Chapter 19 - "Sold For 1 Billion Dollars"

27.2K 819 38
                                    

ILANG ARAW nagdaan, kahit papaano ay kumalma siya. Hindi na muling bumalik ang tauhan ng kaniyang demonyong lolo. She's safe for now pero hindi siya dapat pakampante. Hindi lahat ng oras ay safe siya kaya dobleng ingat ang kaniyang ginagawa, hindi siya umaalis sa penthouse na iyon. Doon lang siya palagi sa terrace or balcony, ganun lang ang kaniyang routine pero hindi nung isang hapon may bisitang nagpunta ro'n.

Nagkagulatan sila pareho. Isang magandang babae ang nasa kaniyang harapan ngayon. Bigla siyang nanliit sa sarili sa isipin na subrang ganda-ganda nito sa kulutang buhok at ang amo ng mukha. The woman who stood in front of her is nothing but Theon's wife.

"Hello!" ngumiti ito at para siyang naparalisado sa kagandahan nitong taglay. "Asawa ako ni Theon, I have spare keys so I thought he was here though dalawang araw na rin siyang hindi umuwi. He never answer my call as well."

Biglang natuliro ang kaniyang isip kung ano ang sasabihin. Hindi ba ito magtatanong kung sino siya? Kung sabagay, hindi naman siya nito pag-interisan pagselosan dahil wala sa kalingkingan nito ang ibubuga niya. May lahi lang siyang finnish.

"H-hello po Ma'm, a-ah bagong housekeeper po ako rito. Ako po si Jackylyn," nauutal na saad niya. Hindi niya kayang tingnan ito sa mata sa isipin na nung gabing iyon ay hinayaan niya ang lalaki na isipin na siya ang asawa nito. Bigla siyang kinain ng guilt sa sarili.

Ngumiti ito at doon pa lang alam niyang mabait ang babae. "Yes, I heard about you. Ikaw 'yun sinabi niya na kinuha niyang temporary housekeeper."

Mabilis siyang tumango at tipid na ngumiti. "Yes po, ako. Ano po pala gusto niyong inumin Ma'm—"

"Naku 'wag na! Ayuko abalahin ka rito. Akala ko kasi nandito ang pokpok na 'yon." nilibot nito ang paningin.

"Po?" napakunot-noo siya sa sinabi nito. Pokpok?

Napahagikhik naman ito at umiling, "Wala. Sige, aalis na ako. Pasabi kung sakaling dumaan ang gwapong iyon dito —"

"Wifey?!"

Sabay silang napalingon sa bagong pasok na panauhin. It was Theon on his black suit and tie. Hindi maayos ang tie nito at gusot ang buhok. Nakita niyang ngumit ang babae at agad na nilapitan si Theon na takang nakatingin lang sa asawa nito na tandang tanda niya sa pangalan Amara.

Inayos ng asawa nito ang necktie at sinuklay gamit ng daliri nito ang buhok. "Mr. Theon Willoughby, where have you been? Kung hindi ako nagpunta sa penthouse mo, hindi kita makikitang pokpok ka!" at piningot nito ang ilong ng taong mahal niya.

Mahal na nga ba talaga?

Napakagat labi siya at nagbaba ng tingin. Hindi niya kayang panoorin ang ka-sweetan ng mag-asawa. Wala siyang karapatan pero parang pinagsaksak ang puso niya sa subrang sakit. God! Nagseselos ba siya? Ito na 'yun sinasabi nilang selos at insecurities? Kasi ramdam na ramdam niya ang dalawang words sa mga sandaling iyon.

"I'm sorry," mahinang saad ni Theon.

"Its okay, pwede mo ba akong samahan sa mansiyon ng Legrand? Mom and dad wants to see us." malambing na sambit ng babae.

Napatingin siya sa mga ito. Pati boses ay kinaiinggitan niya, subrang sweet. Para siyang nanonood ng pelikula sa dalawang tao na naglalambingan sa kaniyang harapan. Marahan siyang tumalikod at umalis, nagtungo siya sa kusina at pansamantalang binigyan ang mga ito ng oras. Ayaw niyang isturbuhin ito.

"Did you tell something about what happen to us the other day to my wife?"

Nagulat siya sa pagbiglang sulpot ni Theon. Mabilis naman siyang umiling, in the first place why would she do that? Napahinga naman ito ng maluwang at tumango. Agad na din itong nagpaalam sa kaniya. Lihim naman siyang sumilip sa paalis na dalawa. Subrang perfect ng dalawa, as in. Nakakahiya kung may sisira sa relasyon ng mga ito but it bothers her a lot knowing na si Theon lang ang nagmamahal sa asawa. Wala siyang karanasan sa pagmamahal na iyan pero pakiramdam niya siya itong nasasaktan.

Nang makaalis ang mga ito, sa terasa siya tumambay. Pinagmamasdan niya ang mga halaman at bulaklak na ngayon ay unti-unting sumisigla. Nang mapagod siya ro'n, nagpunta siya sa sala at nagbukas ng malaking flat screen tv. Palipat-lipat siya ng station hanggang sa kusang huminto siya sa isang channel na ang laman ay balita.

'Don Jukka Rokassowskij donated 50 million USD for charity fund.'

Nanghihina na lang siyang napakapit sa kinauupuan. Alam niya ang laro ng lolo niya, yes, totoong lolo niya ito. Ang unfair lang ng mundo dahil dito siya pinadpad sa poder ng isang masamang tao. Walang taong gustong mapasama ang sariling buhay pero mukhang iyon yata ang tadhana niya but no, babaguhin niya ang tadhana kung iyon ang nararapat.

Kung titingnan sa malapad na screen, isang mabait na tao ang matandang Don. Laging nakangiti at parang walang kasamaang tagaly sa katawan. Pero sabi nga nila, minsan naging anghel si Satanas. Sa subrang kademonyuhan nito, hindi siya nito pina-training ng kahit anong martial arts o sports para sa pakikipag-away dahil alam nitong dito niya unang gagamitin ang bagay na ito. Don Jukka used his intimidate power to manipulated everybody including her.

Tumakbo siya at tumakas nung isang malaman niyang ipapadala siya ng kaniyang lolo sa Finland para ipakilala sa kaniya ang anak ng kumpare nito. Nakita niya na ito before nung kinse anyos pa siya at masasabi niyang mas matanda ito sa kaniya for 20 years. Nung tumuntong na siya ng labing-walo, gusto ng lolo niya na ikasal siya. Of course she did something before, she checked on the restricted deep websites of what man he is ang ipapakasal sa kaniya at kung kaano-ano ito ng matanda nung hindi pa siya banned sa mga gadgets at electronics.

Only to find out na isang may saltik sa ulo ang lalaking pinagbentahan sa kaniya. Yes, binenta siya ng sariling lolo niya sa halagang 1 billion USD. Isa rin ito sa pinakabigating syndicate at tulad ng lolo niya, he don't take as no for an answer. At the end of the day, mas matimbang talaga ang pera kesa sa dugo. Hindi na nga bago sa kaniya na ito ang pumatay sa mismong anak nito na ama niya na minsan kumalaban dito sa pamamagitan ng pagtanan nito sa kaniyang ina.

Mabuti na lang at may mabuti pa rin tao sa loob ng mansiyon at tinulungan siyang makatakas dahil kung sarili lang niya, hindi niya magagawa 'yon. Pero lahat may consequences, kaya hindi na siya pwedeng bumalik sa kaniyang kulungan! Hinding hindi. Kahit ngayon man lang, karapatan din niyang mamili ng taong mamahalin at papakasalan.

Alam niyang sa mga sandaling ito, nangangalaiti na sa galit ang matanda at ilang buhay na naman ang nasawi. But God, she's tired! Lumaki siyang puno ng takot pero ang takot na iyon ang ginawa niyang hakbang para makalayo na sana dapat matagal niya ng ginawa.

DOMINANT SERIES 5: Intruder (Completed) THEON WILLOUGHBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon