Chapter 8 - "Save Me!"

26.2K 856 7
                                    

Napayakap siya Jackylyn kay Theon nang muling humampas ang alon sa kanila. Kung siya ang tatanungin, nahihilo na siya at nilalamon ng takot. Sa kasamang lalaki lang siya kumuha ng lakas para hindi tuluyan matakot. Mahigpit din ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay at pinaparamdam sa kaniya na ligtas siya rito. Hinila siya nito papuntang flying bridge pero dahil sa lakas ng buhos ng ulan, hindi niya na halos makita ang nilalakaran. God! Napasigaw siya nang madulas ang kaniyang paa. Mabuti na lang at mabilis siyang nasalo nito at sinabihan mag-ingat sa bawat hakbang na gagawin. Nagmistula siyang dinuduyan at nahihilo na siya.

"Fuck! This yatch is going to sink!"

Nagulat siya sa sinabi nito at mabilis na nag-ikot ng paningin. Doon lang niya napagtanto na papalubog nga sila! Nagsimulang pumasok ang tubig at kitang kita niya na dahan dahang kinain sila ng tubig.

"Theon!"

"I'm here!"

Alam niyang nand'yan ito, at nasa tabi lang niya pero sa isipin na lulubog ang yatch na kasama sila?

"Jacky we need to jump. Bibilang ako hanggang tatlo, understood? One..."

Napapikit siya. Kailangan niyang maging matapang after all may suot siyang life jacket but what if hindi sila makakaligtas after nito? What will happen next?

"Two..."

"Theonnnnnn!!!" Napatili siya ng malakas at tuluyan nilamon ng malakas na alon nang humampas ito sa kanilang dalawa. Hindi niya napaghandaan ang pagbiglang hila nito sa kaniyang kamay at pagtalon sa tubig. Ang sabi nito tatlo!

Naramdaman niya ang kanilang katawan na lumubog at bago pa siya mawalan ng hangin, lumitaw na sila paitaas. Napaluha siya nang makitang tuluyan lumubog ang yate kasama ang mahalagang gamit niya rito. Lumingon siya sa kasama niyang lalaki nung kumulog at gumuhit ang mahabang kidlat sa kalangitan, kitang kita niyang nakatingin din ito sa yate at tulad niya, alam niyang naluluha ito sa nangyari.

Magkahawak kamay pa rin sila at saka siya nito hinila papalayo pero dahil sa subrang lakas ng ulan at alon, pakiramdam niya walang saysay ang suot niyang life jacket. Parang malulunod siya at nahihirapan siyang huminga sa tubig dagat na ilang beses na humampas sa kanilang dalawa. Mabubuhay pa kaya sila after nito? Maabutan pa kaya niya ang araw? Mali ba 'yun desisyon niyang umalis at tumakas? Ang daming katanungan na lumabas sa kaniyang utak nang mga sandaling iyon.

Napapikit siya nang muling gumuhit sa kalangitan ang kidlat. Nanginginig na rin siya at sa muling paghampas ng malaking alon, sa lakas ng impact no'n hindi sinasadyang napabitaw siya sa kamay ng lalaki. Napasigaw siya sa pangalan nito lalo na't wala siyang makitang bagay sa paligid sa subrang kadiliman. Tanging kidlat lang ang nagbibigay liwanag.

"Theon?! Theonnnnn!" Nagsimula na siyang magpanick. Lulubog-lilitaw rin ang kaniyang katawan at ilang beses din siyang nakainum ng tubig-dagat pero walang sumagot. Walang Theon.

Nagsimula na siyang umiyak at kahit anong sigaw niya sa pangalan nito, tanging kulog at kidlat lang ang sumagot sa tawag niya. No! No! Gusto niyang maghisterya, wala naman sigurong masamang nangyari rito. Muli, tinawag niya ang pangalan nito pero wala. Dito na yata siya mamatay sa gitna ng dagat na ito. Kung ganun, much better na rin. Mamatay siyang walang nakakaalam na namatay siya at kung hanggang dito lang talaga ang buhay na para sa kaniya, willing siyang tanggapin iyon. Napapikit siya ng mariin nang muling humampas sa kaniya ang malakas na alon. Nilamon siya ng dagat at sa mga sandaling iyon, naging blanko ang lahat sa kaniya at hindi niya na alam ang sumunod pa na nangyari. Hanggang dito na lang yata siya...

"Jacky!" Malakas na sigaw ni Theon. Ang sabi hindi niya hindi ito bibitawan kahit anong mangyari pero what happened next was out of his control. Biglang bumitaw ang pagkakahawak nilang dalawa sa lakas ng tubig.

Feels like the heaven was throwing its tantrums and if they're lucky enough to survived, he'll promised to confess his love to his wife! Panay langoy at lingon siya sa kapaligiran niya kahit wala siyang nakikita kundi kadiliman. Hinahanap niya si Jacky. Nangako siya rito at hindi pwede na siya lang ang pwedeng makaligtas. Alam niyang hindi ito marunong lumangoy at kahit sabihin na may suot itong life jacket, there's a big possibility that she'll be drown. Fuck!
Tinawag niya ulit ang pangalan ng babae pero walang sumasagot. Saan na ito? Hindi ito pwedeng mamatay. Kailangan niyang makita ito pero but how? Fuck this life!

Jacky was like abandoned kitten. Subrang inosente ng mukha nito at kahit siya, hindi niya mahindian ito nang una niya itong makita sa yate at natutulog habang yakap-yakap ang bag. Of course the first thing appeared on his mind was, she's a thief but right after looking to her innocent face, pale skin and figure. May fondness siyang naramdaman. Mahiyain ang dalaga at ramdam niya ang bagay na iyon. Napapansin din niyang lagi itong nakatingin sa mga mata niya at napapailing na lang siya sa bagay na iyon. Marami ang nahuhumaling at nagkakagusto sa happy go lucky na Theon but ang babaeng gustong gusto niya, hindi niya magawang umamin ng nararamdaman. Torpe na kung torpe pero siguro ganun talaga siya pagdating sa asawa niya.

Malakas ang ulan at alon, buti at sanay siya sa ganitong sitwasyon pero kay Jackylyn? Baka kung ano na nagyari sa dalaga. He kept on looking for her but there's no sign of her. Damn! He lost her! Dapat kasi mas hinigpitan niya ang paghawak sa kamay nito. Naging pabaya na naman siya. Ilan beses siyang kinain ng alon at kung hindi matibay ang kaniyang baga baka kanina pa siya nalunod at naubusan ng hangin pero ang sumunod na alon ay hindi niya napaghandaan, tuluyan siya nitong kinain...

Masakit ang ulo na nagmulat ng mata si Theon. Mataas ang sikat ng araw at mas lalong nagpadagdag ng sakit ng ulo niya ang liwanag no'n. Agad siyang napabangon nang maalala ang nangyari kagabi. Saan siya?! Ibang kapaligiran ang kaniyang nakita, puro kakahuyan at buhanginan. Napamura siya nang rumehistro sa kaniyang utak na nasa isang isla siya. Mabili niyang tinanggala ang nakasuot sa katawan na jacket at naglakad sa buhanginan. May hinahanap ang kanyang mata at nung makita niya ito, agad siyang napatakbo at nilapitan ang dalaga.

"Hey, Jackylyn! Wake up!" tinapik niya ang pisngi nito at niyugyug pero walang tugon mula rito.

Agad niyang dinakma ang leeg nito at pinulsuhan. Napahinga siya ng maluwang nang malaman na buhay ito. Masaya siya na buhay ito. Ilang beses niyang tinawag ang pangalan nito at niyugyug bago ito nagbukas ng mata at napasigaw sa takot.

"It's me Theon! You're safe now. We're both safe."

Ilang beses itong nagpakurap-kurap ng mata at habol ang hininga. "Nasa langit na ba tayo? Patay na ba ako? Tayong dalawa?"

Napangiti siya sa tanong nito at inalalayan itong bumangon. Pinagpag niya ang buhangin na bumalot sa katawan nito saka siya sumagot. "No. We're stuck here in island."

Napatango ito at napahawak sa ulo. Gumuhit ang pag-alala sa kaniya at tinanong ito kung may masakit ba rito at okay lang ito. Tanging tango lang ang naging sagot nito kitang kita niya ang lungkot sa mga mata nito.

"Kaya mo na ba tumayo?"

Tumango ito at saka naman niya inalalayan na tumayo ang dalaga. He's grateful at nakaligtas ito. Ang problema na lang ngayon ay kung paano sila makakaalis sa lugar na ito at sinong mag-rescue sa kanila. Napatigil sila sandali nang huminto ang babae at napaaray nang magsimulang humakbang. Saka lang niya napasin na na may pasa ang braso ng dalaga at sugat sa gilid ng beywang. Baka nakuha nito iyon kagabi kung saan nakikipag-agawan sila ng buhay kay Satanas.

"You're wounded," aniya.

Hindina ito nagulat sa kaniyang sinabi parang inasahan na talaga nito ang kaniyang sinabi. Hinawakan lang nito ang sugat na may kalakihan at natuyo na ang dugo sa paligid nito. "Don't mind it. Hindi naman siya masakit."

Napabuntunghinga si Theon. Walang sugat na hind masakit. "Kaya mo ba maglakad?"

Ngumiti ito at tumango pero ramdam niyang nasasaktan ito dahil napapangiwi ito at napapahawak sa sugat na natamo.

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon