Chapter 26 - "Fully Awake"

26.2K 861 12
                                    

"Jacky?! Jacky you hear me? You hear me!"

Mula sa nanlalabo niyang paningin, nakita niya ang lalaking tinawag niya... Si Theon. Pinangko siya nito at dinala sa sasakyan ng lalaki. Saka niya narinig ang malakas na pagsabog. Niligtas siya nito? Gusto niyang imulat ang mga mata pero walang lakas siyang gawin iyon. Dito na ba siya mamatay? But at least nakita niya ang lalaki kung sakali mamatay nga siya pero hindi pa siya handa.

Dinig na dinig niya rin ang pagmumura nito habang mabilis na binaybay ang daan. Pinagsusuntok nito ang manibela at panay ang tingin sa kaniya sa likuran.

"Everything will be alright. I'm not going to let you die so just hang on! We're close."

At tuluyan naging madilim ang lahat sa kaniya. Hindi niya alam ang sumunod.

"Ha?!" napasinghap si Jackylyn nang magmulat siya ng mata.

She blinked several times and looked around. The first thing that came to her mind was that she was in a private room.
May nakasabit na dextrose sa kaniyang kamay. Napatingin siya sa swerong nakatusok sa kaniya at blangko sandali ang kaniyang utak nang pumasok ang isang doctor.

"Glad you're awake!" masayang saad nito.

"What happened?" lumabas pa rin iyon sa kaniyang bibig kahit alam naman niya ang nangyari.

"Mr. Willoughby brings you here. Actually, you're in his house. I'm the Doctor assigned to you and Its been 2 weeks since you slept in that bed. Let me check your vitals." Lumapit ito sa kaniya at hinayaan niya itong gampanan ang pagiging Doctor.

Napatingin lang siya sa labas ng bintana at kiming napangiti sa realisasyong ang lalaki ang nagligtas sa buhay niya. Kung paano siya nito naligtas, ayaw niya nang tanungin iyon.

"Everything seems okay. Ang kailangan mo lang ay magpahinga. Tatawagan ko rin si Mr. Willoughby at ipaalam na gising ka na, he'll be happy for sure."

"Please don't!" mabilis niyang sabi rito.

Nagtataka naman itong napatingin sa kaniya. Hindi pa siya handa na makita ulit ang lalaki kahit nagkita na sila nito sa birthday party. Hindi niya alam kung paano susuungin ang mga tanong na ibabato nito. Mas mabuting 'wag muna.

"Just don't tell him Doc na gising na ako. H-hindi pa ako handa makita siya." napakagat siya ng labi.

Napabuntunghinga naman ang lalaki at naintindihan tumango. Nagpaalam na ito. Bumuntunghinga siya at napatitig sa kesame nang maalala niya ang kaibigan. Napabangon siya nang wala sa oras. Si Abhaya! Mabilis umikot ang kaniyang tingin, wala siyang cellphone makita. Nag-aalala siya rito. Hindi niya mapapatawad ang sarili, partner sila kaya dapat hindi lang kaligtasan niya ang mahalaga rito, pati na rin sa nag-iisang kaibigan niya.

Umalis siya sa hospital bed na bitbit ang dextrose. Sa ilang beses ba nilang nilalagay ng babae ang kanilang buhay sa bawat assignment, sanay na siya sa ganito pero hindi siya tulad ng dalaga na puno ng tapang ang puso. May kahinaan pa rin siya, at 'yon ang takot niya.

Lumabas siya nang silid. May mga nakabantay na dalawang lalaki ro'n at nagulat pa ito nang makita siya. Mabilis itong yumuko at nagbigay galang.

"Pahiram ng cellphone sa inyo."

Agad binigay ng isa ang cellphone sa kaniya at mabilis niyang ini-dial ang number ng kabigan pero out of coverage ito. Napabuntunghinga siya at binalik sa mga 'to. Bumalik siya sa loob ng silid. Binalik niya sa lagayan ang dextrose at umupo sa kama.

Inabot niya ang remote sa side table at binuksan ang malaking flat screen TV. Deritsang bumungad sa kaniya ang mga random news. Bumalik siya ng higa sa kama at hindi na nag-abalang patayin iyon. She let her mind wander instead of resting.

"Don. Jukka, tama ba ang narinig namin na aalis na kayo sa Pinas for good at sa Finland maninirahan? Paano ang mga negosyong tinayo niyo rito at mga batang umasa sa inyo?"

Natigilan siya sa tanong ng reporter. Awtomatikong lumipad ang kaniyang tingin sa malaking TV at pinanood ang matandang Don. Walang pinagbago, matikas pa rin ito at walang pinagbago sa mukha. Mabait itong humarap sa Camera at ngumiti.

"Yes, kailangan. Living here alone is not good. All my businesses will continue to operate and of course, continue ang pagbibigay ko ng tulong sa mga kabataan. Kailangan ko lang munang magpahinga at ako na rin ay matanda na."

"Don. Jukka, isang tanong na lang. Ayon sa source ko, may apo kayong babae na ubod ganda. Saan na ba ito? Totoo ba na ipinakasal mo ito sa kaibigan mo sa negosyo?"

Paska! Napamura siya sa tanong na binato ng reporter. Napatingin siya sa facial expression nang matanda at kitang-kita niya ang lihim na pagtagis bagang nito pero saglit lang iyon. Ngumiti ito agad at nagawang magbiro.

"Ah, ang apo ko. Nasa magandang buhay na siya ngayon sa Finland. Isa sa dahilan kung bakit do'n ko rin gusto mag-stay. Siya lang ang tanging pamilya meron ako. Gusto ko na makita ang apo at magiging apo ko sa mga tuhod."

Mabilis niyang pinatay ang pinanood. Abut-abot ang kaba ng puso niya at nag-isip nang kung anong pwedeng gawin. Sa tono ng pananalita ng kaniyang lolo, hindi masisikatan ng araw ang reporter na nangahas magtanong. Panibagong tao na naman ang mawawalan ng buhay dahil sa kaniya.

Hindi pa siya handa na harapin ang matanda pero dahan-dahan niya nang pinasok bawat trabaho nito na hindi alam ni Yx at Abhaya. Gumagawa siya nang sarili niyang plano. Nang paraan para paano pabagsakin ng dahan-dahan ang matanda nang hindi kailangan ng baril at dahas.

Bigla siyang natigilan sa pag-iisip niya kahit kagigising lang nang pumasok ang panauhin na ayaw niyang makita nang mga oras na iyon. Lihim siyang napakagat ng labi, kakasabi lang niya sa Doctor. Napahugot siya ng hininga at hinanda ang sarili sa mahabang katanungan na ibabato nito sa kaniya ngayon.

Agad na lumapit sa kaniya ang lalaki at hindi niya inasahan ang pagbiglang yakap na binigay nito. Sa subrang higpit ng yakap nito napa-aray siya dahil tinamaan ang kaniyang sugat. Saka lang niya nalaman na may mga tama pala siya.

"I'm sorry." Bigla itong bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. "I'm happy now that you're fully awake."

Napatingin siya sa mga mata nito. Totoo ngang masaya ito na makita siya pero hindi niya magawang ngumiti. Ano na ang sunod plano niya? Nalaman na siya nitong siya si Jackylyn. Imbes na magpasalamat ay pinakiusapan niyang iwan muna siya nito sandali sa loob ng silid na iyon.

"Okay," wika nito. "But I'll be back after an hour. Get rest." Tinungo na nito ang pintuan at marahan sinirado.

Napahawak siya bigla sa puso niyang subrang bilis ng tibok. What was that?! What was that! Grabe, walang pinagbago ang epekto nito. Nakakabaliw pa rin talaga.

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon