Nagpapahinga si Jackylyn nang pumasok si Theon at may dalang tray na puno ng pagkain. Do'n lang din niya naramdamang gutom na siya kaya hindi niya hinintay na sabihin nitong kumain siya. Eksaktong pagkababa nito sa dalang tray ay nilantakan niya na ang mga iyon.
"Dahan-dahan lang baka mabulunan ka," paalala nito.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Oras na maka-recover siya, aalis din siya sa poder nito. Hindi siya pwedeng magtagal sa lalaki. Kailangan niya pa kontakin si Yx at alamin ang kalagayan ng kaibigan niya.
"Mas lalo kang gumanda."
Nasamid siya. Agad nitong inabot sa kaniya ang tubig at mabilis niyang nilagok iyon. Matagal niya ng alam na maganda siya. Kung dati ay wala siyang confident na ipagmayabang iyon, ngayon ay mas mataas ang confident niya sa sarili. Knowing Yx taught them in battle field to fight, stand on their own and build their confidence to the highest.
Timunog ang cellphone nito, sandali itong nag-excuse para sagutin ang tawag. Nagpatay malisya naman siya pero sa lalaki nakatuon ang kaniyang buong atensyon at sa kausap nito. Asawa ba nito ang kausap? Babae? Lihim niyang pinilig ang ulo, what's wrong with her?
"Yeah, I mean I'm Jackylyn right now," sumulyap ito sa kaniya. "Where can we meet? Nakuha mo ba lahat ng gusto ko? Okay good, I'm going." Pinatay nito ang tawag saka tumingin sa kaniya.
Hindi niya pinansin ito. Inuna niya ang pagkain.
"I'm going."
Hindi rin siya tumango at hinayaan si Theon. Nang mawala na ito sa kaniyang paningin, agad niyang pinagtatanggal ang mga swerong nakasabit sa kaniya. Hindi niya na kailangan ang mga bagay na ito, kailangan niyang umalis at hindi puso niya ang laging masusunod. Hindi nga niya alam kung bakit niligtas siya ng lalaki pero ayaw niya nang alamin.
Sumilip siya sa bintana nang silid na iyon. Nakita niyang nakaalis na ang lalaki. Huminga muna siya ng malalim at tinungo ang pintuan. Tulad kanina, may mga bantay pa rin do'n. Agad niyang binigyan ng tig-iisang surpresa ang mga ito. Tulog na bumagsak ang dalawa.
Masakit pa rin ang mga sugat niya but she need to run away this time. Kinapkapan niya ang mga ito at kinuha niya ang cellphone ng isa at ini-dial ang number ni Yx habang tinatahak ang pasilyo. Good thing at walang nakabantay sa pasilyo kahit na sa labas ng mansiyon, wala.
Pero hindi niya inalala ang bagay na iyon, mabilis siyang sumakay sa isa sa mga sasakyan naro'n. Hindi na rin siya nahirapan paandarin iyon dahil alam niya kung paano galawin ang wiring. Malaya niyang binaybay ang daan nang walang inalala na meron susunod sa kaniya.
"Hello Yx?" bungad niya nang sumagot ito sa kabilang linya.
"Jackylyn?"
"Yes, its me-"
"Listen, don't call me. May nakikinig sa kabilang linya na hindi natin alam. Don't worry for your partner, she's doing okay. For now, you gotta hide yourself and that is your assignment." At nawala ito sa kabilang linya.
Bigla siyang napapreno sa kalagitnaan ng kalsada. Tama ba ang narinig niya mula kay Yx? May nangyari bang masama nung tulog siya? Dalawang linggo lang siyang tulog kaya posibleng may masamang nangyari sa mga ito pero alam niyang may isang salita ang lalaking leader nila. May tiwala siya kay Yx. Susundin niya ang utos nito.
Mabilis niyang tinapon sa gitna ng kalsada ang cellphone at pinasibad ang sasakyan. Huminto siya sa isang fastfood at pumara ng taxi. Sumakay siya at dumeritso sa inupahan niyang apartment na two storey na siya lang mag-isang nando'n.
Pumasok siya sa loob at kumuha ng pamasahe. After niyang mabayaran ang driver, dali-dali siyang tumakbo sa loob at nag-lock lahat pati bintana. Dalawang linggo na pagpahinga ay sapat na iyon sa kaniya. Binuksan niya ang kaniyang laptop at tiningnan ang location ni Yx at ni Abhaya pero hindi niya makita.
Napabuntunghinga siya at nagpasyang bumaba para magtimpla ng kape. Halos mapasigaw siya sa gulat nang bumungad sa kaniya ang hindi maipintang mukha ni Theon na nakaupo sa sofa. Nakapatong ang isang paa nito sa kabila at naka-cross arm. Kung hindi siya nagkakamali sa pagkakabasa sa kislap ng mata nito, galit na galit ito ngayon.
Umarte siyang galit sa presinsya nito at hinayaan ito na nakaupo sa sofa niya. Ano pa ba ang itatago niya? Sa cruise pa lang, nakilala na siya nito. Bakit ba kasi ang hilig mag-cross ng landas nilang dalawa. Nagtungo siya sa kusina at nagtimpla ng kape. Hindi siya nag-abalang tingnan ang lalaki na nakatingin sa kaniya. Nag-pretend siyang wala ito at hindi niya ito nakita. Hindi ito 'yong panahon na puro pagmamahal niya rito ang iisipin niya.
"I knew it, aalis ka."
Natigilan siya sa pagtimpla. Kaya pala ang bilis nitong sundan siya. Not bad.
"You're not fully recovered Jacky. Bakit ba ang hilig mo tumakas?"
Wait, bakit ito galit? Magkaano nga sila ulit? Anong pinagpuputok ng butsi nito?
Humarap siya sa lalaki nang matapos siya sa pagtimpla. "Look Mr. Willoughby, you saved my life and I thanked you for that. Now, can you leave in peace?"
Napatiimbagang ito at tumayo. "Okay, aalis ako but I'll be following you 24/7."
Nababaliw ba ito? "Hindi kailangan. Busy akong tao at kung ano man 'yong nangyari dalawang taon na ang nakaraan, kalimutan mo na 'yon please lang. Hindi ako nandito para lumandi at manatili sa poder mo so please leave." Binitbit niya ang kape at nagsimulang humakbang patungong hagdanan. Nasa ikalawang palapag ang kaniyang kwarto.
Narinig naman niya ang malakas na pagsara ng pintuan at napahinga siya sa parteng iyon. Mukhang bukas na bukas din ay kailangan niyang umalis sa pamamahay na ito at maghanap ng ibang matutuluyan.
Bumalik siya sa study table kung sa'n nando'n ang laptop. Pagkakaalam niya, magkasama si Doc. Hayes at Abhaya. Agad niyang tiningnan ang location ng lalaki pero nadismaya lang siya, hindi niya makita. Kung sabagay, hindi niya kayang hukayin ang kung ano meron ito. Mas magaling ito sa kaniya pagdating sa cyber. Yx taught her a lot, including small cases up to big cases. Masasabi niya rin na hindi basta-bastang tao si Yx kaya mataas ang respito niya sa binata.
Naalala niya ang matandang Don. Paska! Agad siyang pumasok sa pinagbabawal na site, this time ay mas maingat at hindi siya mapapansin nang kahit sino kaya rito siya nilalagay ni Yx dahil may tiwala ito pagdating sa bagay na iyon.
Napailing-iling siya nang bumungad sa kaniya ang isang video kung saan dahan-dahan tinu-torture ang lalaki. Ito 'yung reporter na nangahas nagtanong sa matanda. Nakaupo ito sa silyang kahoy at pinapahirapan ng tatlong lalaki.
Damn! Sumusubra na talaga ang matandang iyon! Mukhang ito yata ang kailangan niyang bigyan ng unang pansin. Jackylyn grinned at that thought. Why not? The reason why she grow up with unbearable fears it's because of that old man. Pero sa tulong ng mga kasamahan niya sa isla kung saan tinulungan sila ni Yx, dahan-dahan nawawala ang mga takot na namamahay sa kaniya. Minsan-minsan bumabalik pero alam niya na kung paano hawakan ang kahinaan niya.
Perfect! Si Don. Jukka Rokassowskij ang una niyang patumbahin. Hindi niya mapapahinto ito kahit buong negosyo nito ang pabagsakin niya, mas mabuting ito mismo ang pabagsakin niya. Tama na rin ang kasamaan nito. 'Yung reporter ang gusto niyang huling biktima nito. May kasabihan nga na: 'Kung patay ang ugat, patay lahat ng sanga at bunga.'
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBY
Ficción GeneralWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Kasal si Theon kay Amara pero kahit kasal sila, hindi siya makuhang mahalin ng babae. Hindi siya kayang mahalin nito dahil iisang lalaki lan...