Chapter 9 - "Jaakkina Rokassowskij"

27.5K 792 12
                                    

Napangiwi sa sakit si Jackylyn pero pinipilit niyang indahin ang sakit. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang malaking sugat na iyon. Akala niya huling gabi niya na ang nangyari kagabi though iyon naman talaga ang gusto niya dati. Sandali silang tumigil sa ilalim ng punongkahoy at umupo sa nakausling malalaking ugat nito. Malaki ang sugat na natamo niya kaya hindi niya mapigilan mapaaray ng sitahin ito ni Theon at nagpresintang gamutin.

"Stay here for awhile, maghahanap lang ako ng dahon na pwede natin itapal d'yan para hindi ma-infection."

Hindi niya na magawang tumango dahil agad na itong tumayo at sandali siyang iniwan. Napasunod ang kaniyang tingin dito habang sumandal muna siya sa malaking katawan ng puno. Kung iba siguro ang sitwasyon niya, iisipin niya ng romantic ito pero hindi. Napasulyap siya sa pasa na nasa kaniyang braso, nangingitim ito at napangiwi siya ng damhin niya ito. Okay na rin ito kahit papaano basta ang mahalaga, buhay siya. Ilang sandali pa ay bumalik na ang lalaki at may dala itong mga dahon na hindi niya alam ang pangalan. Kumuha ito ng bato at dinikdik ang mga dahon saka nito nilagay sa sugat niya.

"A-ako na..." mabilis niyang pigil sa kamay nito.

Tumango lang ito at hinayaan siya pero hindi niya napaghandaan ang pagpunit nito sa suot na tshirt. Namumula ang kaniyang pisngi nang dahan-dahan at maingat nitong tinalian ang kaniyang sugat. Magkalapit sila at halos langhap niya ang hininga nito pero pinigilan niya ang sariling titigan ito sa mata at baka kapag ginawa niya iyon, bigla na naman siyang mawala sa sarili.

"We will be rescue soon, hindi ko lang alam kung hanggang ilang araw tayo rito. For the mean time, let's make sure that you are okay and find place to stay tonight." Inalalayan na siya nitong tumayo at nagsimula silang humakbang ulit pero napatigil sila nang nasa bungad na sila ng kagubatan ng isla. "Do you want us to stay inside the forest or..."

"Dito na lang kung saan mas malapit sa dagat," putol niya.

Sinangayunan nito ang kaniyang sinabi at bumalik sila sa malaking puno. Pinaupo siya nito at nagpaalam ito sandali na magpunta sa dalampasigan. Tulad nung una, hindi pa siya nakatango nakatalikod n a ito. Napasunod ang kaniyang tingin kay Theon. His bare back makes her more blushed. Para siyang highschool na nag-swoon sa kaniyang ultimate crush though she never experienced that in real life. Hindi nga niya alam ang crush-crush nabagay but maybe today alam niya na. Pinili niyang ibaling sa ibang side ang kaniyang tingin at dito lang niya napansin na nasa isang magandang isla sila. Subrang pino ng puting buhangin at kitang kita na malinaw na malinaw ang tubig kahit nasa kalayuan siya ngayon nakapwesto. Malamig at subrang presko ng hangin kaya niya mapigilan ang sarili na i-appreciate ang bagay na iyon. Kailan ba ang huling punta niya sa dagat at makakita ng ganitong tanawin? 8 years ago? No, 10 years ago. Mapakla siyang napangiti at napabuntunghinga. Dinakma niya sa isang kamay ang buhangin at pinagmasdan iyon na dahan dahang humagpos sa kaniyang kamay...

"Welcome home."

Nagulat siya sa sinabing iyon nang isang matandang lalaki na bumaba sa hagdanan. Nasa isang napakaling bahay siya ngayon habang nasa likod niya 'yung mga lalaking pumatay sa kaniyang ina. Kung kanina ay hawak-hawak siya ng mga nito at nagwawala siya, ngayon ay isang dipa ang layo ng mga nito sa kaniya ngayon at nakayuko ang ulo nung bumaba ang matandang lalaki na tingin niya ay nasa mid 60's. Naghalo ang kulay ginto at puti nitong buhok. Sa bata niyang kaisipan, hindi niya alam kung ano ang kailangan nito at isa lang pumasok sa utak niya nang mga oras na iyon, ito ang nag-utos na patayin ang kaniang ina.

"Sino kayo? Bakit niyo pinatay ang mama ko?! Napakasama niyong tao! Wala kayong puso!" nagpumalahaw siya ng iyak. Presko pa rin sa utak niya ang ginawa ng mga nakaitim na tauhan na nasa kaniyang likod ang pagpatay ng mga ito sa nag-iisang magulang niya.

"Come on dear, she's not your mother." Malamig na sabi nito at deritsong tinungo ang magarbong sofa na nasa gitna ng sala. Naka-dekwatrong umupo ito at agad may lumapit dito na lalaking nakaitim lahat ang kasuotan at sinindihan ang tobacco pipe nito. "Vittu! Liian Hidas!" Fuck! Too slow! asik nito sa lalaki at dilat ang mata na bumagsak ito sa sahig habang dahan dahang bumaha ang dugo na nanggagaling sa ulo nito.

Napatulala na lang siya sa pangalawang beses na may taong namatay sa kaniyang harapan. Biglang nasaid ang mga luha niya at hindi makapgsalita. 10 years old siya nang mga sandaling iyon pero alam niyang isang masamang tao ang nasa kaniyang harapan at isang pagkakamali lang niya ay ganito rin ang magiging kahinatnan niya sakali.

"Oh sorry dear,I didn't mean to scare the little innocent of you. Heita tama ulos!" Throw this out! Kampanteng saad nito.

Mabilis na nagsikilos ang tatlong lalaki at binuhat ang bangkay habang dalawang lalaki naman ang naglinis sa sahig para tanggalin ang dugong nagkalat. Pagkatapos no'n ay lumapit ito sa kaniya habang hithit nito ang tobacco pipe na nasa kaliwang kamay. Nanginig ang buong katawan ni Jackylyn at sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya magawang kumurap ng mata sa takot na naramdaman.

"Don't cry dear." Pinahiran nito ang kaniyang mga luha. "I am your grandpa. So from now on, you will stay here with me on this mansion and live like a princess and used our family name. You'll be called Jaakkina Rokassowskij."

Biglang nanigas ang kaniyang katawan sa sinabi ng matandang lalaki saka siya nito tinalikuran. Simula sa araw na iyon matinding trauma ang nakuha niya at pagkatapos non ay nagmistulang impyerno ang kaniyang buhay.

"You okay?"

Tulirong nagtaas siya ng tingin at nakita niya ang nag-alalang hitsura ni Theon na nakatunghay sa kaniya. May bibit itong icebox at tingin niya yata ay pagkain ang nasa loob. Bigla niyang pinagpag ang kamay at ngumiti ng kimi saka siya tumango. Naging pipi na naman siya sa presinsya nito.

"I guess you're not," komento nito. "Magpahinga ka na rito, I'll set a sleep place for us tonight." Nilagay nito sa kaniyang tabi ang bitbit nito at binuksan iyon. Kumuha ito ng bottled water at binigay sa kaniya. "Drink this. Ang putla-putla mo na. I'll find foods as well. Puro drinks lang ang nasa loob ng box na'to."

"S-salamat." Tinanggap niya ito at mabilis na ininum. Hindi halatadong uhaw na uhaw siya.

Ngumiti lang ang lalaki at bago ito umalis, binilinan siyang magpahinga at huwag maglibot dahil hindi nila alam ang buong paligid at baka may mga wild life siyang makasalubong. Sinunod niya ang sinabi nito at nagpahinga siya sa ilalim ng puno. Pinikit niya ang mata at nagpasyang umidlip muna. Kailangan niyang bumawi ng lakas dahil hindi basta-basta ang napagdaanan nila kagabi sa kamay bagyo.

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon