Chapter 31 - "Ocean's Away"

24.7K 800 27
                                    

Nakatitig lang si Jackylyn sa kesame ng kaniyang kwarto nang matanggap ang mensahe ni Yx sa isang secured site kung saan sila nag-uusap dalawa. Wala siyang cellphone, wala siyang balak na magkaro'n kahit isa.

"Congratulations."

Hindi siya nag-abalang nag-response sa message nito. Yeah, congrats. Congrats dahil kung 'di dumating si Theon kagabi, baka bangkay na siya ngayon at pinaglalamayan na. Napabuntunghinga siya nang maalala niya ang pag-uusap nila kagabi ng lalaki...

"Sino ka ba talaga? Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Hindi naman siguro nabagok ang ulo mo nung sinabi kong susundan kita 24/7," walang ganang sagot nito habang nakatutok ang tingin sa daan. Minamaneho nito ang itim na sasakyan papalayo sa bahay-bakasyunan. "If I weren't there, you probably get killed," matigas na pagkakasabi nito.

Napansin niya ang pagkuyom ng kamao nito at pagtigas ng anyo. Sandali siyang natahimik at ilang minuto bago nagawang magsalita.

"Sino ka ba talaga?" deritsahang tanong niya.

"And you, who are you? Ah yeah, isa kang undercover agent. Is this why bakit ka tumakas sa penthouse ko?" walang paligoy-ligoy na sagot nito. Nasa daan pa rin ang buong atensyon at hindi nag-abalang sumulyap sa kaniya.

She sensed angered on his tone. Wow, galit ito? In what particular way? "Drop me home. I need to fix things."

Hindi ito tumango, hindi rin sumagot. Nanatili itong tahimik at hanggang sa umabot sila sa apartment niya. Hindi na niya hinayaan pagbuksan siya nito ng pintuan, deri-deritso na siyang bumaba at pumasok sa loob habang naiwan si Theon na nagpipigil sa subrang galit. Ilang beses nitong sinuntok ang manibela bago ito nagpasyang umalis at mabilis na pinaharurut ang sasakyan...

Alam na ni Theon kung anong klaseng trabaho meron siya, kung anong mundo ang kaniyang kinagagalawan. Nagkibit siya ng balikat at hinayaan itong mag-isip kung anong klaseng babae siya. She doesn't care afterall.

Tumayo siya at nagtungo sa sala. Tinatamad siyang lumabas ngayon ng kaniyang apartment kaya ang ginawa niya ay nagkulong sa loob. Binuksan niya sandali ang flat screen TV para manood ng palabas pero agad siyang natigilan nang lumitaw ang mukha ni Theon habang ini-interview sa isang sikat na morning show. Naramdaman niya ang biglang pagsikdo ng puso niya sa mga magagandang mata nito.

Hey heart, nababaliw ka na ba? Baliw ka na nga yata... Dinama niya ang pusong naguunahan sa pagtibok. Inaamin niyang mas gwapo ito sa personal kesa sa camera. Lalo na kapag ngumingiti ito habang kausap ang isang host, pakiramdam niya sa kaniya ito ngumingiti sa tuwing nag-focus ang camera rito.

No wonder bakit and daming baliw nga sa kaniya kahit may asawa siya... Napaismid siya sa bagay na iyon.

"Mr. Willoughby, bigyan mo kami ng advice kung paano mananatiling happy and contented sa isang young marriage. We all know kung gaano ka successful ang buhay niyo in business and marriage... Is there any formula?" mahabang lintaya ng babaeng host at halatang kinikilig sa presinsya ng lalaki na subrang cool tingnan na nakaupo sa pang-isahang sofa.

Nagsitilian naman sa buong studio at kilig na kilig kahit usapang kasal at may asawa na ang lalaki nung nagbigay ng nakakamatay na ngiti. Napaismid lalo si Jackylyn at napairap sa hangin. Mga babantot! Ang babaw ng kaligayahan. Nangangati ang kaniyang kamay na pindutin ang off button ng remote pero nanatiling nakatutuk ang kaniyang mata sa screen.

"Formula?" tumawa ito ng subrang landi. "I don't have that. I just love her more than my world and sapat na ang bagay na 'yon sa'kin. Loving her means life to me." At nagbigay ito ng nakakamatay na ngiti na pinagtilian ulit ng mga taong nando'n. Kulang na lang ay mamatay sa kilig ang host at sumabay ito sa tilian.

Pero siya, hindi siya kinilig sa naging pahayag nito para sa asawa. Well, kailan ba siya naging kinilig? Ang huling natandaan lang niya nung nasa poder siya nito ay sakit. Ang mahalin ang isang Theon Willoughby sa kabilang may asawa ito ay isa sa pinakabaliw at pinakatangang ginawa niya pero isa rin 'yon sa dahilan kung bakit nandito siya ngayon at buhay na lumalaban. May pros and cons and pagdating nito sa buhay niya but for her, kailangan niyang iwasan ito sa susunod na araw. Hindi pwedeng lagi itong susulpot at manggugulo ng nananahimik niyang mundo.

Naninikip ang puso niya at parang libu-libong karayom ang tinusok do'n. Mariin siyang napakagat ng labi at huminga ng malalim. Inaayos niya ang kaniyang sistema at nang makabawi siya, nagpasya siyang patayin ang TV pero naiwan sa ere ang gagawin niya nang magsihiyawan ulit ang nasa studio nung may hawak ng gitara si Theon.

Wait...

Biglang sumikdo ang puso niya nang simulan nitong tipain ang string ng gitarang hawak. Parang kinapos ng hininga ang sistema niya sa isipin makikita niya ulit itong kumanta. Unang narinig niya ang boses nito ay nung nasa yacht sila.

Nagsimulang magtubig ang mata niya nang kantahin nito ang kantang Ocean's Away. Kung hindi siya nagkakamali, ito 'yung kinanta nilang dalawa sa yacht nito. Bago pa man siya tuluyang traydurin ulit ng puso niyang walang magandang inambag sa utak niya, pinatay niya nang tuluyan ang TV at nagdadabog na umakyat sa taas. Hindi ito ang oras para mag-reminiscing siya sa nakaraan.

Tiningnan niya ang kaniyang laptop kung may lumabas na data galing sa hinahanap na tao. Napabuntunghinga siya nang makitang walang makakapagturo kung sa'n si Abhaya. Kailangan na kailangan niya ng kausap at ito lang ang tanging makakaintindi sa kaniyang sitwasyon pero bago siya nito maiintindihan, expected na maraming kurot muna ang makukuha niya rito.

Natigilan siya nang matanggap ang isang unknown message sa email. She safely opened it thru other browser at nagulat siya sa nakita, isa iyong picture niya na nakaupo sa isang convenient store at kumakain ng cup noodles. Mabilis niyang pinasok ang email na gamit nito at chineck ang location ng email but wala siyang makuhang location. Nagsimula siyang kainin ng kaba. May nagmamasid sa kaniya, 'yon ang unang pumasok sa utak niya. Nag-dive siya sa Gmail Company at inabot ng ilang oras sa pag-isaisa ng information kung kaninong email address galing iyon but walang lead.

Napamura siya at kinalma ang sarili. Her weakness doesn't helping her at all. Mabilis siyang tumayo at hinablot ang jacket. Kailangan niyang kitain si Yx at kausapin ng personal. Nasa pintuan na siya habang sukbit ang bag nang biglang may pumasok na mga armadong lalaki.

Shit!

Naging alerto ang kaniyang isipan pero huli nang bunutin niya ang kaniyang baril, isang malakas na sikmura ang kaniyang nakuha. Natapon siya sa isang tabi at namimilipit sa sakit. Pinilit niyang buksan ang mata para tingnan ang gumawa no'n pero ang sumunod na nangyari ay nalanghap niya ang mabahong chemical.

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon