Chapter 12 - "Heart Shape"

24.7K 830 26
                                    

Pangatlong araw nila sa isla. Walang rescuer. Walang barko na dumaan. Walang naligaw na mangingisda. Wala lahat. Napapiksi si Jackylyn nang biglang gumuhit ang mataas na kidlat sa kalangitan at kasunod nito ay ang malakas na kulog. Kanina pa madilim at nag-alburuto ang langit pero ngayon lang ito tuluyan na nagalit. Malakas din ang hangin kaya 'yun kubol na gawa ni Theon ay naging kalansay, wala na ang pinangtakip nito at bubong. Agad siyang hinila ng lalaki sa braso at sinabihan umalis sila ro'n at maghanap ng masisilungan dahil ilang sandali lang ay uulan.

Hindi nagkamali ang lalaki, ilang sandali pa ay muling kumidlat at kumulog ng malakas kasunod nito ay pagbiglang bagsak ng ulan. Malakas iyon. Naabutan sila pero hindi gaano kabasa. Nasa bukana sila ng kweba at hindi niya alam paano nalaman ng lalaki na may kweba sa loob ng kagubatan. Siguro sa lagi nitong pagpasok-labas at nangunguha ng prutas. Gumawa agad ng apoy mula sa bato si Theon habang siya ay nakaupo sa isang tabi. Natatakot siya sa isipin na baka may masamang insekto at hayop na naninirahan sa loob.

"Take off your clothes. Magkakasakit ka." suhestyon nito nang makagawa na ito ng apoy.

Biglang naging okay ang palibot nung nilagyan na nito ng tuyong panggatong ang apoy. Nagtaka siya kung bakit parang may naka-arrange na mga panggatong do'n.

"S-sige lang, hindi naman siguro ako magkakasakit. Okay lang ako."

Hindi naman siya nito pinilit. Tumango lang ito at saka nagkwento. "I saw this cave yesterday. Naisip ko na tingnan at lagyan ng kahoy just in case the storm will haunt us again, hindi nga ako nagkamali. My instinct always says I'm right."

Hindi niya alam kung ano ang isasagot kaya tumitig na lang siya sa apoy. Madilim na rin sa labas dahil sa lakas ng ulan sa labas.

"Ano 'yun!" Bigla siyang napatayo nang may narinig siyang kaluskos at ingay kahit malakas ang ulan.

"Bat," simpleng sagot nito.

Natakot siya sa sinabi nito pero nanatili siyang kalma. Bumalik na rin siya ng upo. Sana tumigil na ang ulan para makaalis na sila sa kwebang iyon. Baka hindi sila mamatay sa dagat, baka sa loob ng kwebang ito. Sa isiping ito, bigla siyang pinagtaasanng balahibo.

Napatili siya ng malakas nang biglang may dumapo. "Snakeeeee!!!" Iniwaksi niya ang kaniyang kamay.

Mabilis siyang dinaluhan ni Theon at pinakalma. Kinuha na rin nito ang insektong dumapo sa kaniya. "Hey its not a snake, just an insect."

Napahinga siya ng maluwang. Kumalma siya at nanghihinang umupo. Napaaray siya nang sumigid ang sakit sa kaniyang sugat. Hindi pa ito naghilum. May kalaliman iyon at ang lalaki ang laging naglalagay ng dinikdik na dahon. Masyado yata siyang na-excite at nabinat niya ang kaniyang sugat.

Hindi pa rin tumila ang ulan sa labas at kahit may apoy sa gitna, hindi sapat iyon para hindi siya lamigin. Palihim niyang niyakap ang sarili at sumandal sa isang bato. Hindi na rin kumirot ang kaniyang sugat kaya pinikit niya sandali ang mga mata.

Napatingin si Theon sa dalagang mahimbing na ngayon na natutulog. Malakas ang ulan sa labas kaya kailangan niyang panatiliing buhay ang apoy. Napabuntunghinga siya nang mapasulyap siya sa labas, tatlong araw ng lumipas pero walang rescuer na dumating. Its okay, he was been trained before how to lived on survival mode. He can handle himself on this situation. But thingking of Amara his wife makes him worried. Saan kaya ito? Hinahanap na siguro siya nito sa bahay nila. Mabait ang kaniyang asawa sa kaniya pero alam niyang hindi siya nito mahal. Diyan naman talaga nagsisimula ang lahat kahit sa family niya. His mom and dad was a victim of arrange marriaged and the love follows when he came. Akala niya ganun din sa kanila ng asawa niya but guess he's wrong.

Napatayo siya sa kinauupuan at nilapitan ang dalaga, nanginginig na ito ngayon. Basa ang damit nito kaya alam niyang panlalamigan talaga ito. Tinapik niya ang balikat nito at ginising pero nakailang gisimg na siya, hindi ito nagigising. Sakalang niya napansin na subrang init nito. Fuck! Mataas ang lagnat nito. Dali-dali niyang niyakap ang si Jackylyn para hindi ito manlamig lalo. Ang tigas din kasi ng ulo nito, kasasabi lang niya kanina na maghubad muna ito ng damit. Hindi naman siya titingin dito. Playboy siya nung nasa University pa siya at ilang babae na rin ang kinama at pinaiyak ng isang gwapong malanding Theon pero nagbago na iyon simula nung nagpakasal na sila ni Amara. Totoo talaga yata ang karma.

"H-huwag!"

Natigilan siya saglit. Gising na ba ito?

"H'wag niyo patayin ang Inay ko! 'W-wag!"

Biglang kumirot ang pinakasulok na bahagi ng puso niya. She's having nightmare and he can't do nothing about it but hug her more.

"I-inay!!!" At nasundan ito ng malakas na iyak.

Yes, he was trained to lived independently despite from his insouciance personality pero sa mga sandaling iyon, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Alam niyang may masamang nakaraan tinatakbuhan ang dalaga na ngayon ay umiiyak na. Ang tanging ginawa na lang niya ang yakapin ito at bantayan buong magdamag hanggang sa tumila ang ulan sa labas.

Maaga niyang iniwan kinaumagahan si Jackylyn sa kweba. Hindi na rin siya nakatulog sa kakabantay rito at sa apoy na hindi mamatay. Tulog pa ito ng iwan niya. He needs to find foods. Malakas kumain ang dalaga kaya nakakapagtaka bakit ang payat-payat nito. Una niyang binalikan nang umagang iyon ay ang kubol na ginawa niya, sira na ito sa nagdaang malakas na ulan kagabi. Nagpasya siyang ayusin iyon, hindi naman yata siya hahanapin ng dalaga sakali. Pagkatapos niyang maayos ang dingding at bubong nito, bumalik siya sa loob ng kagubatan. Naghanap muna siya ng pagkain bago niya binalikan amg babae. Gising na ito nang balikan niya, nakaupo sa bukana ng kweba at ganun na lang ang saya nito nang makita siya. Bigla itong napatayo at naiiyak na nilapitan siya.

"Hey what's wrong? Nasaktan ka ba? Got bitten?" Mabilis niyang naibaba ang bitbit na mga prutas at nag-alalang sinalubong ito.

Umiling ito at agad na pinahiran ang namumulang mata. Mukhang kagagaling ito sa iyak. "A-akala ko kasi iniwan niyo na ako rito..."

Bigla siyang natigilan at napatitig sa maliit na hugis pusong mukha nito, sa namumulang malamlam na mga mata na pinalilibutan ng natural na eyelashes, sa maliit at pointed nose ng dalaga na parang ilong ng isang manika, at sa hugis pusong labi nito na kahit kaputlaan masasabi niyang malambot ang mga ito. Bakit ba naapektuhan siya sa sinabi nito? Ilan na ba babae ang nagsabi sa kaniya nung nasa high-school at kolehiyo pa siya at nag-aaral na huwag niyang iwan? Sampu? Mga sampung dosena yata kung 'di siya nagkamali ng bilang. But coming from her, there's something na hindi niya agad mabigyan ng meaning kung ano.

"I'm here," nakonsensya siya. Dapat pala hinintay niyang magising ito kanina.

Tumango ito at ngumiti na. "Pasensya na kayo sa inakto ko, naunahan lang ako ng takot."

Lihim siyang humugot ng hangin at ningitian ito. Niyaya niya ng bumalik sila sa kweba at kumain muna saka sila babalik sa kubol na tinayo niya ulit. Hindi sila pwede mag-stay ro'n dahil hindi rin safe at hindi sila makikita ng mga rescuer just in case.

Aminado siyang magandang babae si Jackylyn at kahit payat ito at maputla, hindi nababawasan ang ganda nito. Her asian blood mixed shows her real beauty parang Amara lang niya. Pinilig niya ang ulo, ito ang kauna-unahang may inahintulad siya sa kaniyang asawa kung gandang hitsura lang ang usapan. Fuck.

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon