Chapter 18 - "Who Are You?"

27.3K 861 42
                                    

"A-about la-last night—" hindi siya pinatapos nito.

"Don't move, you're totally swollen right now."

Awtomatikong napaligon siya sa sinabi nito. Nagulat siya nang biglang pinangko siya nito at parang bata lang siyang pangko-pangko nito. Naguguluhan siya bigla, anong nangyari?! Hindi naman yata lasing si Theon? Dinala siya nito sa banyo at may pag-iingat na nilagay sa bathtub. She expected that Theon will get mad and throw harsh words toward her.

Hindi siya makahuma nang ito ang nagpaligo sa kaniya. Maligamgam na tubig ang gamit nito at may pag-iingat bawat galaw nito. Namumula ang kaniyang buong mukha na nakatalikod siya rito, marahan niyang niyakap ang sarili at hindi niya magawang magsalita sa subrang hiya. Ang lalaki ngayon ang nagpaligo sa kaniya at naglagay ng shampoo sa buhok niya. Pakiramdam niya ay para siyang naging mannequin na hindi alam kung ano ang gagawin, kung pipigilan ba ito at pakiusapan na siya na lang ang maliligo mag-isa.

"A-ako na... Kaya ko maligo mag-isa," sa wakas nasambit niya rin.

Natigilan ito at napabuntunghinga. Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa at ang tanging maririnig lang ay ang malakas na lagaslas ng tubig.

"Okay, call me when you're done."

Nakahinga siya ng maluwang nang tumayo ito at iniwan siya. Anong nangyari? Bakit nag-iba ang ihip ng hangin? Isinantabi niya muna ang isiping iyon at nagmadaling maligo. Kailangan niyang umalis sa bahay na ito. Nakasuot siya ng bathrobe nung paika-ikang lumabas siya ng banyo at halos atakehin siya sa puso nang makitang nasa tabi lang ito ng pintuan at matamang naghihintay sa kaniya. Walang sabing pinangko siya nito. Napanganga na lang siya at tulad kanina, naiwan lang sa ere ang kaniyang gustong sabihin.

Inayos nito ang pagkain sa kaniyang harapan, nasa terrace sila. Walang salitang lumabas sa bibig nito, basta lang siyang inasikaso nito at lahat ng mga pagkain na nasa kaniyang harapan ngayon ay masasarap pero bakit hindi yata niya na-appreciate ang mga ito? Halos hindi niya magawang galawin ang kutsara at tinidor. Hindi rin niya makuhang tingnan sa mga mata ang lalaking nasa harapan niya ngayon.

"You're a virgin," saad nito sa mahinahong tono.

Napakagat labi siya. Hindi niya magawang kapain ang boses.

"Then why did you give it to me?" deritsa siyang nitong tinitigan, "tell me Jackylyn, did I forced you last night? Did I—"

"No." pinutol niya ang sinabi nito at lakas loob na tinitigan ang lalaki. "Kalimutan natin pareho ang nangyari, aalis na rin ako ngayon. Let us say na bayad ko iyon sa lahat ng nagawa mo sa'kin."

"Fuck!" Napatayo ito at galit na tiningnan siya.

Natakot siya sa kislap ng galit sa mga mata nito.

"Then why the hell you let me took your fucking virginity! I'm a married man! Mahal ko ang asawa ko at..." sandali itong tumigil at huminga ng malalim. Kitang-kita niya ang paglabas ng mga ugat sa leeg nito sa pinipigilan galit. "it's my fault as well. Lasing ako kagabi, I don't remember anything. Fuck! Fuck! Maybe I really used forced on you. Fuck!"

Magsasalita pa sana siya pero binagsak na nito ang kutsara't tinidor na hawak nito, derit-deritsong nagtungo ito sa loob ng kabahayan at iniwan siya sa terasa mag-isa. Nanubig ang kaniyang mga mata pero agad din niyang kinurap-kurap iyon para hindi bumagsak. Ngayon pa lang ay nasaktan na siya.

Wala na siyang ganang kumain, ang tanging gusto lang niya ay makaalis nang tuluyan ngayon araw. Masakit ang kaniyang buong katawan na parang binugbug siya nang ilang kalalakihan pero pinilit niyang tumayo sa sariling paa at nagpalit ng kasuotan. Tanging kamay lang niya ang ginamit niya sa pagsuklay sa magulo niyang buhok. Sandali siyang umupo sa sofa at huminga ng malalim, hinintay niyang bumaba si Theon pero mukhang umalis na yata ito kaya aalis na lang siya. After all, nakapagpaalam na siya kanina.

"You'll be staying here for months."

Nagulat siya sa biglang pagsulpot ng presinsya nito galing sa kung saan. But wait, tama ba ang narinig niya or nabibingi lang siya?

"We'll wait until I make sure I never impregnated you. Stay here Jackylyn till I say you can go."

Doon lang nag-sink in sa isipan niya ang posibleng mangyari. Kinabahan siya sa nangyari pero tumango siya nang hindi niya alam. Dahil ba sa pinakiusapan siya ni Theon na huwag umalis o dahil ba sa sinabi nito na posibleng mabuntis siya nito. Kahit magbunga 'yon, impossible naman na panagutan siya. Hindi rin siya dapat magtagal dito sa penthouse, anytime ay mahahanap siya ng mga tauhan ng kaniyang lolo. Her grandpa is a wicked and unscrupulous old man. He had his own ways of finding her kaya isa sa plano niya ay magpa-retoke ng mukha para hindi na siya tuluyan mahanap ng mga ito but hindi na yata niya magawa 'yan ngayon, she lost her money and all of her documents. May kopya siya ng mga documents pero hindi niya kakailanganin 'yon in the future, sooner she'll be changing everything including herself. Ngayon? Malabo.

HABUL niya ang kaniyang hininga nang nagtago siya sa likod bintana kung saan may makapal na ring curtain na nakaharang. Zerus was here in front of the door, kasama ang tatlong lalaki. Palingun-lingon ang mga ito ngayon at mukhang may hinahanap at alam niyang siya ang sadya ng mga 'to. Kakaalis lang ni Theon at tulad ng napagkasunduan nila, mag-stay siya pero mahirap yatang gawin iyon.

"Boss dito ba talaga siya tumakbo? Restricted area ito ni Mr. Willoughby, baka madali kami."

Kahit papaano ay narinig niyang sabi ng isang kasamahan nito. Siguro ay tauhan din ito ng matandang Don. Sa dami ng tauhan nito at ang iba ay assassin, hindi na siya nagtaka.

"I know but according sa cctv footage, dito siya tumakbo. Hindi ko lang nasundan kahapon dahil pinapunta ako ni Don Jukka sa mansiyon."

Diyos ko! Napatuptup siya ng bibig. Paniguradong alam ng mga ito na nandun siya sa loob at what if magtatanong ito sa lalaki at sasabihin na andun nga siya?! Hindi. Hindi siya pwedeng bumalik ng mansiyon! Malayo na ang tinakas niya kaya sasagarin niya na. Mababaliw lang siya kapag binalik pa siya ulit sa apat na sulok ng kaniyang silid.

"What took of you here?"

Napakunot noo siya nang marinig niya ang boses ni Theon. Akala ba niya umalis na ito?! Nasindak siya sa isipin na isusumbong siya nito sa mga ito. Diyos ko! Hindi pwede ngayon, wala siyang lakas para tumakbo at makipaghabulan na naman. Biglang natuliro ang kaniyang isip kung ano ang gagawin kung sakali na ituro siya nito na ando'n siya.

"We're looking for a woman," mabilis na sagot nito.

"A woman?"

Bumagsak ang mga luha niya ng sabay-sabay. Nagsimula na naman siyang mangatal sa takot. Ang tagal niyang namuhay sa takot at hanggang ngayon ay takot pa rin siya.

"Yes. Nakita ko siya na tumakbo rito sa taas. Baka nandito siya sa penthouse mo, nagtatago."

Hinintay niya ang kasagutan ni Theon, dito nakasalalay ang kaligtasan niya ngayon. Kahit sabihin pa na magtago siya, pag sinabi nito na magkasama nga sila. She's game over.

"If she's here, I already fucked her in and out. Besides, restricted area ito. Baka tumakbo siya papuntang fire exit. Check for it. You know I hate trespassers."

Natahimik naman ang mga ito at parang napahiya. "Yes, we're sorry then. Boys let's go!"

Napahinga siya ng maluwang nang marinig ang papalayong yabag ng mga ito. Salamat naman! Akala niya isusumbong siya ng lalaki sa mga ito. Nanghihinang napaupo siya sa sahig at agad pinahiran ang luhang nagsimulang umusbong.

"Who are you?"

Napatingin siya sa bagong pasok at kitang kita ang mga mata ni Theon na puno ng pagtatanong. Sasabihin na ba niya? Napakagat labi siya at pinagkuskus ang mga kuku sa kamay sa hindi alam na gagawin.

"Forget it," ito rin ang sumagot sa tanong nito. "I have my own ways. I should go now. Call me kung kailangan mo ako." tiningnan nito ang suot na relo at sinara ulit ang pintuan.

Napasunod ang kaniyang tingin sa lalaki at napabuntunghinga na lang siya. Alam niyang simula pa lang ang lahat at kailangan niyang maghanda-handa.

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon