Chapter 4 - "Guitar"

35.3K 975 23
                                    

Mabilis siyang humiga sa malapad na kamang nando'n sa gitna. Sa subrang busog niya, hinila siya ng antok lalo na at ramdam niya ang minsan paghampas ng alon. Para siyang dinuduyan at hinihilang matulog ulit. Nasa kalagitnaan siya ng kaniyang pagtulog nang marinig niya ang malamyos na musika galing sa labas. Ang sarap sa teynga pakinggan 'yung boses na kumakanta at gitarang sumasabay, parang kaboses ng idolo niyang singer na si Dean Lewis. Bigla siyang napabangon at nagpasyang lumabas. Everytime na maririnig niya ang mga kanta ng dakilang singer, nalulungkot siya at naaalala ang matagal ng yumaong ina.

Nakita niya ang lalaking nakatalikod sa kaniyang gawi at malungkot na kumakanta habang hawak nito ang gitara. Hindi niya mapigilan ang sariling hangaan ito, lalo na sa napakalamyos na boses nito na kay sarap pakinggan. Nanatili lang siyang nandun sa likuran at pinakikinggan itong kumakanta habang pinapahiran niya ang mga luhang nagsimulang pumatak. Argg! She miss her mother so much pero wala, matagal na itong patay. Sabihin na natin, pinatay. Matagal ng pinatay.

10 years old pa lang siya no'n nung dalhin siya ng kaniyang ina sa Mindanao para ilayo pero isang buwan lang ang nagdaan, nakita niyang binaril ito mismo sa bahay nila nang ilang mga armadong lalaki na nakasuot ng itim at shades. Pagkatapos no'n ay kinuha siya at dinala, akala niya katapusan niya na nang mga araw na iyon pero iyon pala ang unang araw mismo magbabago nang tuluyan ang kaniyang pagkatao bilang si Jackylyn. Tuluyan siyang napaiyak at ilang hikbi ang kumawala sa kaniyang lalamunan. Mag-isa na lang siya ngayon at wala siyang maituturing na pamilya dahil ang nag-iisa niyang pamilya ay binawi na sa kaniya.

"Sorry, napaiyak yata kita."

Mabilis niyang pinahiran ang mga luha niya at kiming ngumiti,"Pasensya ka na, hindi ko sinasadyang makinig at maiyak. May naalala lang ako." Akmang tatalikod na sana siya pabalik sa cabin pero tinawag siya nito na samahan ito sandali sa labas.

Nagdadalawang isip siya nung una pero pinagbigyan niya ito, inalala niyang ito ang may-ari ng sasakyang pandagat ngayon na kaniyang sinasakyan papalayo sa kabihasnan. Umupo siya sa tabi nito at saka naman biglang humampas ang malakas na hangin sa kaniya dahilan para gumulo lalo ang magulo niyang buhok.

"Mahilig ka rin ba kumanta?"

Tumango siya. Isa ito sa mga hobby niya, ang kumanta kahit ang totoo puro dingding lang ng kaniyang silid ang nakakarinig.

"Good. Maybe then you could sing with me." ngumiti ito at lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin.

Napasinghap siya ng palihim sa ginawa nito. Bakit may tinapon Roman God sa kaniyang harapan ngayon? Ganito na ba siya kasama para padalhan ng napakagwapong nilalang?
Nagsimula itong tugtugin ang kantang Ocean's Away ng Arizona. Napangiti siya dahil alam na alam niya ang kantang ito. Ilang sandali pa ay hindi na namalayan ni Jackylyn ang oras. Kampante na siyang sumabay sa pakikipagkantahan sa lalaki na para bang matagal na silang magkakilala.

Cliché man sabihin pero ang bilis gumaan ng kaniyang loob sa estrangherong lalaki na nasa kaniyang harapan ngayon na nakilala niya sa pangalan Theon Willoughby. Hindi na ito nagbanggit pa nang ibang personal info sa sarili, nag-usap na lang sila na parang matagal na silang magkakilala.

Namalayan na lang ni Jackylyn na may gusto siya sa taong ito kahit una pa lang niya itong nakita at kahit alam niyang may singsing na sa kamay nito at nagpapatunay na isa itong kasal na. Parang may kalahati ng kaniyang pagkatao na nagsasabing gustuhin ito. Mabait ang lalaki at ramdam niya ang bagay na iyon kaya rin siguro magaan ang kaniyang loob.

"What's your next plan in mind? Want me to help you?" Mayamaya'y saad nito nang tumigil ito sa pagtipa sandali at tumingin sa kaniya.

Napayakap siya sandali sa sarili nang humangin ng malakas saka umiling. "Sa ngayon, ang makalayo ang iniisip ko pero thank you sa offer. Kaya ko 'to. Sapat na itong pinasakay mo ko rito."

Tumango ito at napatingin sa karagatan. Napatitig naman siya sa lalaki at napangiti kahit papaano. Masaya siya na makilala ito at may cause rin naman pala ang pagtakas niya kahit kapalit nito ay ang buhay niya. Tumayo sandali si Theon at iniwan siya mag-isa nang mag-ring ang phone nito. Napasunod ang kaniyang tingin dito at napatingin sa gitarang nilapag nito sa kaniyang tabi. Dinampot niya iyon at nagsimulang magpatugtog. Mahilig siya sa musika at kung hindi lang sana siya minalas, baka nag-singer na siya ngayon at may sariling album na nila-launch every year. She wish to become singer but God doesn't want her too kaya heto siya ngayon, takot para sa sariling buhay.

Nakuha niyang tumipa ng gitara habang malungkot itong sinasabayan ng kanta. Hindi niya na namalayan na umiiyak na siya at napahikbi. Kahit kailan ang iyakin niya talaga pero isa ito sa paraan niya para mabilis maibsan ang sakit, dinadaan niya sa iyak tapos ngiti ulit pagkatapos. Hindi na nakabalik si Theon kaya nagpasya siyang bumalik sa cabin at naligo. Ang dungis niya dahil saan-saan siya nagtatago at sumuot para lang makalayo.

Bahagya siyang nakaramdam ng ginhawa nang matapos siyang maligo. May dala siyang dalawang pares at iyon ay puro jeans at white shirt. Agad niyang isinuot iyon. Hindi niya nasubukan magsuot ng mga naggagandahan damit pambabae kahit gustong gusto niya, hindi niya ginawa. May rason kung bakit pero at the end, wala pa rin pala siyang kawala. Pinaghimasukan pa rin ang kaniyang buhay pati ang karapatan niyang magdesisyon para sa sarili.

Nang lumabas siya ng cabin, eksaktong nakabukas 'yun isang cabin at kita niya roon si Theon na nakatayo at nakaharap sa malaking portrait. Biglang gumana ang pagiging curiosity niya kahit hindi naman siya ganun in real life. Sumilip siya at tiningnan maigi ang babaeng nasa portrait and dito niya nakita kung gaano kaganda ang nasa larawan. Nakangiti ito sa at mala-anghel tingnan sa mahaba at kulotan nitong buhok habang siya may buhok nga, dry pa at maikli. Kulang sa alaga. Na-appreciate niya ang kagandahan ng asawa nito pero may bahagi ng puso niya na umasa na sana hindi na lang ito kasal.

Umalis na ako ro'n at nagpasyang magpahangin sa labas at gamitin ang gitara nito kahit hindi siya nakapagpaalam. Nasa kalagitnaan siya ng malungkot niyang kanta nang may umupo sa kaniyang tabi at ang gwapong mukha ni Theon ang nakita niya. Bigla siyang natigilan at namula.

"I didn't know that you can play string as well. Like, you have an angelic voice plus the view of you playing the guitar makes the ambiance more beautiful. Wow!" manghang saad nito at ang luwang ng ngiti.

Nagbaba siya ng tingin at kiming nagpasalamat. Binalik niya ang gitara rito pero umiling ito at hinayaan siya. Nag-request pa ito na kantahan niya. Nagdadalawang isip siya nung una pero tumango rin kinalaunan. Wala naman mawawala sa kaniya kung kakantahan niya ang lalaki. Nag-duet sila kanina at isa na iyon sa rason para pagbigyan ito.

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon