Chapter 13 - "Until She Recovered"

24.5K 779 13
                                    

"Lemme see your wound."

Napatingin si Jackylyn kay Theon nang lapitan siya nito. Pang-apat na araw nila sa isla at akala niya iniwan na talaga siya nito kanina nung magising siyang wala ito sa kweba kasama niya. Walang alinlangan na tinaas niya ang kaniyang damit at pinakita rito. They're kinda healing. Nagsuhestiyon ito na papalitan nito ulit ng gamot ang sugat niya after lunch. Mabuti na lang at hindi na ito laging naka-topless, may suot na itong damit galing sa yate nitong nalunod. Sabay silang napataas ng tingin ng lalaki nang marinig nila sa kalangitan ang ingay ng isang sasakyan panghimpapawid.

"Theoooonnn!"

Napakislot siya nang marinig ang malakas na sigaw sa megaphone. Sa wakas! Ang lawak ng ngiti niya pero sa isipin dito na lang pala sila nang lalaki ay biglang nagpalungkot kay Jackylyn. Mula sa chopper ay nakita niya ang lalaking pangalan ay Mordeccai na isang Attorney.

"I thought you were dead. Sayang naman 'di ka natuluyan. 4 days wasn't boring, right?" bungad nito kay Theon nung nasa loob na sila ng chopper at paalis na sa islang iyon. "Kung hindi pa ako tawag nang tawag sa phone mo na puro unattended, hindi ko pa malalaman na nawawala kayo."

"Well thanks for that brother. I know you will."

"Next time I won't," asik nito na tinawanan lang ni Theon.

Pinili niyang hindi pakinggan ang pinag-uusapan ng mga ito, nakatingin siya sa kabuuhan ng isla at do'n  niya napagtanto na subrang laki nito. Buti dito sila napadpad ng lalaki. Saan siya nito pupunta? Hindi niya nakita ang kaniyang bag at wala siyang perang gagamitin. Sandali niyang pinikit ang mga mata at nag-isip ng pwedeng gawin. Nung magmulat siya ulit ng mga mata, natatanaw niya na ang buong city na ayaw niyang balikan. Bigla siyang kinain ng takot at hindi niya maikakaila ang bagay na ito. Yes, takot siya.

Lumapag ang chopper sa isang tuktuk ng building at parang nahilo siya nung bumaba sila. May dalawang babae ang sumalubong sa kanila ni Theon at nakasuot ang mga ito ng kulay puti pero inayawan ito ng lalaki, siya ang pinasama sa mga ito. Nag-alangan siya nung una pero nang tumango ito, sumunod na rin siya. Sa isang room siya dinala at pinahiga sa isang kama pero umiling siya, mas pinili niyang umupo. Nilinis at ginamot ng mga ito ang kaniyang sugat at saka nilagyan ng bendahe. Nakaramdam siya ng hiya nang mapatingin siya sa sariling repleksyon sa malaking salamin nando'n. Ang gulo-gulo ng kaniyang buhok at ang dungis niyang tingnan. Nangingitim ang ilalim ng mata at may mga kagat ng mga insekto ang balat. Palihim niyang inayos ang sarili pero hindi siya hinayaan ng dalawa, ito ang nag-asikaso sa kaniya at binigyan siya ng pampalit ng kasuotan.

"How is she?" Mula sa glass door, pumasok dito ang lalaki.

Kimi siyang napangiti nang magtama ang mata nila ni Theon. Tumango lang ito.

"She's okay now, Boss."

"Okay good. Bring her to my office after 20 minutes, ladies." At nagmadali na itong lumabas.

Napasunod lang ang kaniyang tingin sa lalaki saka lihim na nakagat-labi.

"Ang gwapo talaga ni Boss Theon," pabulong na sambit ng isang babae sa kasama nito at sabay nagsipaghagikhikan.

"Yes naman, lahat naman yata tayo nagka-crush kay Boss!" kinikilig na ang mga ito habang siya ay nakikinig lang. "Ang bait-bait niya kasi tapos lagi pang nakangiti sa mga employees niya."

Boss? Napaisip siya bigla, at nanlaki ang mga mata. Kung ganun, hindi basta-bastang tao ang kaharap niya?

"Kung wala lang siyang asawa, matagal ko na siyang nilandi!"

"As if papatulan ka niya."

"Ang sama mo rin sa'kin babae ka!"

Napangiti na lang siya sa dalawa. Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng mga ito at hindi naman siya nagkamali, sabay ang mga 'to na humarap sa kaniya. Parang napahiya pa ang mga ito nang maalalang nandun siya at nakikinig sa mga ito.

"May kailangan pa po ba kayo ma'm?" Mabilis na lumapit ang mga ito sa kaniya.

Agad siyang umiling. Gusto lang niyang itanong kung sino at anong klaseng tao ang lalaking nakasama niya sa isla. Maliban do'n, magpapaalam din siya. Hindi siya nababagay sa malaking city na ito at kailangan niya pa magtago kay Don Jukka. Paniguradong pinagpapahanap siya ng mga goons nito.

"Si Theo— Sir Theon po ba ang may-ari ng building na ito?"

Biglang naghugis puso ang mga mata ng dalawa at halatang kinilig sa kaniyang tanong. Nagsimulang nagkwento ang dalawa at doon niya nalaman na hindi basta-basta ang taong tumulong sa kaniya. Bigla siyang nahiya sa sarili pero sa kabilang bahagi ng isip niya ay nagpasalamat pa rin siya.

Isang kulay dilaw na bestidang damit ang kaniyang suot at flatshoes nang dalhin siya ng dalawa sa opisina ng lalaki. Nagmukha siyang tao sa kaniyang kasuotan pero naasiwa siya. Hindi siya nagsusuot ng ganito kahit ang dami niyang magagandang damit sa mansiyon. Nakapagpalit na ng damit ang lalaki at basang basa pa ang buhok nito nang pumasok sila. May kausap ito sa phone at napag-alaman niyang asawa nito ang kausap.

"Bye wife, I'll be home soon," pinatay nito ang tawag at pinaalis ang dalawang babae habang siya ay nakaupo sa sofang nando'n. "Saan ka after nito?" tumingin ito sa kaniya. Naghihintay ng sagot.

Umilap ang kaniyang mata at napatingin sa mga daliri. Pinagkuskus niya ang mga 'yon at hindi alam ang isasagot.

"Much better if you stay for awhile —"

"No!" Napatayo siya bigla. "I m-mean, tama na 'yung tinulungan mo ako. Kailangan ko ng umalis para—"

"Are you sure? Look Jacky, running away from your family isn't that easy. For the meantime, stay until you recovered and then you can go. I won't stop you."

May point si Theon and besides, wala siyang pera. Nasa bag niya lahat at kailangan niya ang tulong nito. Tumango siya bilang pagsang-ayon. Bahala na! Dinala siya ni Theon sa isang condominium pero nagulat siya nung bumungad sa kaniya ay isang penthouse. Napakaganda sa loob! Tamang timpla ng dark at light color. Lalaking-lalaki tingnan ang buong paligid. Mas naappreciate niya ang kagandahan nito kesa sa mansiyon ng kaniyang lolo na walang ibang ginawa kundi ang gumawa ng illegal at pumatay.

"Dito ka muna pansamantala sa penthouse. Paminsan-minsan na lang ako umuuwi rito since I got married. Stay here like you own this place." Binigay nito sa kaniya ang susi.

Napatanga siya at hindi alam kung ano ang sasabihin. Bakit ganito kabilis magtiwala sa kaniya ang lalaki knowing that hindi siya nito kilala. Hindi siya nagkwento kung anong buhay siya meron. Konti lang ang alam nito pero kung pagkatiwalaan siya nito ay subra. Bakit subrang bait nito?

"Masyadong malaki naman ho ito. Pwede akong tumira sa isang maliit na kwarto lang para mag—"

"I trust you."

Doon siya hindi makaimik. Napatitig na lang siya rito at nagsimulang magtubig ang mga mata niya. Iyakin at uhugin talaga siya sa totoo pero naiiyak siya sa parteng may mababait talagang tao sa mundo. Hindi lang siya isang beses nitong tinulungan, pati sa bahay na tutuluyan niya pa.

Agad itong nag-abut sa kaniya ng panyo at ngumiti. "You deserved to be trusted Jackylyn," Kinuha nito ang kaniyang kamay at ito mismo ang naglagay ng susi sa kaniyang palad. "Don't think too much for now. Mamaya ay may ipapadala akong tao rito para siya ang magdadala ng groceries sa'yo. All you need to do is rest. Malayo pa ang lalakbayin mo."

"Paano kita mababayaran?"

Natawa ito sa kaniyang tanong. "Get recovered. Come, I'll show your room." Nauna itong tumalikod at umakyat sa spiral na hagdanan.

Napasunod naman siya sa lalaki. Hindi pa rin siya makapaniwala. Masyadong maganda ang bahay na ito para sa temporarily stay niya. Katabi ng master bedroom ang room na binigay sa kaniya ni Theon. Nilibot pa siya nito sa loob ng bahay saka ito nagpaalam sa kaniya. Hindi pa siya nakatango at nakapagsalita, nakatalikod na ito at nagmamadaling sumakay ng elevator. Mukhang naubos yata niya ang oras nito. Napangiti siya at kumaway na lang sa hangin.

"Mag-iingat kayo," pabulong na lang na sambit niya.

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon