Chapter 34 - "Save Jackylyn"

25.2K 826 91
                                    

Napamura si Theon ng subrang lutong nang matamo niya ang isang malakas na sipa sa kaniyang tiyan. Hindi niya nailagan iyon dahil may dalawa pang sumugod para paluhurin siya. Fuck! Napaatras siya sa sakit pero agad din sinalo ang isang paa na muling sisipa sa kaniya at binalibag ito sa mga kasama nito.

Tumawa naman ng subrang lakas sa kabilang linya si Mordeccai at pumalakpak. "That's it dupe! Iba talaga magagawa ng malandi mong puso, no?"

"Shut up," pakli niya habang sinasalag bawat tira ng mga ito.

"Mama mo shut up!" tinawanan lang siya nito at nawala.

Fuck this. Kung patuloy pa siyang bwesitin ng mga hayop na 'to na wala yatang balak tantanan siya. Pwes, hindi rin naman nagpapabwesit ang kamao niya at paa. Nagpahid siya ng dugo na kumawala sa kaniyang labi at napangisi naman ang isa sa gumawa nito sa kaniya.

Tumalim ang kaniyang mata sa isang lalaking bumunot ng baril at balak yata siyang patayin. That's more exciting! Pinapasigla nito ang dugo niya.

"Ilman aseen kayttoa, Don Jukka tarvitsee rahansa." No using gun, Don Jukka need his money. Sansala ng isang kasama nito. Sumenyas ito na ibaba ang baril.

Napangisi siya sa sinabi nito at napailing-iling. Alam niyang hindi siya papatayin agad, kailangan nito ang signature niya kung sakali. Sayang din ang pera kung sakaling papatayin siya agad. Alam niya ang gustong mangyari ng matandang demonyo, ang palugmukin at pahirapan siya at sumunod sa gusto nito. But isa lang din ang gusto niya, ang makuha ang dalaga.

Humigit siya ng malalim na buntunghinga at nagbilang ng hanggang sampu saka nagsimulang umatake sa mga ito. Sampung segundo para sa minutong sinayang ng mga tanginang ito. Mabilis na umigkas sa hangin ang paa niya at pinagbibigyan ang mga ito ng tig-iisang malakas na sipa sa dibdib at ang iba ay sa leeg. Napaigik sa sakit na natumba ang mga ito sa marmol na sahig. Hindi naman fatal ang kaniyang ginawa, siguro magsusuka lang ng dugo.

Mabilis na sumunod si Theon sa pintuan kung saan dumaan si Don Jukka pero agad siyang nagpagulong ng wala sa oras at sinarado ang pintuan nang pinaulanan siya ng bala. Fuck, fuck!

"Mordeccai!" tawag niya sa kaibigan pero walang sagot mula rito. Inulit niya nang ilang beses ang pagtawag nito at saka pa ito sumagot sabay hikab. Puta! Tinulugan pa talaga siya ng walang kwentang kaibigan niya.

"Check all the CCTV of this house. Now!" utos niya at gumapang sa kabilang bahagi ng silid. Mukhang desido na yatang patayin siya ng matanda or kung ano man, wala siyang pakialam. Kaya naman niyang makipagsabayan kung 'yan ang usapan pero kailangan din niya ang tulong ng kaibigang Attorney.

"Practically speaking Mr. Willoughby, I'm here fucking thousand years ago and was watching your back, waiting you die in line asshole."

Hindi niya na pinansin ang pambubunganga nito. "Where's Jackylyn? Find her, asap." Wala siyang baril na dala kaya mahihirapan siyang makipagsagutan ng barilan.

Isa sa rule ng mansion bago nagsipasok lahat ng mga mayayamang bidder, walang dadalhin na baril o kahit na kutsilyo. Mahigpit ang security dahil maliban sa kinakapkapan, dumaan pa sila sa full body scanner.

"She's in the wonderland with the wicked witch."

"Puta ka talaga ayusin mo'ko!"

"Kinaladkad ng tauhan ng lolo niya papalabas ng mansiyon. Oh wait, yeah I think they're going somewhere—" Nawala ito ng ilang segundo at bumalik. Narinig niyang may pinukpok ito sa kabilang linya. "Matulog ka lang putangina ka," sabi nito.

"What?!" nanlaki na ang butas ng kaniyang ilong.

"Nothing. Itong kasama ko lang dito sa CCTV room ang ingay. Anyway, nasa ground floor sila going sa sala. Jackylyn was having trouble with Don. Jukka. May handcuff ito at tali sa leeg and—"

"Enough," putol niya. Nangangalaiti siya sa isiping tinratong hayop ang babae. Hindi lang talag niya ma-imagined kung bakit may ganitong tao sa mundo, sariling dugo at laman pero binibenta.

Napatingin siya sa mga taong pinatumba niya na naging unconscious sa sahig, kukunin niya ang baril at susundan si Jackylyn. By hook or by crook, makukuha niya ngayon araw ito.

"Theon, catch!"

Napatingin siya bigla sa lalakong mula sa kung saan ay pumasok at may baril na hinagis sa kaniya. Damn! Nasalo niya ito ng mabilis at gulat na gulat na napatingin dito.

"Farhistt?!"

Paano ito nakapunta rito sa Finland at nagawang magbigay sa kaniya nang baril? Ang pagkakaalam niya, hindi sila close ng lalaki at mas lalong hindi masyadong magkaibigan. Kaya lang siya lapit sa squad na kinabibilangan ni Farhistt ay dahil sa pinsan niyang si Hudson.

"Yeah, fucking tighten up your stomach! This gonna be one hella fucking hell. Save Jackylyn! Ako na bahala rito. Bring Mordeccai with you," deritsang saad nito. Nakasuot ito ng black leather jacket at may dalang baril na may silencer.

Natuliro si Theon sa nalamang kilala ni Farhistt ang kaniyang kaibigan pero wala silang oras para mag-usap. Tumango siya bilang pasasalamat sa tulong na ginawa ng lalaki sa kaniya.

Tama nga si Farhistt, ito na ang bahala sa iba dahil nung lumabas siya sa isang silid, puro nakabulagta na sa tabi ang ilan sa mga tauhan. Sumalubong agad sa kaniya si Mordeccai na seryusong seryuso ang mukha at may dalawang baril na dala. Mukhang kanina pa yata ito napasubo sa labanan.

"You gotta pay me for my expensive service, mahal bayad ko."

"Tangina mo buraot!" inis na pakli niya at tulad nga ng sinabi ni Farhistt, siya ang bahala naman kay Jackylyn.

Wala silang sinayang na oras, tinakbo nila ang mahabang pasilyo papuntang labasan ng bahay at kung saan nakapark ang sasakyan nila. Siya ang nag-drive sa unahan at hinayaan niya ang kasama na kalikutin ang laptop nito sa isang kamay habang nakikipagpalitan ng barilan ang isang kamay nito.

"What are you doing? Throw that laptop!"

"Gago, gumawa ako ng eulogy sakaling mamatay ang kagwapuhan ko dahil sa kalandian mo!"

"Later na 'yang pag-inarte mo Atty. Mordeccai. Ipapahiram ko ang cruise ko sa'yo nang isang taon after nito, I swear."

Agad ngumisi ito at tinapon ang laptop sa backseat. "If that's the case, turn right moron. They're going to the airport. Once makakaalis sila ngayon, for sure 'di mo na makikita si Jackylyn kahit kailan."

Tumango siya sa sinabi nito at sinunod ang sinabi. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan sa gitna ng daan habang hinahayaan niya ang mga sumusunod na sasakyan ng kalaban. Good for him, nakapunta na siya ng ilang beses sa Finland at sumubok din talaga siyang mag-aral sa lenggwahe ng lugar na ito kahit subrang hirap. Pero sa tulad niya, isang linggo lang niya itong pinag-aralan at fluent na siyang magsalita. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon dati, siguro dahil namimiss lang niya ang dalaga that time at sa isipin ma Finnis ito kaya gusto rin niyang matuto.

Napamura sila sabay sa malakas na bunggo sa likuran ng kanilang sasakyan. Napatingin sila sa side mirror, isang itim na kotseng ayaw siyang tantanan at balak yatang ihulog sila sa tulay. Sinenyasan niya ang kaibigan hawakan ang manibela at ito ang sandaling magmaneho.

"Gago!" galit na sigaw nito. "Hindi 'to movie!"

Habang siya ay nagawang makipagsagutan ng baril. Natawa siya nang tamaan ang nagmaneho at biglang nag-ekis-ekis ang takbo ng sasakyan nito dahilan para mahulog sa tubig.

"See, ang astig ko 'di ba?"

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon