Special Chapter (Theon The Pokpok!)

40K 1.2K 133
                                    


"Theon!"

Hindi na kailangan lumingon ni Theon oara alamin kung sino ang tumawag sa kaniyang pangalan, alam niyang ang ex-wife niya ito.

"Theon!" Masayang tumakbo si Amara papalapit sa kaniya para yakapin siya nang biglang humarang si Azael na asawa nito na nakasimangot ang mukha.

"Back off, asshole." Humarang ito sa gitna at ito mismo ang yumakap babae ng mahigpit at bigla siyang binelatan.

Ngumisi siya at mas lalong inasar ang lalaki. "Ang damot mo, ah! She's my wife way back then." nakakalokong saad niya.

Jackylyn his wife was on her way to church. Nasa isang sikat na Recording Station pa ito. Ang pangarap nito na gustong maging singer, tinupad nila pareho basta sa gabi, magkasama silang dalawa sa kama. Ngayon sikat na sa industriya ang kaniyang asawa, paminsan-minsan ay nagdu-duet sila sa mga concert nito at maraming tao na pinakilig.

"Ex-wife." pag-emphasised ni Azael at nakahawak na sa beywang ni Amara.

"So? Kung hindi ko siya pinakawalan sa tingin mo magiging sa'yo siya?" pang-iinis niya lalo kay Azael at lihim na natawa. Kulang na lang ay bigwasan siya nito at pinanlakihan siya ng mata.

Natatawa pa rin siya sa tuwing sumasagi sa utak niya 'yung alaala na nasa yacht sila at sinet-up ito na pakana ni Amara at sa tulong ng mga plastic niyang kaibigan kuno, ang mga tangina friends. Subrang dugyot nito sa suot na apron na Hello Kitty at Spongebob Square Pants na boxer. May picture siya sa kadugyutang 'yon ni Azael at balang-araw ipapakita niya sa mga anak nito. Revenge men, revenge.

Nasa isang simbahan sila para umattend sa christening ng anak ni Doc. Hudson at Abhaya, kung sinuwerte ba naman ang alaga nitong naka-triplets. Sa kanila kaya ni Jackylyn, siguro kakausapin niya ang asawa na gawing anim agad anak nila.

Mabilis na humalik sa kaniyang pisngi ang asawa nang dumating ito, nakabihis na rin at kahit saan tingnan subrang ganda nito sa suot na dress. Hindi na siya nagtaka kung bakit ang daming dumadating na mga gifts at flowers sa babae at deni-deliver talaga nito mismo sa bahay nila. Siyempre siya ang taga-check at nagsasala, kung galing sa lalaki at secret admirer binibigay niya agad sa mga katulong. Ganiyan siya pagdating sa babaeng mahal niya, wala dapat na sumamba rito kung hindi siya lang.

Naalala niya nung minsan siyang inmbetahan sa isang show at natatawa na lang siya sa tuwing naaalala ang kaniyang sagot sa tanong ng isang host. Ang nasa kani isipan nang mga sandaling iyon ay walang iba kundi si Jackylyn kahit ng mga panahon 'yon ay malabo pa sa kanila. Nakuha pa niyang kantahin ang Ocean's Away dahil dito sila kantang ito nagkasundo dalawa ng kaniyang asawa na ngayon.

"Napakaganda mo..."

"Mamaya na sa kama," bulong nito na ikinatahimik niya.

Natatawa naman ang babae at nagseryuso nang magsimula si Father sa harapan habang ang kaniyang buong atensyon ay sa babaeng katabi. Until now, hindi pa rin siya makapaniwala kung paano nito nabihag ang puso niya ng gano'n kasimple. Bigla lang itong lumitaw and the next day, wala na bigla nang nagulo lahat.

Nagpa-divorce sila sa labas ng kaniyang ex-wife at after no'n ay naunang kinasal si Amara at Azael. Sumunod sila after nilang ayusin ang puntod ni Don Jukka, namatay ito sa kulungan dahil pinag-iinitan ito ng kapwa preso. Hindi ito nakausap ng matino ni Jackylyn pero binigyan nito ng marangal na libingan ang matandang Don. Dati pa man, alam niyang hindi basta-bastang babae lang ang kaniyang minahal, isa itong babaeng may busilak na puso at mabilis magpatawad.

Ang lahat ng ari-arian at kayamanan ng matanda ay binigay ni Jackylyn sa mga charity foundation, sa mga lahat ng nangangailangan at sa mga simbahan. Hindi nga niya alam kung paano nito na-acess ang lahat ng pera ni Mr. Rokassowskij pero wala siyang pakialam do'n.

Siguro, dati na siyang may nararamdaman sa babae pero tinago lang niya at dineny sa sarili. Siguro, dati na talaga niya itong minahal kaya nung huli silang magkita sa cruise, para siyang asong naulol sa babae. Kahit gaano kakapal ang make up nito nang mga sandaling 'yon, kalaking pinagbago ng katawan at subrang ganda, alam niyang si Jacky ito; ang babaeng minsan pumasok sa buhay niya at nag-iwan ng hindi niya makakalimutang leksyon. Binaliw siya nito nung minsan may nangyari sa kanila sa penthouse niya.

Naalala pa niya kung gaano ito humagulhul ng iyak nang iabut niya rito ang dating back pack nitong bag at ando'n lahat ng laman kasama ang picture frame. Nalaman din nila kung saan nakalibing ang ina nito at binigyan ng desinteng libingan kasama pa 'yung ibang pinatay ng matandang Don na nilibing lang sa malaking bakanteng lote.

"Baby, I think its the right time for us to have a baby." bulong niya sa asawa habang hawak-hawak ang kamay nito, wala siyang balak pakawalan iyon.

Ngumiti lang ito nang tingnan siya, "Depende kung gaano ka kagaling mamaya sa kama para magbunga." ganting bulong nito at kinindatan siya.

Para siyang pinagpalakpakan ng anghel sa narinig, at last pumayag na ang kaniyang reyna! Mamaya, mata lang nito ang walang latay. Pinigilan niyang tumawa ng malakas sa subrang saya, binaling na lang niya ang kaniyang tingin sa anak Cuhen at Vraiellah.

"Bleeehhh!" Si Achilleus.

Nakunot siya ng noo at pinandilatan ang isang kambal na binelatan talaga siya at nag-make a face pa. Nakipag-away siya sa bata at ginaya-gaya ang ginawa nito.

"Uncle panget!" dagdag pa nito at inismiran siya.

Aba't, hinahamon yata siya ng paslit na 'to, ah! Sinong pangit, siya? Ang dami kayang nagkagusto sa kaniya sa campus dati at-

"Theon!"

Paglingon niya ay ang asawang nakataas ang kilay at handa siyang bibitayin.

"Behave ka nga d'yan, pati si Achilleus inaaway mo," pagalit na bulong nito.

Para naman siyang asong nabahag ang buntot at mabilis na umayos sa kinauupuan. Masusunod talaga kahit kailan ang kaniyang reyna. Kung hindi niya lang ito mahal! Damn, pasalamat ito at nabihag nito ang isang napakagwapong nilalang sa balat ng lupa at ang pangalan ay Theon Willoughby.

E. N. D

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon