Chapter 35 - "Go After Her"

25.9K 788 105
                                    

"Fuck!" malakas na mura ni Theon nang hilain siya ni Mordeccai pabalik sa pwesto niyang pagmamaneho. Nabunggo ang ulo niya kaya inis na binalingan niya ito at akmang babatukan.

"Si Jackylyn!" turo nito sa daan. Mabilis siyang napasunod ng tingin sa kamay nito at nagpalinga-linga. "Biro lang."

Gigil na sinapak niya ito sa ulo at isang malutong na tawa ang binigay sa kaniya. Nagseryuso siya sa pagmamaneho at mas binilisan pa ang takbo, kailangan nilang maabutan ang dalaga. Nakakatamad maghanap sa totoo lang, hindi siya mahilig sa larong 'Come And Get Me'.

Nakakangilong tunog ng gulong nang huminto sila sa harap ng airport na sinasabi ng kaibigan niyang halos sumubsob na sa dashboard at nangangalaiting tiningnan siya ng masama. Inismiran lang niya si Mordeccai at agad ng lumabas sa sasakyan habang nakasukbit ang baril sa suot niyang pantalon.

Shit! Gusto niyang sumigaw sa galit. Sa daming taong nando'n, nahihirapan siyang tingnan kung nasaan si Jackylyn. Mukhang sinadya ng Don na dito ang deriksyon nito para malito siya. Kahit saan siya lumingon at tumakbo, wala siyang makita kahit anino. Napapalingon na lang ang mga taong nando'n at kahit guard ay hindi siya kayang pigilan para pumasok

"Theon dapa!"

Awtomatikong napadapa siya sa malakas na sigaw ng kaibigan na mabilis na nakasunod sa kaniya. Narinig niya ang malakas na putok ng baril mula sa kung saan at kung hindi siya nasabihan ni Mordeccai, baka bumagsak na siyang duguan. Awtomatikong napatingin siya sa palibot habang nakaumang ang baril, nakita niya ang lalaking may dalang sniper na muling titira sa kaniya pero agad siyang gumulong sa kabilang bahagi kung saan may isang poste. Nagsitakbuhan ang mga tao sa panicked at kaniya-kaniyang takbuhan ang mga ito sa exit door.

"Mordeccai!" Napatingin siya sa kaibigan. Tulad niya nasa isang poste ito at nagtatago.

"Run blimp! Go after her, now. Ako na ang bahala rito."

Kahit 'di nito sabihin, papunta na siya sa babae. Sinigurado lang muna niya ang kalagayan nito bago siya susugod. Mabilis siyang nakasingit sa mga tao at isa itong malaking advantaged sa kaniyang side. Walang pagdadalawang isip na hinila niya sa kwelyo ang lalaking guard na bubunot sana ng baril at ipuputok sa kaniya.

"Missa Don Jukka on? Oletko nahnyt hanta?" Where is Don Jukka? Have you seen him? Tanong niya sa lalaking gulat na gulat sa kaniyang ginawa. "Tell me where the hell is he?!"

Nanginginig ang kamay na tinuro nito ang kaliwang hallway. Hindi na rin siya nagpasalamat, basta lang siyang tumakbo papunta sa deriksyon na tinuro ng security guard habang may baril na bitbit sa isang kamay. Hindi santo ang bala ng kaniyang baril kaya kung sakaling babaon ito sa katawan ng matandang Don, kapalaran na nitong mamatay sa mismong kamay niya.

There! Nakita niya agad mismo nung paglabas niya ng pintuan ay bumungad sa kaniya ang private plane at pinilit na papasukin ang dalaga sa entrance door. Tama si Mordeccai sa pag-described laban sa Jackylyn niya, may handcuff nga ito at tali sa leeg. Damn shit! Ginawang hayop ang babaeng mahal niya—bigla siyang natigilan. Mahal niya si Jackylyn?

"Isa kang demonyo at ganid sa pera. Napakawalang kwentang tao ka talaga!" malakas na sigaw ng dalaga at nakikipaghilaan ng tali na hawak ng isang tauhan nito.

Nakangisi lang si Don. Jukka at humithit ng sigarilyo. Doon lang din napansin ni Theon na maraming tauhan nito ang nakatayo at nakakalat. Mukhang inabangan ng mga ito ang pagdating niya kung 'di siya nagkakamali. Nag-isip siya nang kung anong pwedeng gawin nang mga sandaling ito pero walang pumasok sa kaniyang utak. Ang tanging gusto lang niya ay makuha ang babae at itakas.

"Bring him in," anas ng Don.

Fuck no! Agad siyang lumabas sa pinagtataguan at bahala na kung ano ang magiging kahinatnan ng lahat pagkatapos nito. Mula sa malayo ay sumigaw si Mordeccai na galit na galit habang nakikipagpalitan ng baril sa mga tauhan.

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon