Eksaktong pagmulat ng mata ni Jackylyn, isang banyagang silid ang nagisnan niya. Napaupo siya at pinilit alalahanin ang nangyari. Saka lang niya naalala na may mga armadong kalalakihan ang sumugod sa apartment niya—sumikdo ang puso niya nang biglang bumukas ang pintuan at hindi niya napaghandaan ang pagbiglang pasok ng isang taong hindi niya inaasahang makita.
"Welcome home Jaakkina," subrang lamig ng boses nito na pumuno sa apat na sulok ng silid.
Nangatal ang buong katawan niya habang nakatitig dito. Sunod-sunod na pumatak ang luha sa kaniyang mga mata at nagsimula siyang kinain ng kaniyang kahinaan. Ang nasa kaniyang harapan ay ang walang iba kundi ang matandang Don at kasunod nito ay mga tauhan. May hawak itong kopita ng wine at kalmadong sumimsim do'n habang tiningnan siya na puno ng pang-uuyam.
"H-how... H-how did you find me?" nanginginig ang kaniyang labi nang tanungin niya ito.
Napuno ng halakhak ng matanda ang buong silid at marahang humakbang patungo sa sofang nando'n. Magarbong umupo ito at pinaikot-ikot ang iniinum na wine sa kopita.
Hindi niya alam kung ano ang plano nito pero ngayon nasa poder siya ng demonyong lolo niya, isa lang ang pumasok sa isipan niya, she's in dead end. Its either she will fight for her life, or be killed by his grandfather.
"Jaakkina dear... Tsk tsk..." tumalim ang mga mata nitong tumingin sa kaniya, "You think I didn't know?" At ngumisi ito ng nakakainsulto.
Hinamig niya ang sarili at nagawa niyang kontrolin ang takot niya para rito. Biglang tumigas ang kaniyang anyo at napatingin sa matanda na nang-uuyam ang kaniyang mata. "Of course alam kong alam mo LOLO."
Tumigas ang anyo nito. "How dare you to infuriate me!" tumaas ang boses nito at galit na tumayo. "Killing him doesn't mean you're free. Pinagbigyan ka lang ng mabait mong lolo na magpakasaya sandali sa labas, I know how boredom hits my beautiful granddaughter so I let you roam. Of course you knew how powerful I am. I can move mountains and hills. Thank goodness for Zerus, my faithful servant. He lead the way to where you belong." Bumalik ito sa pag-upo at ngumisi.
Tulirong napatingin siya sa mga tauhan nito at nakita nga niya si Zerus, nakangisi na nakatingin sa kaniya.
"You trusted the wrong person," may pang-uuyam sa boses nito. "Theon Willoughby."
Parang binagsakan siya ng langit at lupa sa nalaman. Paano? Hindi malaking impossible 'yon. Niligtas siya ng ilang beses ng lalaki at sabihin na natin na mali ngang nagtiwala siya rito pero imposible ang sinabi ni Zerus na si Theon ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon sa harapan ng lolo niya.
"Good job Jaakkina. Pinatay mo ang bastardong hindi marunong sumunod sa kasunduan. 1 Billion for your price pero binawi ang pera ko without even giving me weeks and months to find you nang mamasyal ka sandali. But its okay, ngayon nandito ka, an auction will held sooner in Black Market for highest amount."
Hindi! Hindi pwede.
"Demonyo ka talaga kahit kailan! Demonyo ka talaga! Papatayin kita! I swear papatayin kita kahit lolo kita!" nangangalaiti siya sa subrang galit. Hindi siya nito pwedeng ibenta sa Black Market. Iba ang dadanasin niya sakali ro'n kung mabebenta at may bibili sa kaniya.
Isang malakas na halakhak ang pinakawalan nito at tumayo na. "Lock her at once and secured all the premises!" utos nito sa mga tauhan at nilisan ang lugar na iyon na sumisigaw siya sa galit.
Ilang oras siyang nag-isip nang kung anong pwedeng gawin para makatakas pero lahat na yata ng survival mode na tinuro sa kanila ni Yx sa isla ay walang silbi. Her only hopes is Yx. Oras na makita nitong nag-iba ang location niya ayon na rin sa suot niyang kwentas, malalaman ng lalaki kung nasaan siya.
Paska! Bakit nangyari 'to?! Totoo ba'ng sinabi ni Zerus na si Theon ang dahilan kung bakit siya nakita at nasundan? No, siguro naging careless lang siya. Shit, shit, shit! Nagiging careless lang naman siya dahil sa presinsya ng lalaki na laging sunod nang sunod sa kaniya. Nagiging mas vulnerable siya, mas mahina, mas madaling gibain.
Napatingin si Yx sa sa eksaktong location ni Jackylyn. Napakuyom siya ng kamao nang makitang nakuha ito ni Don Jukka. Siya ang nag-send sa dalaga ng picture nito para i-aware na masyadong halata ang pader na tinayo nito sa sarili, masyadong halatang natitibag na.
That message was an awareness from him. He thought Jackylyn would noticed that after all, magaling ito sa pag-analyse ng bagay-bagay that is why he let her handle the cyber stuff. Magaling ang dalaga at mabilis matuto kaya laging nakaagapay siya sa pagtuturo nito pagdating sa cyber world. Isa si Jackylyn sa pinakamahusay niyang hacker pero dahil sa presinsya ng isang lalaking kilala niyang Theon Willoughby, nawawala ang focus at concentration nito.
Mabilis ang kaniyang kamay sa pagtipa sa keyboard at ilang sandali lang ay nag-sending file na. He needs to do something! Nanganganib ang buhay ng dalagang minsan niyang niligtas mula sa malakas car accident. As her leader, karapatan niyang iligtas ang babae.
Yes, pinadala niya ito sa mission na dapat siya ang gumawa pero alam niyang kailangan ni Jackylyn mismo na makaharap ang lalaking bumili rito sa napakalaking halaga. Sinadya niyang ito ang pumatay para isang araw, makakaya nitong harapin ang lolo nitong kinakatakutan nito kahit aaminin man nito o hindi dahil alam niyang darating ang araw na magtatagpo ang landas ng dalawa.
Minsan lang talaga, nakakabaliw ang pag-ibig at hindi lingid sa kaniya ang nakaraan nito pero nanatiling tahimik at tikom ang kaniyang bibig. May kalayaan ang mga tauhan niya pagdating sa usapang puso but this time, kailangan niya nang manghimasuk.
Habang si Jackylyn naman ay paikot-ikot sa loob ng silid na iyon. Can't be! Hindi niya hahayaan ang matandang hayop na 'yon na ibenta na naman ulit siya! Aalis siya sa mansiyon na 'to by hook or by crook. Hindi siya binigyan ng pangalawang buhay para lang maging alipin lagi sa takot niya rito.
Hinamig niya muna sandali ang sarili, nagsisimula na naman kasi siyang manginig sa galit. Hindi makakabuti sa kaniya ang emosyon na 'yon kaya pinilit niya ang sariling kumalma. Isa siyang Rokassowskij, at ang dugong nananalaytay sa kaniya ay dugong kinasusuklaman niya kaya hindi siya pwede nitong ibenta sa kahit sino para sa pansarili nitong kagustuhan.
Nagulat siya nang biglang bumukas ang pintuan at kasunod no'n ay ang matandang Don at mga bagong kasambahay. Napakagat siya ng labi at pinipilit 'wag mapaiyak sa harapan nito nang mareyalisado niyang wala na ang dalawang katulong na isa sa mga tumulong sa kaniya para tuluyang makatakas sa impyernong kulungan niya.
Pinatigas niya ang kaniyang anyo nang tumingin sa matanda na may sungay sa ulo. "En halua nähdä kasvosi taalla." Ayuko makita ang mukha mo rito.
Hinithit muna nito ang cigarette pipe at bumuga sa hangin habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa baston. Hinintay nitong mawala ang usok bago ito nagsalita. "Valmista hänet kerralla! Hän tulee luokseni." Ihanda niyo siya ngayon din. Sasama siya sa'kin ngayon paalis.
Mabilis na tumalima ang mga babaeng katulong sa kaniya para bihisan siya pero mariin siyang umayaw at nagwala. Hindi siya sasama rito kahit anong mangyari!
"Patulugin ang batang 'yan," puno ng authority ang boses nito at sumenyas sa mga tauhan.
Ngumisi siya. Okay then, fine. Kung magpapatulog siya sa mga 'to. Mabilis niyang ginamitan ng martial arts ang mga nagtangkang lumapit sa kaniya. Apat ang napatumba niya habang nang-uuyam ang mga mata na nanonood ang matandang Don. Ngumisi ito habang humihithit ng sigarilyo.
"Enough with the presentation," anito.
Tumango ang limang lalaki na naka-steady lang sa isang tabi. Nung una napatumba niya ang isang lalaki pero dahil mas alam niyang magagaling ang mga 'to sa larangan ng martial arts, isang pisil lang ng isa sa batok niya... Agad siyang bumagsak na tulog.
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBY
General FictionWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Kasal si Theon kay Amara pero kahit kasal sila, hindi siya makuhang mahalin ng babae. Hindi siya kayang mahalin nito dahil iisang lalaki lan...