Chapter 6 - "Scars"

28.8K 909 12
                                    

Hindi siya marunong lumangoy kaya nagpanik siya sa totoo lang! Hindi niya alam kung ano ang gagawin, ang lumusong din ba sa tubig o ang kumuha ng lifesaver. May nakita siyang salbabida kaya mabilis niya itong kinuha at walang pagdadalawang isip na tumalon siya sa tubig habang nasa balikat niya ang bagay na iyon. Knowing that he is drunk at nag-alala siya para rito.

"Theon!" Inulit niya ang pagtawag sa pangalan nito nung nasa tubig na siya at randam niya ang lamig sa kaniyang balat. Sa lifesaver lang niya sinalalay ang kaniyang buhay ngayon.

Nagpalingon-lingon siya pero hindi niya makita ang lalaki kahit saan siya tumingin. Nagsimula siyang kinain ng kaba. Baka nalunod na ito! Inulit niyang tawagin ang pangalan nito pero walang Theon na lumitaw. Nagsimula na siyang matuliro. Kinampay niya ang kaniyang paa sa ilalim at medyo napalayo na siya sa yacht nang maramdaman niyang lumubog ang kaniyang katawan sa ilalim ng tubig. May humila sa kaniyang paa sa ilalim ng tubig at sa isipin na isa itong shark na napanood niya minsan sa movie ay bigla siyang napatili ng malakas sa takot.

"Hey Jackylyn!" Lumitaw sa kaniyang harapan ang lalaki na hinahanap niya. "Its me, Theon."

Bigla siyang napayakap sa lalaki kahit may salbabidang nakaharang sa kaniyang katawan. Naiiyak siya. Pero sa maalalang hindi sila gaanong close ng lalaki at wala siyang ugnayan dito ay mabilis siyang bumitaw.

"Nag-alala ako sa'yo, akala ko nalunod ka na."

Natahimik naman ito at napatitig sa kaniya. Namumulang nagyuko siya ng tingin. Kahit gabi at madilim ang kalangitan, alam niyang napansin nito ang pagkulay rosas ng kaniyang pisngi. Walang ibang ibig sabihin ang kaniyang pag-alala.

"Why?"

Nagtaas siya ng tingin at sinalubong ang tingin nito.

"Hindi ka marunong lumangoy kaya may life saver ka sa beywang. Why did you chose to jump in the water knowing na hindi ka marunong lumangoy?"

Hindi naman siya siguro hayop para hayaan niya itong malunod sakali.

"Natakot ako nung bigla kang tumalon. Inisip ko baka malunod ka dahil 'di kayo agad nakaahon." napakagat labing saad niya. Sumabay pa ang lamig ng simoy ng hangin. Hindi niya mapigilan mangatal.

"Nilalamig ka na. Let's get outta here."

Tinulungan siya nito na makaalis sa tubig. Namumula na lang siyang nagtungo sa cabin at nagbanlaw para magbihis. Puting tshirt at pantalon saka nagpasya na siyang hindi na lumabas pa. Wala naman sigurong masamang mangyayari rito.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising at eksaktong paglabas niya ng cabin ay ang mabangong lutong pagkain ang sumalubong sa kaniya. Biglang nagreklamo ang kaniyang tiyan at napasunod kung saan galing ang amoy. Nakita niya ang lalaking nagluluto ngayon. Simpleng sando lang ang suot nito at beach short. May apron sa harapan at napalunok siya sa tanawin nakita niya. Pinilit niyang pinaalalahanan ang sarili na may asawa na ito at nandito lang siya pansamantala. Pinilit niyang ilagay sa utak na may iba siyang problema at kailangan niyang takasan iyon.

"You're awake. Let's eat." Hindi lumilingon sabi nito.

Napatango siya.Ngayon pa man ay iniisip niya na ang utang na loob sa lalaki at kung paano bayaran iyon. Masarap ang mga lutong nakahanda sa kaniyang harapan at inaamin niyang nalamangan nito ang galing niya sa kusina. May nakahanda pa na gatas sa kaniyang harapan at namumula na namans iya sa isipin na masyado yatang special ang pagtrato nito sa kaniya ngayon.

"Please fill your stomach, I know you're hungry," saad nito habang hinahanda rin nito ang coffee. "Tomorrow morning I'm coming back to Manila again and we're gonna part ways."

Natigil siya sandali at napatingin sa lalaki. Inalis nito ang suot na apron at umupo na sa kaniyang harapan habang bitbit ang kape sa isang kamay. Ngumiti ito at nagyaya na magsimula na silang kumain. Tanging tango lang ang sagot niya at palihim na pinagmamasdan ang gwapong mukha nito lalo na ang kulay asul nitong mga mata.

"Is there something wrong, Jacky?"

Nag-iwas siya ng tingin. Nahuli siya nito sa kaniyang ginawang pagnakaw ng tingin at ito rin ang kauna-unahan tao na tumawag na Jacky sa kaniya from her name Jackylyn. Everybody calls her first name and nothing more.

"W-wala, pasensya na."

Tumango lang ito at nagpatuloy sa pagkain habang siya ay pinapangako niyang hindi na talaga siya titingin dito. Sa pagkain na lang ang kaniyang focus at kung gaano kasarap ito. Naputol lang iyon nung nagsalita ito.

"Why are you having scars on your wrist?"

Napatingin siya sa kaniyang pulsuhan at napatitig do'n. Bakit nga ba? Isang araw binalak niya magpakamatay at sumunod sa kaniyang Ina gamit ang kutsilyo sa kusina pero nagising siyang nasa hospital at simula no'n ay may bantay na siya kahit saan siya magpunta. Kahit sa kaniyang pagtulog ay meron nakabantay. Kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon ngayon nakatakas siya.

"W-wala ito. Nahulog ako sa puno nung bata pa ako at natusok."

Nagkibit ito ng balikat saka humigop ng kape. Pakiramdam niya ay may gusto pa itong itanong pero mas pinili nitong tumahimik at pagmasdan siya. Naiilang na tinapos niya ang kaniyang pagkain at nagpresintang hugasan ang pinagkainan nila pero hindi siya nito pinayagan. Theon just let her rest and watch the endless view of the ocean.

Ilang minuto lang ang kaniyang tinagal sa pagtanaw sa walang hanggang tanawin saka siya nagpasyang pumasok ulit sa cabin. Mula rito, nakita niya ang kaniyang hitsura sa life size mirror na nando'n. Napatitig siya sa kaniyang sarili at kitang kita niya kung gaano kamiserable ang kaniyang buhay na meron siya ngayon. Ang eyebags niyang walang hinto sa pagbibisita sa kaniya at nadagdagan araw-araw. Dried lips at kulang na lang ay kabaong sa kaniya dahil sa putlang putla siya. Sa tangkad niyang 5'6, subrang payat niya sa kaniyang timbang na 105 lbs. napabuntunghinga siya at pinilit na ayusin ang sarili kahit ngayon lang.

Binuksan niya ang kaniyang bag at nilabas ang laman no'n, chineck niya kung may nakalimutan ba siyang mahalagang dokumento. Napahinga siya at lahat naman kompleto. Tamang pera rin para siyang gamitin niya. Kapagkuwan ay natigilan siya nang tumama ang kaniyang mata sa picture frame. Marahan niyang dinampot ang frame at pinagmasdan iyon. The last picture she have with her mother. Nakayakap siya sa kaniyan Ina at ganun ito sa kaniya. Ito lang ang tanging picture naitago niya and the rest was burned, lahat. Pati baby pictures niya at ilan na kagamitan nilang mag-ina. Hindi nga niya alam kung saan nakalibing o nilibing ang kaniyang Ina. Pagkatapos siyang dalhin ng mga armadong mga lalaki, wala na siyang contact pa sa mundong una niyang namulatan. Lahat ay limitado na lang at may sariling mundo na ginawa para sa kaniya na nasanayan niyang mamuhay pero isang araw, tulad ng isang prinsesa tumakas siya sa kaniyang sariling palasyo.

"'Wag kang mag-alala 'nay, makakaya ko ito. Kakayanin ko ito kahit wala na kayo. Makakatakas ako at makakalayo, pangako ko 'yan." Mapait siyang ngumiti at binalik sa kaniyang bag ang picture frame. Ito na lang ang bagay na maituturing niyang kayamanan niya.

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon