Chapter 14 - "I'm Here"

23.1K 799 13
                                    

Nalula siya sa subrang ganda ng penthouse lalo na nung nasa malaking terrace siya at pinagmamasdan ang napakagandang citylights nang gabing iyon. May pinapunta nga si Theon na ilang tao para magdala ng groceries at kagamitan niya para sa katawan, na akala niya ay good for 3 days lang dahil hindi naman na masyadong malala ang kaniyang sugat at 'di naman siya magtatagal sa pag-stay rito-pero nang makita niya ang dala ng mga 'to parang buong taon na yata siyang titira ro'n sa penthouse.

Sanay na siyang mag-isa kaya hindi na rin siya naging malungkot sa malaking bahay na iyon. Pinagod niya ang sarili sa panonood sa buong lugar na kahit kailan ay hindi niya nagawa. Ang lamig ng hangin at bahagya niyang niyakap ang sarili. Ang sarap pala mamuhay nang ganito, nang matiwasay, nang wala siyang tinatakasan takot pero alam niyang temporary lang lahat 'yon.

Nang gabing 'yon nakatulog agad siya ng mahimbing. Nakakatawa lang isipin dahil napaginipan niya ang lalaki na nasa isla sila at sabay na nagtatampisaw sa tubig. Tanghali na rin siya nagising dahil napasubra ang kaniyang tulog o sa madaling salita, masyado niyang inenjoy ang panaginip na kasama niya ang lalaki.

Buong araw niyang binabad ang sarili sa pagluluto ng pagkain at paglilinis. Mukhang matagal-tagal na rin nalinisan ang bahay dahil sa mga konting alikabok na nandun. Ang saya pala mamuhay ng may kalayaan at ito ang gustong gusto niyang maabot! At sa gabing 'yon, nagpunta siya sa may jacuzzi sa terrace. Malaki ang terrace at mula roon, kitang-kita niya ang nagkikislapan bituin sa kalangitan. Ang may kalakihan jacuzzi, ang magaganda't iba't ibang kulay ng ilaw sa labas at mga halaman na mukhang kailangan ng alaga niya dahil nanunuyot na, ang mga matatayog na building nasa harapan niya at magagandang ilaw ng mga 'to. Lahat! Everything was beautiful!

May bubble bath na nando'n kaya nakialam na rin siya. Last time niyang naglalaro ng bula nung bata pa siya, the rest is puro limitado na ang galaw niya at kahit pwede naman niya gawin iyon sa sarili niyang kwarto- hindi niya ramdam ang saya at contentment. Isang oras din siyang nagbabad at naglalaro ng mga bula saka nagpasyang tumayo. Pakanta-kanta siyang naglakad patungo kung saan nakasampay ang bathrobe. Kampante siyang naglakad na walang saplot sa katawan dahil alam niyang siya lang mag-isa.

Eksaktong mula sa glass na pintuan ay lumabas ro'n ang lalaki. "Jackylyn? Are you here?"

"Ha?!" awtomatikong nanlaki ang kaniyang mga mata nang tumama ito sa binata. Holy Mary! Parang gusto niyang maglupasay sa hiya.

Huli na siya. Napatingin sa kaniya si Theon at tulad niya napatulala rin ito at mabilis na tumalikod nang mahimasmasan. "Fuck! I'm really sorry! I didn't know you were actually here... Naked."

Lord! Kunin niyo na ako! Hindi niya magawang igalaw ang paa sa subrang kahihiyan kaya ang tanging nagawa niya ay mapaupo at takpan ang katawan. Nakakahiya! "So-sorry kung naligo ako rito!" maiiyak na yata siya.

"I-its okay- I mean, I gotta go. I just pass by to see how you doing here."

Nagtaas siya ng tingin at sumalubong sa kaniya ay ang pagsara ng pintuan. Nakaalis na ang lalaki. Napangiwi siya sa subrang kahihiyan nang gabing ito! Bakit?! Gusto niyang magpagulong-gulong sa hiya. Nakita na ni Theon ang kaniyang katawan, wala na. Wala na siyang mukhang maihaharap dito. Wala na talaga. Kaya rin siguro ito agad umalis dahil napangitan sa katawan niyang mukhang walis tingting. Nandiri ito malamang! Sa isiping 'yon mas lalo siyang ngumawa at naiinis sa nangyari.

Naiiyak na kinuha niya ang bathrobe at sinuot iyon. Ang tamlay niyang naglakad papasok sa loob ng kabahayan nang makita niya si Theon na papasok ulit ng bahay. Namula siya ng husto at hindi kayang salubungin ang tingin nito.

"Nakalimutan ko," may nilatag ito sa center table. "It's a cellular phone. I saved my number on the contact. You can give a call kung may problema rito." At umalis din ito agad matapos mailatag ang isang box.

Ilang minuto rin siyang natuod sa kinatatayuan bago nag-sink in sa kaniyang isipan na umalis na ang lalaki at may iniwan itong bagay. Mabilis niya itong nilapitan at tiningnan, nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang mamahaling brand ng cellphone ito! Parang hindi niya kayang tanggapin pero hindi rin niya kayang hindian at mula sa sulok ng isip niya, alam niyang naaawa at gusto lang siyang tulungan nito. Nothing more. Hindi siya dapat mag-isip ng kung ano. Sana hindi siya mahirapan nito sakali sa nalalapit niyang pag-alis.

Panibagong umaga, unang ginawa ni Jackylyn ay magdilig ng halaman at bulaklak sa terrace at alisin ang mga tuyot na dahon ng mga ito. Lumanghap din siya ng preskong hangin at hinawi lahat ng mga kurtina. Ang ganda ng umaga! Kinalimutan na rin niya ang nangyaring kahihiyan kahapon, siguro naman no big deal ito sa lalaki. Nakakapanghina lang ng loob. Nagpasya siyang bumaba papunta sa katabing condominium, may isang rooftop garden ito at ito ang unang napansin niya sa subrang ganda sa tuwing dumudungaw siya sa ibaba.

Puting tshirt at sweatpants ang kaniyang  suot, at nakapambahay na tsinelas. Nagmadali siyang bumaba sa elevator at tinungo ang kabilang building. Hindi naman siguro siya pagagalitan ni Theon kung malaman siya nitong umalis. Ang lawak ng ngiti niya nang magbukas ang pintuan ng elevator sa groundfloor pero awtomatikong nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat nang magtama ang mga mata nila ng taong tinatakasan niya.

Zerus?!

"Jaakkina!" Bumalagsik ang mukha nito at agad na sumampa sa elevator para hawakan siya pero mabilis ang kaniyang paa na sipain ito sa tuhod. Napaatras ito at napaaray sa sakit.

Halos mamutla siya sa nakita at parang may sariling utak ang kaniyang nanginginig na kamay na mabilis na pindutin ang close button ng elevator bago ito makabawi. Abut-abot ang kaniyang dasal na sana hindi siya maabutan nito. Maraming floor ang kaniyang pinisil para hindi siya nito malaman na sa pinakataas siya. Jusko! Kung alam lang niya na dito sila magkikita ng tao nang kaniyang lolo ay hindi na siya bumaba pa but how come na alam nito na andito siya? Goodness! Sana hindi siya nito mahuli, sawang sawa na siya sa kaniyang kulungan. Ayaw niya ng bumalik sa mansiyon! Hindi siya nababagay ro'n.

Sa kakataranta niyang tumakbo papunta sa loob ng kabahayan, nabangga siya sa isang matipunong katawan. "Please 'wag niyo na akong ibalik kay Don Jukka! Ayuko na! Layuan niyo na ako! Tigilan niyo na ako!" paghihisterya niya. Nagsimula siyang manginig sa takot at pati katawan niya ay biglang nanlamig na parang yelo.

Isang malakas na yugyug ang kaniyang nakuha sa taong nabangga niya. "Jackylyn? What's wrong? It's me Theon."

Eksaktong pagtaas niya ng tingin ay ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha ng lalaki. Biglang bumuhos ang kaniyang mga luha. Si Theon nga ito, ang buong akala niya kanina ay naabutan siya ni Zerus at dadalhin na siya sa kaniyang lolong kriminal. Wala sa sariling napayakap siya sa lalaki at umiyak sa dibdib nito. Grabe ang takot na kaniyang naramdaman.

"Anong nangyayari? Hey calm down, calm down! I'm here, okay? I'm here. You're in my territory."

Kumalma lang siya nung tapikin ang kaniyang balikat at ulo. Nagtaas siya ng tingin at humingi ng pasensya sa lalaki saka dali-daling pumasok sa loob ng kabahayan. As if pakiramdam niya ay much safer siya ro'n kahit alam niyang malabo na iyon mangyari.

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon