"Bring Jaakkina to her new room." Utos ng matandang lalaki na nagpakilala kay Jackylyn sa mga tauhan nito. Agad siyang nilapitan ng dalawang lalaki na malalaki ang katawan at pinasan ng isa nung hindi siya gumalaw sa kinatatayuan.
Isang napakalaking kwarto ang pinagdalhan sa kaniya at nagmistula itong isang princess room na lagi niyang napapanood sa Barbie Movie. Matapos siya nitong iwanan sa subrang laking kama, iniwan siya ng mga ito at ni-lock ang pinto mula sa labas. Nayakap na lang niya ang sarili at tahimik na umiiyak habang tinatawag ang ina na tulungan siya. Para siyang sisiw na naliligaw at hindi alam kung saan pupunta. Bata lang siya pero alam niya na ang nangyayari at ang tumatak sa isipan niya ay nasa kamatayan ang buhay niya. Nakatulog siya na umiiyak at nung magising siya, magang maga ang kaniyang mga mata at may dalawang babaeng katulong na nakatayo sa paanan niya. Nakasuot ang mga ito ng uniform at nakayuko.
"Magandang gabi senyorita. Hinihintay na kayo ng lolo mo sa hapagkainan para sabayan siya sa hapunan." Nakayuko pa rin na sabi ng isa.
Mabilis siyang umayaw, hindi siya nagugutom at ayaw niyang kumain. "Hindi po ako nagugutom."
"Maawa ka sa'min senyorita, 'pag 'di ka bumaba kami ang malilintikan ni Don Jukka."
Naalala niya bigla ang mamang humandusay kanina. Bigla siyang nanginig sa takot na maulit iyon kaya kahit ayaw niya, wala siyang magawa kundi ang sumunod sa sinabi ng dalawa. Parang may handaan sa napakaraming pagkain na nasa mesa. Nasa dulo ito at limang lalaking nakaitim at nakasumbrero ang nasa likuran nito nakatayo. Kumakain na ito nang dumating siya pero nang makita siya, tumigil ito at ngumiti na hindi abot sa mata.
"My beautiful grandchild!"
Napakagat labi siya at yumuko. Walang salitang gustong lumabas sa kaniyang bibig. Inalalayan siya ng dalawang katulong na umupo sa kabilang bahagi mga isang dipa ang layo mula sa matandang lalaki. Mabilis siyang inasikaso ng dalawang maid at nilagyan ng pagkain sa kaniyang plato. Marahan bumagsak ang luha sa kaniyang mata habang nanginginig ang kaniyang kamay na sumubo ng pagkain. Masasarap lahat ang mga ito pero walang lasa lahat iyon pagdating sa kaniya.
"Stop crying in the middle of our dinner. I hate wimpy." Biglang bagsak nito sa kutsara at deritsong tumingin sa kaniya.
Napayuko siya at agad na pinahiran ang mga luha. Pinilit niyang maging okay sa harap ng lalaking nagpakilala sa kaniya na lolo niya. Saka lang siya nito pinayagan bumalik ng kwarto niya nung natapos niya ang kaniyang pagkain.
"Ate tulungan niyo po akong makaalis dito! Hindi ko po siya tunay na lolo, pinatay niya ang nama ko!" pumalahaw na naman siya ng iyak sa dalawang katulong nang ihatid siya ng mga ito pabalik. Walang sinabi ang kaniyang ina na may lolo't lola siya. Ang sabi lang nito, sila lang dalawa. Wala rin siyang amang nakagisnan.
Awang-awa na tumingin sa kaniya ang isang babae at hinamplos ang kaniyang buhok. "Ineng, tulad mo priso kami ng mansiyon na ito. Hindi ka namin matutulungan ng kapatid ko kahit gustuhin man namin na maalis ka rito. Isa lang kaming hamak na anak ng magsasaka na pinaginterisan ni Don Jukka ang lupain para pagtayuan ng casino at kami ang ginawang pain sa mga magulang namin para pumayag ang aming ama pero tulad mo, pinatay rin siya at heto kami, nakakulong tulad mo."
"Pasensya ka na, ha." Naluluhang saad ng kasama nito at iniwan na siyang mag-isa sa loob ng silid na iyon.
Napaiyak siya lalo at nanalangin na sana isang masamang panaginip lang ito lahat. Na pagkatapos nito ay nakangiting mukha ng kanyang ina ang sasalubong sa kaniya at kikilitiin siya hanggang sa babangon siya sa kama dahil maaga pa siyang papasok sa school.
Simula sa araw na iyon nagbago ang lahat. Lahat ng galaw at kilos niya ay nakamonitored. Lahat ng luho binigay sa kaniya,simula sa laruan mamahalin hanggang sa mga damit at sapatos na galing pa sa Finland. Doon din niya nalaman na isang Finnish ang matandang Don at mag-isa lang ito sa buhay. Siya lang ang tanging kapamilya tulad ng sinasabi nito kaya bawat galaw niya ay nakamonitored araw-araw. Para siyang isang prinsesang nakakulong sa mansiyon na hindi niya kailanman pinangarap. Mas gusto niyang isang normal na tao na hindi namumuhay sa takot at galit pero wala siyangmagawa. Tanging tango at sunod-sunoran lang siya sa utos ni Don Jukka.
Hatid-sundo siya sa private school na pinapasukan niya kasama ang dalawang bodyguard. Wala siyang naging kaibigan dahil na rin sa takot ng mga ito na lumapit sa kaniya. Kasa-kasama niya ang mga ito kahti sa klase, nakikinig din. Nung nag-highschool na siya, may naglakas loob na i-bully siya. Tatlong babae at inambangan talaga siya nung nasa restroom siya at pinagtripan siyang gulpihin ng mga 'to. Pagkatapos no'n, naging missing ang tatlong babaeng bumugbog sa kaniya nang araw na iyon kaya mas lalong wala ng gustong lumapit sa kaniya, kahit maging ka-seat mate sa loob ng room. Minsan din niyang sinumbat sa matanda ang bagay na ito pero tinawanan lang siya at sinabihan walang pwedeng manakit sa katulad niyang galing sa pamilyang Rokassowskij.
Ilang beses din niyang sinubukan na tumakas sa mansyon pero hindi siya nagtatagumpay, laging postponed ang plano niya. Medyo nakakahinga lang siya ng maluwang kapag wala ang matandang Don at nasa ibang bansa. Hindi niya kasi alam paano pakiharapan ito, dahil maliban sa malaki ang takot ang kaniyang nararamdaman... hindi matatawarang galit din na mas lalong lumaki araw-araw. Nakakalabas lang din siya nang mansiyon kung may mga bodyguards siyang kasama pero mas pinili niyang sa loob lang siya ng mansiyon.
Sa takot niya kay Don Jukka, subsub sa pag-aaral siya. May private tutor din siya gabi-gabi at nung minsan hindi niya na kinaya ang lahat ng pressure at pag-iisa, sumubok siyang magbigti. Pero naagaapan siya ng dalawang maid na si Lolita at Loida nung minsan pumasok ito sa kaniyang silid gamit ang master key. Maraming maid sa bahay na iyon at maraming goons pero lahat ng iyon ay ilag sa kaniya at laging may distansya. Halos hindi niya nga naaalalang kinausap siya ng mga ito. Para siyang may sakit na iniiwasan ng mga kaklase niya pero sanay na siya na ganun ang turing ng mga estudyante sa kaniya.
Sa ilang taon na nagdaan, dahan- dahan niyang nalaman na may ari si Don Jukka nang isang illegal business na isang Black Arms Trade. Isa itong organization for illegal arms transactions sa iba't ibang panig ng mundo mostly sa Russia kaya nung isang araw na may nakita siyang maraming klase-klaseng baril sa loob ng mansiyon na dala ng mga tauhan ng matanda, doon niya tuluyan naisip na isang syndicate ito. Hindi ito palagi sa mansiyon at lagi itong wala, kung bumalik ito galing sa ibang bansa ang daming mga material na bagay ang binibili nito sa kaniya na halos kulangin ang kaniyang kwarto sa subrang dami pero hindi niya nagagamit. Natatambak lang ang mga iyon sa bodega kahit gusto niyang ipamigay pero wala naman gustong tumanggap ng galing sa kaniya.
Taon-taon may namamatay na tauhan ng Don at hindi na bago iyon kay Jackylyn, nasanay na rin siya na may binabaril ito kahit nasa harapan siya or nasa hapagkainan sila. Si Don Jukka ay isang napakasamang tao na dinadasal niya gabi-gabi na kung hindi ito mamatay ay sana makawala na siya sa lugar na iyon. Napipilitan lang siyang tawagin itong lolo sa tuwing kaharap ito pero ang totoo, demonyo ang tingin niya sa matanda.
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBY
General FictionWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Kasal si Theon kay Amara pero kahit kasal sila, hindi siya makuhang mahalin ng babae. Hindi siya kayang mahalin nito dahil iisang lalaki lan...