Kunwari napatili siya ng malandi nang bumukas ang pintuan at kunwaring natumba. Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagsalo ng lalaking target niya nang gabing iyon. Lihim siyang napangisi, its her chance! Once dadalhin siya nito kasama sa mga babae nito sa silid, magagawa niyang kitliin ang buhay nito nang walang kahirap-hirap na 'di malalaman ng mga tauhan nito.
"Tämä kaunis nainen?" Who's this beautiful lady? Tanong nito agad. Biglang umayos ang mga tauhan ng lalaking target niya at kunwari hindi siya nakikita.
Wait, Finnish language?! Biglang sumikdo ang dibdib ni Jackylyn at nang lingunin niya para makita ang kabuuang mukha ng kaniyang lalaking target, nagulantang siya sa nakita. Paska!
Nagsimulang manginig ang kaniyang katawan pero nakuha niyang ngumiti ng subrang tamis sa harapan nito. Hindi pa man, nandidiri na siya mula sa pagkakahawak nito sa kaniyang beywang. Nakakadiri!
Ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay ang lalaking binentahan ng matandang Don sa kaniya. Ang lalaking bumili sa kaniya sa halagang billion. Gusto niyang matawa sa isipin sagad sa kapangitan ang lalaking nasa harapan niya at kung bakit ito ang kaniyang naging assignment. Ang nakakapangit lang kasi, walang picture ng taong papatayin niya. Ang tanging description lang ay isa itong Drug Syndicate.
"Sinun nainen tänään, kulta." Your woman for tonight, honey. Malanding pagkakabigkas niya at marahang pinadausdos ang kamay sa balahibo nitong katawan.
Gusto niyang sumigaw nang 'alcohol please' sa subrang pandidiri sa ginawa but she acted more confident. Dapat hindi siya sumabit dahil dalawa lang patutunguhan nito, its either ito ang mapapatay niya o siya ang magpapatay ngayon gabi. Tough choice, isn't it?
Matagal siya nitong tinitigan at halatang tinitimbang nito ang kaniyang sinabi. Sa huli ay ngumisi ito at niyaya siya sa loob ng silid kasama ito. Successful ang pang-aakit niya. Demonyong napangisi siya sa isipin mapapatay niya itong walang anuman hirap.
Hinanda niya ang maliit na kutsilyong nakaipit sa belt niyang suot. Kasingliit lang ito ng kaniyang thumb finger at isang dangkal ang haba pero hindi basta-basta kutsilyo ang hawak niya, may lason ang katawan nito. Hindi naman halatadong handang-handa siya.
Ang mga babaeng kasama nito ngayon ay nakahubad na lahat at naghihintay sa lalaki, lahat pulang-pula ang mata at halatadong kagagamit lang ng mga babaeng bayaran ng cocaine. Nangangalaiti siya sa bahaging iyon! Dapat talaga pinapatay at sinusunog ang mga ganitong klaseng tao. Peste kasi!
"Why not try to take off your clothes, slut?" pabulong na tanong nito.
Nahigit ni Jackylyn ang hininga nang maramdaman ang dulo ng baril sa kaniyang leeg. Ito na nga ang kaniyang sinasabi, hayop! Pinilit niyang kumalma at nang-aakit na ngumiti rito.
"I will honey but throw your gun please? You're making me like you more."
Gusto niyang masuka sa sinabi. Nakakadiri subra! Gustong gusto niya ng magmugmug ng alcohol at mag mouthwash ng sanitizer.
Ngumiti lang ito ulit at sinunod ang kaniyang sinabi. Hinagis nito sa sofa ang baril at nauna itong humakbang sa kaniya para dumulog na sa kama pero hindi niya na hinintay na makalayo ang lalaki. Mabilis niyang binunot ang kutsilyo at dinunggaban ito ng saksak sa likod.
"Ei niin nopea narttu!" Not so fast bitch!
Nagulat siya sa pagbiglang harap nito at pinigilan ng isang kamay ang pag-atake niya. Hindi siya kasinggaling ng kaniyang kaibigan, pero hindi siya mahinang nilalang. Alam niyang tama ang distansya at timing na kaniyang ginawa para hindi malaman nito ang plano niyang pagsaksak. Anyway, nandito na 'to. Ang kailangan niya ay depinsahan ang sarili kahit anong mangyari.
"Well, 'wag kang mag-alala papatayin kita." tumalim ang kaniyang mga mata na nakatingin dito at agad binitawan ng kamay niyang may hawak na kutsilyo at sinalo ng isa niyang kamay. Mabilis niyang naisaksak dito habang tilian naman ang mga kababaehan sa isang tabi sa subrang takot.
Napamura siya nung huliin nito ang kaniyang isang kamay at inikot para balian. Napangiwi siya sa sakit lalo na nung nabitawan niya ang hawak na kutsilyo at bumagsak ito sa carpeted na sahig. Hindi niya napuruhan ang lalaki, dumaplis lang sa tagiliran nito ang ginawa niyang saksak. Not bad para sa taong kagaya nitong hayop!
Napaluha siya sa sakit ng huliin nito ang kaniyang leeg habang hawak nito ang kaniyang isang kamay. Matangkad ito at malaki ang katawan. Kayang kaya siya nitong ipalipad sa hangin at balian ng buto sa pamamagitan lang ng kamay nito. Napaubo siya. Mahigpit na mahigpit ang pagkahawak ng kamay nito sa kaniyang leeg at ilang segundo lang ay babawian siya ng hininga.
Th-theon!
Out of nowhere nabigkas niya ang pangalan nito sa isipan. Bumagsak ang luha sa kaniyang mata at bago pa siya pawian ng buhay, malakas siya nitong tinapon sa isang tabi. Napaigik siya sa sakit ng tumama ang kaniyang likod sa paahan ng mesa. Napasunod ang kaniyang tingin dito nang marahan itong humakbang patungo sa baril nitong hinagis sa sofa.
No!
Kailangan niyang maunahan ito bago siya nito mapatay. Marami na siyang pinagdaanang sakit at takot sa buhay, hindi pwedeng sa kamay lang siya nito mamatay. Hindi matatanggap ng isip niya iyon. Mabilis niyang tinakbo ang kutsilyong nasa sahig kahit namimilipit pa siya sa sakit.
"Killing you isn't my thing, but I won't let a slut kill me." kalmadong saad nito at humarap sa kaniyang hawak ang baril.
Eksaktong mahawakan niya na ang kutsilyo nang biglang umalingawngaw sa buong paligid ang putok ng baril. Nagsitilian ang mga kababaehan at nagsitakbuhan sa labas habang siya ay biglang na-freeze sa pagpulot ng kutsilyo. Pinakiramdaman niya ang sarili, wala siyang naramdamang sakit pero biglang nanlalabo ang kaniyang paningin sa luha. Patay na bumagsak ang lalaki sa kaniyang harapan. Dilat na dilat ang mga mata nitong nakatingin sa kesame habang nakabaon ang bala ng baril sa lalamunan.
God! Nanginginig ang kaniyang katawan at sunod-sunod bumagsak ang mga luha sa kaniyang mata. Muntikan na siyang nadali ngayong gabi.
"Jacky!"
Natigilan si Jackylyn sa paraan ng pagtawag sa pangalan niya. Its Yx, its Yx, okay? Ito lang ay posibleng tutulong sa kaniya sa assignment na binigay nito. Imposibleng si Theon ito ang tumawag sa kaniyang pangalan, subrang malaking imposible!
"You okay?"
Nanghihinang napaupo siya. Ang lalaking walang ibang nasa harapan niya ay si Theon; may hawak na baril at nakasuot ng cap at jacket. Napaluha siya lalo! Hindi niya alam kung anong sasabihin nang mga oras na ito sa pagbiglang sulpot at pagtulong sa kaniya.
"Let's get outta here." Inakay siya nitong makatayo.
"Bakit ka nandito!" Hindi tanong iyon, sumbat. Sinusumbatan niya ang palaging sulpot nang sulpot nito sa buhay niya.
Hindi ito sumagot sa tanong niya. Tiningnan lang siya ng maigi at pinahiran ang mga luhang pumatak sa kaniyang mata. "Let's get out of here. Ilang minuto lang ay darating na ang mga pulisya at ayaw mo naman sigurong makitang madatnan ka rito, 'di ba?"
Natahimik siya sa sinabi nito. Okay, saka niya na ito tatanungin kapag nakaalis na sila pero bago iyon, binalikan niya ang baril at gamit sa silid kung saan iniwanan niya ang mga ito.
Nagulat din siya nang makitang nagkalat ang mga taong halos walang buhay sa pasilyo. Halatang lahat ay tulog at wala ni isang dugo mula rito. Napatingin siya sa kay Theon at ni isang galos, wala itong nakuha. Biglang pumasok ang maraming katanungan sa kaniyang isip. Sino ba talaga ito?
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBY
Fiksi UmumWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Kasal si Theon kay Amara pero kahit kasal sila, hindi siya makuhang mahalin ng babae. Hindi siya kayang mahalin nito dahil iisang lalaki lan...