TATLONG araw ang nagdaan. Medyo okay na rin ang kaniyang sugat at hindi na masakit. Pwede na siyang gumulong at lumundag na hindi poproblemahin na mabibinat sugat niya. Sandali siyang napalingon sa bintana at napataas ng kilay, mula rito kitang-kita niya si Theon na nakaupo sa hood ng kotse nito at matiim na nakatingin sa gawi niya. Ano na naman ba ang ginagawa nito?
Kung wala ka lang asawa Theon, kanina pa kita nilantakan.
Wait-wait, what? Agad niyang pinilig ang ulo sa malanding pumasok sa utak niya. Arghh! Maagang-maaga pero ito agad ang gusto niyang gawin almusal. No, no, no! Mabilis siyang tumakbo papuntang banyo at nagmadaling maligo. Marami siyang gagawin sa araw na ito.
Isang white t-shirt at jeans ang suot niya, binagayan na rin niya ito ng rubber shoes. Nagsuot na rin siya ng cap matapos itali ang hanggang likod na buhok at agad sinukbit ang back pack na ang laman ay laptop niya at baril. Pero bago siya tuluyang lumabas, nagsuot siya ng nerd glasses.
"Going somewhere?" Ito ang tanong ni Theon nang lumabas siya. Ang gwapo nitong tingnan sa suot na business suit.
Hindi niya ito tinapunan ng tingin. Baka kapag ginawa niya 'yon, makakalimutan na naman niya ang totoong rason kung bakit nandito siya.
"Jackylyn!" mabilis itong sumunod sa kaniya.
Nag-ikot siya ng eyeball at inisip kung bakit 'di siya lumipat agad ng apartment? Ah, dahil nung ginawa niya 'yon, nakasunod nga sa kaniya ang lalaki. Nakaupo na sa hood ng kotse nito at tinanong siya kung saan pupunta at kung bakit dala-dala niya ang kaniyang maleta.
Binilisan niya ang kaniyang paglalakad at tumawag ng taxi. Bahala ito sa buhay nito kung trip nitong sundan siya o hindi. Busy siya at alam niyang busy rin ito sa asawa nito. Hindi nga niya alam kung bakit sunod pa ito nang sunod sa kaniya. Tapos na rin siyang magpasalamat sa pagligtas nito sa kaniyang buhay kaya hindi niya maintindihan kung ano ba ang kailangan nito.
"Manong sa tabi ng Jukka's Empire Properties tayo. Pakibilisan niyo po sana."
Agad siyang umibis sa sasakyan at pasimpleng tumambay sa isa sa mga convenient store na nando'n. Mula sa kaniyang direksyon, makikita niya kung sino ang papasok sa naturang building na pag-aari ng matanda. Ilang minuto rin ang pinalipas niya bago buksan ang bag at kinuha ro'n ang kaniyang laptop.
Perfect! Napangiti siya.
Mabilis niyang tinipa ang keyboard at nilagay ang pangalan ng matandang Don. Walang lumabas na eksaktong location nito. Napailing siya sa parteng iyon, matinik talaga ang matandang ganid na lolo niya. Gumawa siya nang ibang paraan para makita ang location nito pero walang lumabas sa screen kaya nagtiyaga na lang siyang maghintay.
Busy siya sa paghigop sa sabaw ng cup noodles nang matanaw niya ang isang mamahaling kotse na paparating. Tumalim ang tingin niya nang huminto ito sa harap ng Jukka's Empire Properties at mula ro'n ay lumabas ang lalaking naging sanhi lahat ng takot niya. Hindi pa man ay pinanlamigan na siya ng katawan. Ilang beses niya itong nakita sa television at balita pero iba pa rin ang impact nito sa kaniya. Nakakatakot!
Isang matandang lalaki na masasabi ng lahat na subrang bait ayon na rin sa ngiti nito na binibigay sa lahat na bumati. May tungkod itong hawak pero alam niyang hindi ito basta-basta tungkod. Isa itong improvised na baston na isa sa malakas na uri ng baril.
Kalma lang Jacky, kalma. Hindi tayo mananalo sa takot mo. Pinilit niyang pagaanin ang sarili pero habang ginagawa niya 'yon, mas lalo lang siyang kinain ng takot at kaba. Nagsimulang magtubig ang kaniyang magkabilang mata sa hindi niya alam na dahilan kaya agad niyang binawi ang tingin kay Don Jukka.
No, she can't do it. She needs more time. Mahabang oras! Hindi sapat ang dalawang taon na nasa Isla siya ni Yx para maging handa at tanggalin takot niya. Hindi salat iyon para ipaghiganti niya ang buhay ng namatay niyang magulang. Hindi pa sapat dahil siya mismo ay kinakain ng sarili niyang kahinaan. Natatakot siya iyon ang totoo!
"Ha?!" Bigla siyang napatayo sa subrang gulat nang hawakan siya ni Theon sa balikat.
"You're shaking." puna nito at sinuyod siya ng tingin.
Saka lang niya napansin ang sarili na nanginginig nga siya. Agad niyang pinahiran ang luhang pumatak sa mga mata niya. Yes, she admitted it. She's shaking and the thought of her na kaya niya itong patayin ay biglang naging malabo.
"I-I'm not!" Mabilis niyang naisilid ang laptop sa kaniyang bag at nagmamadaling lumabas.
Napatingin naman si Theon sa kaniya at lahat ng gusto nitong sabihin ay naiwan sa ere. Hindi na ito sumunod, hinayaan siya nitong makalayo at nakadagdag ng ginhawa sa kaniya iyon.
Sa isang simbahan siya bumagsak at nanghihinang pumasok. Nanginginig pa rin ang kaniyang buong katawan at kailangan niyang hamigin ang sarili bago siya uuwi. Agad siyang yumuko nang nasa harapan siya at nakipag-usap sa Diyos.
God, grant me the strength I need. Buhay ang papatayin ko, buhay na kailangan maunang masunog sa impyernong ginawa mo para sa mga kasamaan!
"Kung sa tingin mo ay tama ang gagawin mo at alam mong ikakapamak ng sarili mo anak, 'wag mo na ipagpatuloy. Hindi lahat ng mali ay pwede mong itama sa sarili mong paraan."
Natigilan siya bigla at awtomatikong nagtaas ng tingin. Isang Pari ang nasa kaniyang harapan at nakangiti. Nahihiyang ngumiti siya rito at mabilis na nagpaalam. Ito ang kauna-unahang pumasok siya sa simbahan at kung siya ang tatanungin, hindi na mabilang sa kamay ang taong pinatay nila ni Abhaya kaya wala siyang karapatan humarap sa Diyos at humingi ng tulong dito.
Tumambay siya sa ibang lugar, nasa isang rooftop siya ng isang building at mula rito malaya niyang na-access ang mga lugar na hindi pwedeng pasukin. Pinag-aaralan niya sa kung anong paraan pwede niya patayin ang matanda na hindi siya pangunahan ng takot.
Kumunot ang kaniyang noo nang may nag-pop na messages sa windows ng laptop niya. A message from Yx.
'12:00 clock.'
Mabilis siyang napatingin sa wristwatch na suot, 20 minutes at mag-alas dose na. Wala na siyang sinayang na oras, tinakbo niya ang elevator pababa. Kailangan niyang makausap si Yx at tanungin kung ano ang nangyayari sa taong binabantayan nila ni Abhaya at kung nasa'n ang mga ito.
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBY
General FictionWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Kasal si Theon kay Amara pero kahit kasal sila, hindi siya makuhang mahalin ng babae. Hindi siya kayang mahalin nito dahil iisang lalaki lan...