nagyuko. Pakiramdam niya ay namula siya ng husto. It's her first time she appreciate a man's look, dati kasi ay puro lang siya ilag o sabihin na natin hindi siya pianayagan nagkaroon ng lalaking gustuhin sa buhay niya. Sino ba ito? Bakit iba ang naramdaman niya agad nung magdaop ang kanilang mga mata? Hindi na bago sa kaniya ang makakita ng iba't ibang kulay ng mga mata pero iba ito, nakuha nito ang kaniyang atensyon.
“What are you doing here?” parang kidlat ang tono ng boses nito kaya nailang siya at yumuko. “Answer me!”
Napaigtad siya at nagtaas ng tingin pero agad din nagbawi. Paano ba niya sasabihin? Saka lang niya napansin na malayo na sila sa daungan at wala na siyang makitang kahit anong kahoy o bahay man lang, napahinga siya ng maluwang sa bagay na iyon. She's safe now. Napangiti siya nang malungkot, gugustuhin man niyang huwag tumakas pero pag 'di niya ginawa iyon, makukulong siya sa habambuhay at hindi naman niya ito pahihintulutan na mangyari.
“Naglayas ka,” hindi patanong iyon.
Napatingin siya sa lalaki at matagal bago tumango. Halata naman siguro sa backpack bag niyang dala at sino bang matinong babae ang sumampa sa yacht na hindi kaniya? Napangiwi siya nang magreklamo ang kaniyang tiyan, last niyang kumain ay kahapon ng umaga pa kaya medyo nanghihina na rin siya at nag-aaway na ang mga alaga niya sa kaniyang tiyan. Palihim niyang pinakalma ang nagaalburutong sikmura.
Napailing naman ang lalaking nasa harapan niya at tumalikod. “Sabayan mo akong kumain.”
Para siyang nanalo ng lotto sa narinig at mabilis na napasunod dito. Gutom na gutom na siya at kahit anong pagkain ay kakainin niya basta walang lason. Pancakes and coffee plus fresh fruits ang bumungad sa kaniyang mata. Bigla siyang natakam at naghintay na yayain siya nitong umupo sa harapan kahit ang totoo gusto niya ng takbuhin at kainin lahat ng iyon.
Busog na busog siya at napadigway pa. Nag-excuse siya sa naramdaman hiya pero tango lang naging sagot ng lalaki na hindi man lang magawang kumain, uminom lang ito ng kape at hinayaan siyang ubusin ang lahat ng nakahain. Gutom lang talaga siya.
“May I know your name? Siguro naman ay may tiwala ka na sabihin sa'kin kahit pangalan mo, 'di ba?”
Napatitig siya sa wedding ring na nasa daliri nito at ayaw man niyang aminin pero may bahagi ng pagkatao niya ang umayaw sa isipin na kasal na ito at may nagmamay-ari na sa puso ng lalaki. Bigla siyang nalungkot sa bagay na iyon pero hindi niya pinahalata.
“Jackylyn Suarez Rokassowskij,” kiming sagot niya.
Napakunot ang noo nito sa last name niyang binanggit, “You're a Filipina -Finnish?” bahagya itong nagulat.
Napaunat siya ng likod at napatingin sa mga mata nito. Paano nito nalaman na isa siyang Finnish, mostly lagi siyang napapagkamalan sa apelyido niya na Russian. Maliban sa mata niyang kulay abuhin at buhok na dark brown, masasabing may ibang lahi siya. Her mother is pure bisaya and that makes her filipina inside. Suarez ang gamit niyang apilyedo kung hindi lang umeksina ang kaniyang lolo at pinalitan ang apelyido niya sa last name na gamit ng mga ito.
“Oo pero nakakapagsalita ng tagalog at nakakaintindi.”
“Yeah,” walang ganang sagot nito at tumayo, “Follow me, I'll show you your room. Mukhang pagod na pagod ka. Mamaya na kita ulit tatanungin.”
Napatango siya at sumunod dito. Aaminin niya, palagay ang kaniyang loob sa lalaking hindi man lang niya alam ang pangalan but who cares? Ang importante ay nakalayo na siya sa mga taong humahabol sa kaniya at saka na lang niya siguro isipin ang susunod niyang hakbang.
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBY
General FictionWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Kasal si Theon kay Amara pero kahit kasal sila, hindi siya makuhang mahalin ng babae. Hindi siya kayang mahalin nito dahil iisang lalaki lan...