Chapter 5 - "Moon"

30.6K 930 11
                                    

Nagising si Jackylyn sa mahimbing niyang pagkakatulog nang biglang umalog ng malakas ang paligid. Mabilis siyang napatakbo sa isang tabi sa inakalang lulubog na yata sila. Hindi siya marunong lumangoy at kung mamalasin siya baka dito siya mamamaalam.

"Fuck you!"

Ito ang salitang narinig niya nung patakbong lumabas siya ng cabin at hinanap si Theon. Natigilan siya nang makitang may isang yatch sa unahan at kung sa kalsada ay may banggaan mukhang alam niya na ang nangyari kamakailan lang.

"Hey hey, watch your mouth dope." natatawang saad ng isang gwapong lalaki at walang kahirap-hirap na tumalon ito palipat sa yatch nila.

Napatitig si Jackylyn dito at napahanga. Kung hindi niya na pa napigilan ang sarili, baka pumalakpak na rin siya. Parang may pakpak ang mga paa nito na lumapat sa sahig at inagaw ang kopitang hawak ni Theon saka nito tinungga at nilagok lahat ng laman.

"How's Amara your wife?"

Amara...? Natanong niya sa sarili at napatango. Pati pangalan napakaganda at aaminin niyang humanga siya sa kagandahan ng babae kahit sa larawan lang niya nakita. Nanatili siyang nakatingin sa mga ito habang nakatago sa isang tabi, ayaw niyang makita siya ng mga ito na nanunuod siya sa dalawa.

"She's always beautiful as ever!"

Nagkibit lang ito ng balikat at deritsong tumingin sa kaniyang gawi. Mabilis napatago si Jackylyn pero narinig niya ang yabag na papalapit sa kaniyang gawi.

"Don't freak her out, Mordeccai. She's Jacky, a runaway..."

"Bride." Putol ng lalaki at bumalik ito sa gawi ni Theon.

Napalunok siya sa sinabi nito. Bakit nakakatakot ang boses nito, hindit tulad nang kay Theon na subrang ganda sa pandinig at nakakagaan ng loob? Kabastusan man, mas pinili niyang bumalik siya sa kaniyang cabin at magtago. Ilang minuto lang ang nagdaan, may kumatok sa pintuan. Nahihiyang pinagbuksan niya iyon at tumambad sa kaniya si Theon na nakangiti pero hindi abot sa mga asul nitong mata ang ngiting pinakita nito sa kaniya. May nababasa siyang lungkot pero bakit?

"Baka gusto mo sabayan ako sa kaingayan sandali ng pinsan ko? Don't worry, Attorney Mordecai is a good guy. Medyo strict nga lang."

Napatango siya at sumunod sa lalaki nung tumalikod na ito. Naka-topless lang ang lalaki at namumulang napalunok siya nung tumama ang mata niya sa likuran nito. Ang hot nitong tingnan lalo na sa mamasel nitong braso. Sandali niyang kinurot ang sarili. Hindi siya dapat magkakaganito sa taong kasal na at pagmamay-ari na ng iba at isa pa, pansamantala lang siya sa yate nito. After nito, aalis siya at magtatago sa ibang lugar na walang makakaalam sa kaniyang kinaruruunan. Bahagya siyang naasiwa nang tinitigan siya nang sinasabi nitong abogado, pakiramdam niya ay binabasa nito ang buo niyang pagkatao.

"So, why you run away?"

Napasinghap siya sa tanong nito at napayuko. Agad naman pumagitna si Theon at biniro ito. Nagtawanan ang dalawa sa birong alam lang ng mga ito at siya, hindi maka-relate.

"Lemme guess, you're being forced to get married. Do you?"

Nag-ilap ang kaniyang mga mata. Kung iyan sana ang totoong rason ng lahat kung bakit siya tumakas. "N-no. Valitsin karkaa kotoa." I chose to run away from home. Pinili niyang magsalita sa lenggwaheng finnish para hindi siya nito maintindihan.

Nagkibit ito ng balikat at ngumiti. "Anteeksi kysyäni. Nauti lomastasi Theonin kanssa. Hän on naimisissa oleva mies. älä mene lankaan hänen charminsa vuoksi, kulta." Sorry for asking. Enjoy your stay here with Theon. He's a married man. Don't be fooled by his charm, sweety. Saka nito tinungga ang alak na hawak.

Mas lalo siyang namula sa sinabi nito at hindi nakapagsalita. Hindi niya napaghandaan na marunong itong magsalita sa lenggwaheng gamit niya.

"Ako lang yata ang hindi nakakaintindi dito." Si Theon at inabutan siya ng beer in can pero mabilis siyang umayaw.

Gustong gusto niya nang bumalik sa loob at isipin na lang isang araw lang siyang kasama ang mga ito. Pero nang tumama ang kaniyang mga mata sa mga mata nito, para siyang nahihipotismo at inabot ang beer na binigay nito. Nanginginig ang kaniyang kamay na binuksan ang beer in can. Alam niya sa sarili na mahirap siya magtiwala sa isang tao pero nang mga sandaling iyon, magaan ang kaniyang loob lalo na sa lalaking kilala niya sa pangalan Theon. Mabilis niyang tinungga ang alak pero agad siyang pinigilan nito at pinaalalang hindi ito tubig. Namumula naman na tumango siya. Kung alam lang ng mga ito na subrang ackward na ang kaniyang naramdaman.

Sa wakas natapos niya ang isang lata at nagkaroon siya ng lakas na magpaalam sa mga ito. Kailangan niya magpahinga para mag-isip kung saan siya after nito. Pumayag naman ang mga ito kaya dali-dali siyang umalis do'n. Nalalasing ang kaniyang diwa dahil sa totoo lang ay hindi siya sanay uminom kahit anuman alak. Agad siyang bumagsak sa kamang nandon sa cabin at ilang sandali lang ay kinain na siya ng kadiliman.

Nagising lang siya kinagabihan nung maramdaman niyang kumalam ang kaniyang sikmura. Nung tingnan niya ang orasan na nakasabit sa dingding, maghahating-gabi na rin. Nahihiya man siyang lumabas para humingi ng pagkain, naglakas loob siyang hanapin ang lalaki at humingi ng pagkain dito. Malaki ang yatch pero agad niyang nakita ito na nakaupo sa unahan, nakatalikod ito sa kaniyang gawi at pinagmamasdan ang maliwanag na sikat ng buwan. Napansin niyang wala na ang Attorney na pinangalanang Mordeccai. Nag-iisa lang ito habang may ilang bote sa tabi nito na walang laman. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot habang pinagmamasdan ito. Kahit kanina lang niya ito nakilala, pakiramdam niya ay parang magkakilala na sila at ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito.

Nawala ang gutom niya at pinili niyang sabayan ito sa panonood ng buwan. Funny to say but she's a selenophile, she loves moon and maybe dahil mag-isa lang siya tulad ng buwan kaya gustong gusto niya pagmasdan lagi ang buwan sa gabi. Walang paalam na umupo siya isang dangkal ang layo mula rito at walang salitang lumabas sa bibig niya. Hindi na nagawang lumingon sa kaniya ang lalaki, nanatili lang itong nakamasid sa magandang sinag ng buwan at pakiramdam ni Jackylyn ay siya ang nasasaktan para rito sa hindi niya alam na dahilan. Ilang minuto ang nagdaan bago niya sinubukan basagin ang katahimikan.

"I remembered my mother once said, 'The sun sees your body. The moon sees your soul.' and she's always right. Only the moon can sees us and noticed our deepest pain... The only one who appreciated us when the sun leaves us behind." Napangiti siya ng mapait nang maalala niya ang yumaong Ina.

Napabuntunghinga ito at ilang segundo bago nagsalita. "Your mom was right. I'm happy to know you have someone like her."

"She's already dead but I'm forever grateful." ngumiti siya nang lingunin niya ito.

Bahagya itong natigilan sa kaniyang sinabi at napatingin sa kaniya. Tinitigan siya nito at kitang kita niya sa kislap ng mga mata nito ang lungkot at awa para sa kaniya.

"But alam kong masaya na si Inay kung nasaan man siya ngayon," biglang bawi niya. "Pasensya sa pangingialam pero pwede ba akong magtanong kung bakit subrang lungkot niyo ngayon?"

Ngumiti ito at binalik ulit ang tingin sa buwan. "Lahat ng tao dumadaan sa kalungkutan Jacky."

Napahiya siya sa naging sagot nito kaya pinili niyang manahimik.

"Pero sa'kin, pinili ko ito imbes na sumaya. Kung may sisisihin man sa kalungkutan ko ngayon, I'll blame myself."

Napakagat siya ng labi sa bawat salitang binitawan nito ay tumagos sa puso niya. Alam niyang estranghero lang sila sa isa't isa pero nasasaktan siya kahit hindi naman dapat. Gusto niyang tapikin ang balikat nito pero pinili niyang huwag din gawin ang bagay na iyon. Wala siyang masabi. Naiwan sa ere ang anuman sasabihin niya nung tumayo ito at biglang naghubad ng pangitaas na damit. Ang sumunod na ginawa nito ay nagpagulat sa kaniya, bigla itong tumalon sa dagat. Agad siyang napatayo at hintakot na tiningnan ang lalaki.

"Theon!"

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon